Skip to playerSkip to main content
Aminado ang inarestong Russian vlogger na forda content lang ang kaniyang video na nagbabantang magpapakalat ng HIV sa Pilipinas. Ang isa pang Russisan content creator na nauna nang pina-deport dahil sa pambabastos naman ng mga Pinoy, nagawa pang mag-video sa loob ng piitan. Tatlong tauhan ng Bureau of Immigration ang sinibak dahil diyan. May report si Ian Cruz.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Aminado ang inarestong Russian vlogger na for the content lang ang kanyang video na nagbabantang magpapakalat ang HIV sa Pilipinas.
00:08Ang isa pang Russian content creator na nauna ng pinadeport dahil sa pambabastos naman ng mga Pinoy,
00:14nagawa pang magvideo sa loob ng piitan.
00:17Tatlong tauha ng Bureau of Immigration ang sinibak dahil dyan.
00:21May report si Ian Cruz.
00:22Kuha ito ng Russian vlogger na si Vitaly Sadorovetsky sa loob ng detention facility ng Bureau of Immigration.
00:38Sa kanyang social media, ipinasilip ni Vitaly ang buhay niya sa loob ng piitan matapos arestuhin noong April 2025 dahil sa panggugulo at pambabastos sa mga Pinoy para sa kanyang vlog.
00:51I-nosed niya ang mga video matapos ipadeport nitong weekend at makauwi ng Russia.
01:04Blocklisted na sa Pilipinas si Vitaly.
01:06Pero ang tanong ngayon, paanong nakapag-record pa ang vlogger habang nasa piitan?
01:12Sabi ng Malacanang, sinibak na sa pwesto ang ilang tauha ng Bureau of Immigration dahil dito.
01:18Tatlo po ang natanggal ng immigration official because of that at marami po na confiscate ng mga cellphones.
01:23Pero kung meron pa pong iba na maaaring masabi natin na nagkakaroon ng kakulangan,
01:28pa-iimbestigan pa po ito at kailangan matanggal ang dapat na matanggal sa posisyon kung meron pa nga abuso.
01:35Kuharaw ang video noong unang bahagi ng detensyon ni Vitaly.
01:39Sa condominium unit naman na ito sa Quezon City,
01:42natunto ng mga taga-immigration ang Russian vlogger na kinilalang si Nikita Shekov.
01:47Inaresto siya matapos magbanta sa isang video na magkakalat ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa buong Pilipinas.
01:58Let's spread HIV.
02:02Sinampahanan ang deportation case ng MI ang vlogger na isinailalim sa HIV test.
02:09Negative po siya sa HIV, negative po sa lahat ng STD.
02:13In other words, nagpapasikat lang ginagamit ng mga Pilipino.
02:17Kung magkaroon po siya ng local case, aantayin po natin na matapos at magkaroon ng resolusyon yung local case na yun.
02:25Kung siya po ay hatulan ng Korte ng Pagkakakulong,
02:29we would have to wait po until ma-serve niya yung sentensya dito sa Pilipinas before po natin ma-implement yung deportation.
02:36Sinabi ng Russian vlogger sa GMA Integrated News na matagal na siyang gumagawa ng videos para sa mga Pilipino kung saan nakakabasa siya na mga komentong
02:46Stop spreading your viruses, foreigner! o HIV alert!
02:50Kaya naisip daw niyang gawin ang spread HIV video para makakuha ng atensyon.
02:57Inakala raw niyang magiging meme ito at tatanggapin ang kanyang Pilipino audience ang kanyang dark humor.
03:04Kaya ng pagtanggap sa kanyang content sa Russia at Amerika.
03:08Hindi raw siya hihingi ng tawad sa ginawa niyang video pero mas naiintindihan na raw niya ngayon ang standards sa mga Pilipino at nire-respeto ito.
03:18Bukod kay Shekov, hinuli at kinasuhan din ang Estonia nasyonal na si Sim Rosipo sa Dumaguete City.
03:26Umiigot po siya sa Dumaguete at iasabi niya at nagbablog siya.
03:32Yes, iasabi niya ng lahat ng Pilipino.
03:34Guys, they look so monkey sometimes. Like so monkey face.
03:40Ani Rimulya overstaying na ang Estonian na dapat ay hanggang January 1 lang sa bansa.
03:45Dadalhin sa trial court ng Banyaga na naharap sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at paglabag sa anti-cybercrime law.
03:56Kung ang mga dayuan na ito ay ginagago tayo ay hindi natin atrasan ito.
04:01Bibigan natin ng buong bigat ng batas para maramdaman nila na kung maganda ang Pilipinas sa pag-iikot,
04:09sila ay mas magagandahan pag nasa loob na ng preso.
04:12Ian Cruz, Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended