00:00Iba't-ibang sasakyang pandagat ang nagkaaberya sa laot sa Mindanao.
00:04Sa Tawi-Tawi, 50 ang nasagip sa bankang nabutas at lumubog.
00:09Kinaharap naman sa Davao Golf ang banka.
00:11Na sa 15 sakay, isa pa lang ang nasasagip.
00:15May report si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
00:19Ramdam ang kaba ng mga pasaherong ito habang nasa laot ng Simundol Tawi-Tawi.
00:26Nabutas na pala ang unang bahagi ng kanilang banka.
00:28Kaya ang mga pasahero lumipat sa likuran.
00:32Ilang sandali pa, tuluyan ang lumubog ang banka.
00:36Kanya-kanyang diskarte ang mga pasahero para may makapitan.
00:50Kwento ng isa sa mga nakaligtas.
00:53Agad siyang nagpabatid sa mga kakilala na lumulubog ang kanilang sinakyan.
00:57Last shot ko, sabi ko, ah hell, kung narescue kami, may nakakita mga 1053 na mga one hour plus kami narescue bago marescue.
01:05Sa kabutiang palad, dumating ang rescuers at nailigtas ang lahat ng limangpung sakay.
01:11Ayon sa Philippine Coast Guard, sumuong sa malalaking alon ang banka.
01:15Sa laot naman ng Taganak, Tawi-Tawi.
01:19Nasa Gip ang mahigit sang daang sakay ng isang lansya na mag-aanim na araw na palang stranded sa lagat.
01:25Hindi umano-umaandar ang barko dahil nasira ang makina.
01:28Galing sila ng Sambuanga City.
01:30Nagigpit na ang Coast Guard para di maulit ang insidente.
01:33Sa Davao Gulf naman, hinahanap pa ang bankang MBCA Amejara na naglayag mula sa Santa Ana Huarps sa Davao City.
01:43Patungo sa ng Governor Heneroso sa Davao Oriental, lunas pa dapat nakarating ang banka na may 15 sakay.
01:49Kaninang umaga, isang crew ang nakita sa bahagi ng Davao Occidental.
01:54Doon din huling namataan ang banka.
01:56Sinusubukan pang makuha na ng pahayag ang nakaligtas.
01:58Nakita po siya within the waters of Sarangani Island.
02:04So as of the moment ni Sarah, we are also focusing sa area ng Davao Gulf, Davao Oriental, pababa po ng Sarangani area.
02:13So we also consider yung sea, wind and current na meron po tayo ngayon sa search area po natin.
02:19Nagsagawa na ng aerial and surface search operation sa lugar.
02:23Prioridad ng Coast Guard na maligtas ang nawawalang 14 sakay na pasahero.
02:28Bago simulan ang investigasyon sa nangyari sa banka.
02:32Efren Mamak ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments