Skip to playerSkip to main content
Alerto sa lindol ang laging paalala sa publiko — lalo sa Metro Manila, na banta ang paggalaw ng West Valley Fault.
Bukod sa pagtitiyak na matibay ang mga gusali gaya ng paaralan,
pinasisigurado ring matibay ang mga ospital.
May report si Sandra Aguinaldo.




State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Alertos sa Lindol ang laging paalala sa publiko, lalo sa Metro Manila, na banta ang paggalaw ng West Valley Fault.
00:07Bukod sa pagkitiyak na matibay ang mga gusali gaya ng paaralan, pinasisiguro rin matibay ang mga ospital.
00:14May report si Sandra Aguinaldo.
00:18Hindi pa mapakinabangan ang Manay District Hospital.
00:22Isa ito sa mga napuruhan ng gusto ng Lindolino Biernes ang Manay Davao Oriental.
00:27Hindi pa sa pinakmalapit na health center ang mga pasyente.
00:33Nagdulot din ang takot sa ilang ospital sa Cebu ang magnitude 6.9 na Lindol noong September 30.
00:40Naglabasan ang mga pasyente sa Cebu City Medical Center.
00:45Apaw rin noon ang mga pasyente sa Cebu Provincial Hospital sa Bogos City kung nasaan ang epicenter ng Lindol.
00:52Kapag may mga ganitong pagyanig, ayon mismo sa Department of Health, dapat handa at matibay ang mga ospital.
00:59Make sure we will be the last facility standing.
01:04In a big one, tayo ang dapat huling facility na hindi babagsak.
01:10Sa Metro Manila, ang kinatatakutang the big one o paggalaw ng West Valley Fault ang pinagahandaan.
01:17Sabi ni Secretary Ted Herbosa na inspeksyon na ang mga gusali ng mga ospital para tiyaking hindi sila guguho.
01:24Alinsunod sa DOH Contingency Plan, hinati sa apat na kwadrant ang Metro Manila
01:30At bawat kwadrant, may mga naka-assign na primary healthcare facility.
01:35Sa North kwadrant, naroon ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela at Quezon City.
01:41Sa West kwadrant, ang mga lunsod ng Mandaluyong, Maynila at San Juan.
01:46Nasa East kwadrant naman ang lunsod na Marikina at Pasig.
01:50At sa South kwadrant, dalawang ospital ang tutugon para sa Las Piñas, Makati, Montindupa, Paranaque, Pasay at Pateros.
01:58Ang Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan, na isa sa mga primary facility sa North kwadrant,
02:07may nakatabi ng mga generator set, hospital field bed, tents, medical equipment at gamot na tatagal ng dalawang linggo.
02:15Kung dumagsa ang mga pasyente, sa parking lot itatayo ang mga tent na magsisilbing field hospital.
02:21Uusod na yung triaging natin malapit sa gate.
02:23So doon pa lang, iti-check na natin yung mga patients kung ano nga silang kategory, kung sila ba ay walking wounded or sila ay urgent.
02:32So yung makakapasok lang sa banda rito is the red patients.
02:36Ang Tondo Medical Center na sakop ng West kwadrant, balak magtayo ng field hospital sa Intramuros Golf Course
02:43sa mga kalsada sa paligid ng ospital pati na sa isang kalapit na paaralan.
02:48Pag bumaksak po ang ospital namin, kinilir ng engineering namin na pwede namin gamitin yan, that will be our temporary hospital.
02:56Handa rin sumaklolo ang iba pang mga ospital sa mga kalapit na rehyon.
03:01Pero paano kung di agad makarating ang saklolo?
03:05Dapat yung paghandaan ayon sa direktor ng amang Rodriguez Memorial Medical Center sa East Kwadrat.
03:11So kung sino yung first wave na tutulong sa amin, manggagaling pa sa Visayas.
03:18Yung second wave sa Soxagen pa po manggagaling. E paano po akong sira na lahat ng airport?
03:24Para sa contingency, hihingi raw ang DOH ng pondo dahil 100 million pesos na lang ang emergency response fund nila ngayon taon.
03:34Lubhang delikado ang mga lugar na dinaraanan mismo ng West Valley Falls.
03:39Sa barangkay Pembo, Taguig, na may 74,000 residente, tinatawid ng fault line ng isang kalsada at ang harap ng Pembo Elementary School.
03:48Meron po kaming disaster preparedness na ginagawa every year.
03:54So ina-update po namin yung SDRM ng eskwelahan kasama po yung mga pupils.
04:02Meron din po kaming hiwalay na community-based na seminars.
04:07Sa Muntinlupas City na may mga barangay rin dinaraanan ng fault, nag-inspeksyon ng LGU sa mga government building at paaralan.
04:17Sa Pasay, bukod sa inspeksyon sa mga paaralan, namigay rin ang hard hat sa mga mag-aaral at guro.
04:24At dahil maraming nakatira at nagtatrabaho sa mga high-rise buildings sa Metro Manila,
04:28paalala ng isang structural engineer, dapat regular na nai-inspeksyon ang mga gusali.
04:36Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended