Sa gitna ng patuloy na pagtatanggol ng Pilipinas sa ating teritoryo at soberanya, naitaboy ng ating mga sundalo ang mga mangingisdang Tsino na ilegal na pumasok sa Ayungin Shoal. Kumpiskado sa kanila ang mga boteng hinihinalang may cyanide. May report si Mariz Umali.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
00:00Sa gitna ng patuloy na pagtatanggol ng Pilipinas sa ating teretoryo at soberania na ay taboy ng ating mga sundalo ang mga mangingis ng Chino na iligal na pumasok sa Ayungin Shoal.
00:11Kumpiskado sa kanila ang mga boteng hinihinalang may cyanide.
00:15May report si Marie Zumali.
00:24Iligal na pinasok ng mga mangingis ng Chino ang Ayungin Shoal itong Biyernes ng gabi.
00:30Pinahinto at binikitan sila ng mga sundalong Pilipinong sakay sa inflatable boat mula sa BRP Sierra Madre.
00:38Pero nagkahabulan, nandihuminto ang mga Chino.
00:45Buis-buhay ang pagkapit ng mga Pilipino sa bangka ng mga Chino para di makawala.
00:49Gamit ang tila tubo o stick, pilit na sinungkit ng mga sundalo ang makina ng Chinese fishing boat para mapatigil.
01:01Mayang maya dumating ang isa pang inflatable boat ng mga sundalong Pilipino at napagitnaan ang bangka ng mga Chino.
01:15Isang tila lalagyan ng krudo ang pinaghahampas ng mga sundalong Pinoy.
01:22Nang makuha ito ng isa sa mga sundalo, saka huminto ang bangka ng mga Chino.
01:26Sa inspeksyon sa bangka ng mga Chino, may nasamsam na apat na bote.
01:39Susuriin pa kung naglalaman ng mga yan ang cyanide, kemikal na karaniwang gamit sa illegal fishing.
01:44It's only now in recent history that may nakitang liquid to be suspected to be cyanide.
01:50Ito ay para ang isda, lalo yung mga rare na mga species na isda ay makakatulog at nahuhuli ng buhay.
01:58So yung mga rare species, mas mahal ang market value nito.
02:02Kasunod niyan, hinatak ng mga sundalo ang bangka palabas ng Ayungin Shoal.
02:06May namantaan pa raw barko ng China Coast Guard sa labas ng bahura pero hindi raw ito nang himasok.
02:11Ayon sa Philippine Navy, pwede namang arestuhin ng mga sundalong Pilipino ang mga Chino.
02:16Pero itinaboy na lang daw nila ang mga ito para hindi makompromiso ang siguridad ng BRP Sierra Madre
02:21na isinadsad sa bahura para igiit ang soberanya roon ng Pilipinas.
02:26Hinuli mo yun, inapprehend mo yun, papakainin mo, iakit mo sa barko.
02:30That was the foremost consideration na pagpinaakit mo, makita nila ang loob ng Sierra Madre.
02:36Bahagi rin ng teritoryo ng Pilipinas ang Bajo de Masinlok o Scarborough Shore.
02:42Pero inaangkin din ito ng China at lano pa nilang i-deklara ito bilang kanilang nature reserve.
02:48Kinundin na yan ni Pangulong Marcos sa kanyang intervention speech sa ASEAN-US Summit
02:53pati na sa kanyang talumpati sa 20th East Asia Summit na dinaluhan pa ng China.
02:57Giit ni Pangulong Marcos matagal ng bahagi ng Pilipinas ang Bajo de Masinlok
03:02at tayo ang eksklusibong may otoridad para maglatag na environmental protection sa mga teritoryo nito.
03:08Ang planong nature reserve ng China sa Bajo de Masinlok ay paglabag daw sa soberanya ng Pilipinas
03:14at sa traditional fishing rights ng mga mangingisdang Pinoy.
03:17Nasa pulong si Chinese Premier Li Chang pero hindi pa malinaw kung anong reaksyon ng China sa mga sinabi ni Pangulong Marcos.
03:24Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment