00:00Mga kapuso, ramdam niyo na rin ba ang tagus-butong lamig?
00:04Naitala kanina madaling araw ang pinakamababang temperatura ngayong amingan season.
00:08Sa ilang lugar, kabilang po ang Metro Manila, maginaw rin sa ilang lugar tulad po sa Tanay Rizal.
00:15Nakatutok doon live si Raffi Tima. Raffi!
00:22Emil, matibay ako sa lamig pero ako man ay nagulat sa lamig na nararamdaman natin ngayon dito sa Tanay Rizal.
00:28Katunayan, ayon sa pag-asa, kaninang madaling araw, naitala ang pinakamalamig na temperatura dito sa Tanay ngayong amingan season.
00:36At maging dyan nga sa Metro Manila, ay naitala ang pinakamababang temperatura ngayong amingan.
00:45Dahil sa biglang paglamig kagabi, late na namasada ang tricycle driver na si Ramon.
00:50Kagabi, mas malamig kagabi. Ngayon January, masarap matulog eh. Pagmalamig eh.
00:55At dahil lamigin, struggle is real daw ang pagligo sa umaga.
01:01Papainit ako ng tubig. Sambal din lang. Ligo na. Dalawang sabon na ano. Yun na.
01:10Kung walang mainit na tubig?
01:12Baka mga dalawang araw ako bago maligo. Sobrang lamig.
01:17Inabutan ko naman ang mga kabataan ito na naglalaro ng basketball kahit katanghaliang tapat.
01:22Ine-enjoy lang daw nila ang paglalik ng panahon.
01:24Kaya ba naglalaro kayo ng basketball kahit tanghaliang tapat?
01:27Opo. Ano po siya, mas less pawis.
01:30Kasi pagdating po ng papunta na po ng March, mainit na po sobray.
01:35Kanina, naitala ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila para sa kasalukuyang amingan season.
01:4019.6 degrees Celsius sa Science Garden, Quezon City.
01:44Sa Tanay Rizal, 17.2 degrees Celsius ang pinakamababa ngayong araw.
01:49Ramdam din ang lamig sa Bulacan, particular na sa bayan ng San El Difonso kung saan naitala ang 18.6 degrees Celsius.
01:56Mas malamig pa rin syempre sa Baguio.
01:59Sumadsad sa 11 degrees Celsius ang lamig sa City of Pines, ang pinakamababa sa lungsod mula na magsimula ang amihan season.
02:0512 degrees Celsius naman sa kalapit na bayan ng La Trinidad sa Benguet.
02:10Bagaman mas malamig pa rin ang naitala roon noong December 30, 2025 na 9.6 degrees Celsius.
02:16Kaya may mga pananim sa Benguet na namuti noon dahil sa andap o frost.
02:2015.8 degrees Celsius naman ang temperatura sa Basco Batanes.
02:24Ayon sa pag-asa, magpapatuloy ang epekto ng amihan sa bansa hanggang Pebrero.
02:29Pwede pa itong lumakas at posibleng lalamig pa ang panahon sa mga susunod na linggo.
02:33Kaya sa paparating na weekend, pinakamainam daw na mamasyal sa mga lugar na malamig.
02:38Yung current surge ng Northeast Monsoon, magtatagal pa naman po yan hanggang sa araw ng lunes.
02:42And then magkakaroon tayo ng panibagong surge ulit later next week.
02:45Emil, ayon pa sa pag-asa, magiging pabugsubugsunay yung mababang temperatura na ating mararamdaman hanggang Pebrero
02:56dahil sa makapal na niebe at pinaikting na high-pressure area sa may Siberia, China
03:02na nagdadala ng malamig na hangin patungo dito sa ating bansa.
03:06Yan ang latest mula dito sa malamig na tanay.
03:08Emil?
03:09Maraming salamat, Rafi Tima.
03:11Maraming salamat, Rafi Tima.
Comments