Skip to playerSkip to main content
Nagpabaha na ang Bagyong #IsangPH sa malaking bahagi ng Luzon bago pa man mag-landfall sa Casiguran, Aurora kaninang umaga. Sa Metro Manila, kabilang sa binaha ang Manila City Hall at ibang bahagi ng lungsod. Stranded ang maraming sasakyan at meron pang tumirik.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Nagpabahana ang bagyong isang sa malaking bahagi ng Luzon
00:08bago pa man mag-landfall sa kasiguran aurora kaninang umaga.
00:13Sa Metro Manila, kabilang sa binaha ang Manila City Hall at ibang bahagi ng Luzon.
00:18Stranded ang maraming sasakyan at meron pang tumirik
00:22kaya napaiyak na lang ang isa naming nakausap dahil o wala naman siyang may uuwing kita.
00:28At nakatutok live si Darlene Pag.
00:31Darlene.
00:35Mel, Emil, Vicky, tumila na yung ulan dito sa Maynila
00:38pero kanina talagang malakas at tuloy-tuloy ang buhus niyan.
00:42Agad tuloy bumaha kaya marami ang mga nastranded na motorist at pasahero
00:46at bumigat din ang daloy ng trapiko.
00:52Wala nang makadaan sa bahaging ito ng Calao Avenue sa Maynila
00:56na nagbukhang ilog dahil sa baha.
00:58Nalubog ang isang nakaparadang motorsiklo sa dalawat kalahating talampakang taas ng tubig
01:02pati iba pang nakaparadang sasakyan.
01:05Tumirik at nalubog din ang taksing ito
01:07pati ilang motorsiklo kaya itinulak na lang.
01:11Maraming sasakyan ang stranded pati mga ambulansya.
01:14Ang 75 taong gulang na taxi driver na si Mang Mario
01:17hindi na naman makakapasada kaya walang iuwing kita.
01:21Kawawa naman kaming mga isang kahit isang tuka.
01:27Mabuti nga yung mayayaman na pera yan.
01:30Lasa kondo yan eh.
01:31Eh kami.
01:33Sawang-sawa na raw si Mario na paulit-ulit na malubog at mastranded sa bahakapag-umuulan.
01:39Yung nanunungkulan sa atin eh sana nga eh pag-isipan naman nila yung ganyan na pangyayari
01:47sa kawawa ang taong bayan sa ganyang klase ng kwan na katulad namin
01:53na isang kahit isang tuka pag hindi kami bumiyahe hindi kami kakain.
01:59O gaya ngayon hindi kami makakuan at alalim ng tuwig paano kaming makapagahanap buhay.
02:05Ang ilan, walang nagawa kung hindi lumusong sa hanggang hitang baha.
02:09Tulad ni Jess na ibinaba ng sinakyang jeepney na hindi na rin makadaan.
02:13Sobrang lalim pong hindi na po akong madulas.
02:18Buti napakapit po ako sa may bakal.
02:21Wala na rin siyang masakyan papasok sa trabaho kaya uuwi na lang.
02:25Wala tuloy siyang suswelduhin ngayong araw.
02:28Malungkot po kasi sayang po yung araw since nandito na po.
02:31Kaso po safety first po tayo para hindi po kasi mababayaran kung anuman po yung kung sakaling magkasakit man po.
02:40Sa bahagi ng Maria Orosa naman papuntang Padre Burgos Avenue, marami ang stranded na delivery rider.
02:45Si Marvin, apat ang ongoing delivery.
02:48Yung iba nakakaintindi, yung iba naman hindi.
02:52Gusto nila kasi pagkain yan eh.
02:55Gusto nila mayatid agad kasi mapasisiraman.
02:59Dapat naiintindihan rin nila kami eh. Baha eh.
03:03Patuloy naman sa paglilimas ng tubig sa establishmento ito na pinasok ng tubig kahit naglagay na sila ng mga sandbag sa pinto.
03:09Mismong ang Manila City Hall, pinasok ng baha.
03:14Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 30% ng lungsod ang binaha ngayong araw.
03:18Sa nakala po na datos ng aming automated weather station po, kaya sa western portion po ng lungsod ang pinaka nakaramdam po ng mga pagulan.
03:29Kaya ito pong eastern portion po natin, dahil sa Tamesa, yung Espanya-Sampaloc area, ay hindi po aga nung binaha.
03:36Ang binaha po is yung aming pong district part.
03:39Karaniwan ang binabaha ang mga lugar kung saan tumaas ang tubig kanina.
03:43Sumabay rin po ang nai-tide kanina pong bandang alas 9 ng umaga po.
03:49So nakadagdag po ito bilang pampabagal po ng pag-uupa po.
03:54Possible po dyan ay yung engineering intervention at yung mga clog drainage na rin po magkakasama na po ito.
04:03Pati yung volume po ng ulan.
04:05Binaharin ang ilang bahagi ng Pasay City.
04:07Tumirik ang motorsiklo ng rider na ito sa kabaan ng Chocno Boulevard kung saan hanggang hita niya na ang tubig.
04:13Inabutan din namin ang ilang kawunin ng DPWH na nagtatanggal ng dumi sa kanal sa gitna ng ulan.
04:18Vicky, balik tayo dito sa Maynila.
04:25Tuluyan ang umupa yung baha dito sa Taft Avenue pati sa UN.
04:29Iilan na lang din yung mga nakikita naming pasahero na nag-aabang ng masasakyan.
04:33Gayunman, sabi ni Manila Mayor Esco Moreno ay patuloy daw na nag-iikot yung mga kawunin ng LGU
04:39para magbigay ng libring sakay doon sa mga mangangailangan.
04:44Yan ang latest mula dito sa Maynila.
04:45Balik sa'yo, Vicky.
04:46Maraming salamat sa'yo, Darlene Kai.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended