Skip to playerSkip to main content
Mabilis na binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila kaninang hapon dahil sa malakas na buhos ng ulan.


Sa isang barangay sa Quezon City, umabot pa sa lampas-tao ang taas ng tubig.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mabilis na binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila kaninang hapon dahil sa malakas na buhos ng ulan.
00:06Sa isang barangay nga sa Quezon City, umabot pa sa lampas tao ang taas ng tubig.
00:12Nakatutuk live si Chino Gaston.
00:15Chino?
00:20Mel, nagdulot ng matinding pagba sa ilang parte ng Quezon City ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan bago magtanghali kanina.
00:27At mabilis na tumas ang level ng tubig sa mga lugar na karaniwang binabaha gaya ng Santo Domingo at dito sa Araneta Avenue.
00:38Higit isang oras lang na malakas na ulan at binaha agad ang ilang bahagi ng Quezon City.
00:44Sa Santo Domingo Avenue, nadaanan namin ang ilang estudyante ang stranded sa baha.
00:49May pasok kayo kanina?
00:50Opo, meron po.
00:51O tapos, ano nangyari?
00:53Ayun po.
00:53Lakas ang ulan.
00:54Lakas ang ulan.
00:55So ano, pinauwi kayo?
00:57Hindi po.
00:59Apa, uwi na kayo?
01:00Kailangan po talaga namin.
01:00Kailangan po talaga namin.
01:00Kailangan po po sa suspended.
01:03Lampas taon na ang baha sa barangay Talayan, kaya abala sa pag-rescue ang bangka ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office.
01:12Galing kayo sa loob, te?
01:13Opo, nirescue po kami kuya.
01:15Nirescue? Paano kayo nirescue?
01:16Ano po, na-stranded po kami dun sa ano namin, ang tubig ilampas taon na.
01:20Ah, talaga? Anong street yun?
01:23Dito po sa Talamba, G. Aranita. Tapos ang nag-rescue po sa amin ay mga taga parang kay, ano, ng Santo Domingo.
01:31Santo Domingo.
01:32O, Santo Domingo.
01:33Sa Biak na Bato Street, tumirik ang isang van kaya itinulak na lang.
01:37Dahil sa baha sa canto niyan at ng Quezon Avenue, iniba rin ang ruta ng mga sasakyan.
01:42Nakalipo muna yung mga sasakyan dahil yung madaas pa ang duloy.
01:47Inabot na rin ang baha ang paanan ng kalsada paakyat ng skyway kaya napatigil ang ilang sasakyan o di kaya napapaatras.
01:55Nagyutangan naman ang mga supot ng basura sa baha sa kahabaan ng Aranita hanggang E. Rodriguez Avenue.
02:02May ilang sasakyan ang nagpumilit dumaan sa abot-bewang na baha.
02:05Matinding traffic ang dulot ng baha dahil hindi na makadaan ng Aranita Avenue ang mga sasakyan mula sa San Juan.
02:13At napipilitang mag-detour sa E. Rodriguez Avenue papuntang Welcome Rotonda.
02:20Dahil din sa lakas ng ulan, traffic sa G. Aranita underpass.
02:27Nalubog din sa baha ang Mother Ignacia Avenue, Corner Summer Avenue kaya ang sasakyang ito napalikuna lang sa halip na dumiretso sa binahang kalsada.
02:38Umatras din ang isang pampasahirong bus.
02:43Lampas gutter deep naman ang baha kanina sa Scout Ibardula sa Corner Kamuning bagaman nadadaanan pa.
02:51Naiipon din ang tubig sa Timog Corner 11 Jamboree pati na sa Edsa Kamuning northbound.
02:56Sa Viluna Avenue na andal ang biyahin ng mga motorista dahil sa baha.
03:01Hindi rin madaanan kanina ng light vehicles ang parte ng kamyas na malapit sa Anonas.
03:07Bumagal din ang daloy ng trapiko sa elliptical road at commonwealth dahil sa baha.
03:13Hanggang gutter ang baha sa bahaging ito ng Shaw Boulevard.
03:18Binaha rin ang kahaba ng Espanya Boulevard sa Maynila na nagpabagal sa daloy ng trapiko.
03:23Abot binti ang bahang nilusong ng ilang estudyante.
03:33Mel, sa ngayon wala ng tubig bahad dito sa kahabaan ng Araneta Avenue at na dadaanan na mga sasakyan na magkabilang lane.
03:41Pero gaya ng dati, nag-iwan ng napakaraming basura dito sa lansakan.
03:46Maraming salamat sa iyo, Chino Gaston!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended