00:00Silipin na natin ang paghahanda sa Bagyong Nando ng mga taga-Kagayan.
00:05Pinatibay na ang mga bahay roon at may nakahanda ng back-up na kuryente sakaling mag-brown out.
00:10Mula po sa Santa Ana-Kagayan, nakatutok live si Nico Wang.
00:15Nico.
00:20Vicky, maraming residente rito sa Santa Ana-Kagayan ang ayon na raw ulit maranasan ang kanilang naranasan noong Super Typhoon Ompong noong 2018.
00:28Kaya naman mas naghahanda na ngayong Bagyong Nando.
00:35May mga sako na nambuhangin ang bubong ng ilang bahay sa gilid ng dagat dito sa Santa Ana-Kagayan.
00:41Mga pabigat daw ito para hindi lipa rin ang kanilang mga bubong sakaling manalasa ang Bagyong Nando.
00:47Kasi lingagyan ko ng buhangin yan kasi ilipat-lipat na noon.
00:50Ang ibang bahay, kundi bato, kahoy ang pabigat.
00:53At dahil madalas daanan ang bagyo ang Santa Ana, natuto na raw si Joanne.
00:57Naghahanda na kami sir, yung mga kit namin, yung mga damit namin, yung mga flashlight ganoon, sinacharge na namin.
01:07Maliwalas ang panahon sa Santa Ana sa maghapon.
01:09Pero base sa mga naranasan ng mga taga rito, dito raw sila mas natatakot.
01:14Naranasan na raw kasi nila na ang tubig dagat ay umaabot na halos sa kanilang komunidad.
01:18Eto daw yung parang kampante ka pero mas malakas sir.
01:21Nung umpong, hindi kami nakapaghanda nun sir. Yung mga bubong, marami talagang nilipat sir.
01:26May mga manging isdang susubukan daw umisa pa ng palaot bukas.
01:30Nag-abiso na raw ang Coast Guard sa kanila ng no-sailing warning pagdating ng linggo.
01:34Baka uling laot tayong bukas sir kasi baka linggo walang hindi na kami maglaot.
01:38Kasi malakas talagang parating na bagyo. Baka sakali may swerte, di paipang ulam.
01:43Pangulam sa?
01:44Sa bagyo, sir. Mahirap naman walang mga bata. Walang maulam.
01:49Sa ngayon, nakadaong pa mga bangka ng mga manging isda dito sa Pampang sa Santa Ana, Cagayan.
01:54Pero ayon sa kanila, simula bukas ng hapon, isa-isa na nilang itatali at iaangat sa mas mataas na lugar
02:00ang kanilang mga bangka para hindi masira.
02:03Lalo't ayon sa MDRRMO, kapag signal number 3 hanggang signal number 5,
02:08ang alon dito sa Santa Ana, umaabot ng limang metro.
02:13Ang MDRRMO ng Santa Ana ay nilabas ng rubber boats
02:16at unihanda na mga gagamitin sakaling kakailanganin ng clearing operations.
02:21May nakaabang ding relief goods.
02:23Nakastandby rin ang kanilang mobile energy system sakaling mawala ng supply ng kuryente.
02:27Maski dalawang araw, tatlong araw yan na mawalang kuryente,
02:31kaya niyang i-operate itong EOC natin.
02:34Kaya continuous pa rin yung operation, maski brand out.
02:37Pusible rin magsagawa ng preemptive evacuation sa linggo.
02:40Malaking tulong din daw ang mga bagong gawang seawall para hindi umapaw ang tubig sa mga kabahayan.
02:45Sa bayan ng Gonzaga, nagmamadaling mag-ani ng palay ang mga magsasaka.
02:49Rekta na rin silang benta sa mga buyer.
02:51Para hindi masayang ito, masasayang nang pagod namin kung hindi na ma-ani agad.
02:56Ayon sa PDRRMO ng Kagayan, dahil hindi halos nagamit ng mga inihanda para sa Bagyong Mirasol,
03:01ito na rin na nakastandby para sa Bagyong Nando.
03:04Yung mga prepositioned stockpile ng mga local governments pati barangay, in place pa rin lahat yan.
03:10The same yung mga deployment ng mga personnels ng mga rescue units ng MDRMO,
03:16maging yung mga quick response team ng province, ay in place pa rin.
03:22So, walang magbabago doon sa preparation natin.
03:52Maraming salamat sa iyo, Nico Wahe.
Comments