Skip to playerSkip to main content
  • 13 hours ago
-Cyclone Harry, humagupit sa ilang lugar sa Italy


-GMA Network, nagtala ng 86.2 net reach o 62M viewers noong 2025; Number 1 network pa rin/"24 Oras" at "Kapuso Mo, Jessica Soho," nanguna sa Top 30 Most-Watched List sa bansa nitong 2025/GMA Network, nangunguna rin online; may 74.4 billion views sa iba't ibang platform/ GMA Integrated News, nakakuha ng 18.5B views nitong 2025; "Encantadia Chronicles: Sang'gre," most-watched GMA content/GMA radio stations, nangunguna sa Metro Manila at sa mga rehiyon


-PHIVOLCS: Bulkang Mayon, nananatili sa Alert level 3/Asupre at iba pang volcanic gases sa hangin, sinusukat para matukoy kung posible ang pagputok ng Mayon


-Sen. Imee Marcos: Taumbayan ang pinatutunguhan ng minority report; ayaw kong pumatol sa usaping respeto


-Michael Sager at Zephanie, nagkuwento tungkol sa kanilang pagbibidahang "Born to Shine"


-Basketball player, announcer din sa sariling exhibition match


-PCO: PBBM, buong gabi under medical observation matapos makaranas ng discomfort; nakabalik na rin sa Malacañang


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00The next restaurant in Italy is filled with water because of the water and water.
00:09And the sparkle stars Michael Sager and Zephanie,
00:13about the reunion project born to shine.
00:17Let's do this at Balitang Hali.
00:31Kami ang pin-totoo. Panata naming tumupad sa pinakamataas na pamantayan sa aming pag-uulat.
00:37Magka-isa tayong labanan ang fake.
01:00Pati na rin sa Regional TV News sa Balitang Hali.
01:03Hatid ng mas pinalakas na pwersa ng GMA Integrated News at ng inyong GMA Regional TV.
01:10Pag-uulit sa Balita online.
01:21Join the millions of users of GMA News online app worldwide.
01:25Get the latest news, access exclusive stories, watch video reports and live streams all in one app.
01:31Go to Apple App Store or Google Play Store.
01:33Search for GMA News.
01:34Look for the official app by GMA Integrated News and GMA New Media.
01:38Install and get started.
01:40From news to lifestyle to sports, we've got everything for you.
01:44Huwag pahuli sa Balita.
01:45GMA News Online app.
01:47Balitang maasahan.
01:48Nasa kamay mo na.
01:58Ang real-time na balita.
02:00Mapapanood rin sa GMA Integrated News live stream.
02:04Hiyang naman kayo sa inyong kapapilipino.
02:11Para sa taong bayang gutom sa Balita, bumusogin namin kayo sa bawat live stream.
02:16Kaya mag-subscribe at follow na sa aming YouTube channel at Facebook page.
02:21Dahil ang bawat Pilipino may karapatan sa napapanahong Balita.
02:27Sa bawat proyekto ng pamahalaan, bawat pisong inilaan, nararapat lamang pantayan.
02:33Saan nagsisimula ang korupsyon?
02:34Sa mga flood control projects.
02:36Mula sa flood.
02:37Isang storm surge ang sumalanta sa Sicily, Italy.
02:48Nakuna ng CCTV ang panghapas ng alon ng dagat sa isang kainan.
02:52Nabasag ang bahagi ng glass wall ng kainan at pinasok ito ng tubig dagat.
02:56Sa Palermo sa Italy pa rin, naging pahirapan ang search and rescue operations ng mga otoridad sa isang maliit na pantalan dahil sa malakas na alon.
03:05Nauna ng natangay ng alon papunta sa dagat ang isang nakaparadang sasakyan sa lugar.
03:10Nakalabas agad ang driver ng sasakyan.
03:12Kabilang ang Italy sa mga sitilanta ng Cyclone Harry.
03:16Ayon sa mga otoridad, umabot sa mahigit sanlibong rescue operations ang naisagawa nila sa loob ng tatlong araw.
03:23Dahil sa walang samang support, tapunin niyo mga kapuso, nananatiling number one network ang GMA Network.
03:32Taos puso po kami nagpapasalamat sa inyong pagsubaybay at pagtitiwala.
03:41Malaking milestone para sa GMA Network ang taong 2025 dahil ipinagdiwang din ang ikapitumputlimang taong anibersaryo ng Kapuso Network.
03:5175 taong pagbibigay ng malinaw, patas at mapagkakatiwala ang balita, mapangmulat na mga dokumentaryo,
04:00at iba't ibang programang nagbibigay ng ngiti at saya sa mga Pilipino saan mang sulok ng mundo.
04:06At nito ngang 2025, napagtibay ng GMA ang pagiging number one matapos makapagtala ng 86.2% net reach mula January hanggang December 2025.
04:19Batay sa datos ng Nielsen Television Audience Measurement. Katumbas yan ang 62 million viewers.
04:28Kung isasama pa ang GTV, iHeart Movies at Heart of Asia, sumatotal na 63 million viewers ang naabot ng GMA Network.
04:37Dinumi na rin ang Kapuso Programs ang Top 30 Most Watched List sa Bansa base sa Aggregate Ratings.
04:46Pinangunahan ang award-winning magazine show ng GMA Public Affairs na Kapuso Mo Jessica Soho ang 27 programa mula sa GMA.
04:55Sinundan niya ng primetime newscast ng GMA Integrated News ng 24 oras.
05:01Pasok din sa Top 30 ang 24 oras weekend.
05:05Pati ang mga dati at kasalukuyang GMA Prime shows tulad ng Encantadia Chronicles, Sangre, Sanggang Dikit for Real at iba pa.
05:15Mga kapuso, hindi niyo lang kami sinuportahan sa telebisyon kundi pati rin online.
05:20Ang GMA ang top Southeast Asian creator sa loob ng halos dalawang taon sa Entertainment and Media category base sa datos ng Tubular Labs noong 2025.
05:33Sumatotal, 74.4 billion video views ang nakuha ng GMA across all platforms as of December 31, 2025.
05:44Marami rin na nakaantabay sa mga pinakasariwang balita.
05:48Bukod sa pinakakomprehensibong midterm elections coverage, nanguna rin ang GMA Integrated News pagdating sa video viewership and engagement.
05:58Ayon sa Tubular Labs and Hootsuite Analytics, umabot sa 18.5 billion ang kabuhaang video views sa Facebook, TikTok at YouTube.
06:08Ang Encantadia Chronicles, Sangre, itinanghalpang most watched na GMA Network content sa YouTube, Facebook at TikTok na may mahigit 5 billion views simula ng umeri ito noong June 2025.
06:23Pati sa radyo, nangungunang GMA, nakapagtala ng kabuhaang 44.5% audience share ang superradyo DZBB batay sa AGB Nielsen Data sa buong 2025.
06:3747.6% audience share naman ang naitala ng Barangay LS 97.1 Forever.
06:44Sa labas ng Metro Manila, numero uno rin sa mga takapakinig ang GMA radio stations.
06:51Ilan lang yan sa mga nakamit na tagumpay ng GMA Network noong 2025 dahil sa inyo, mga kapuso.
06:59Kaya ngayong 2026, layunin ang GMA Network na maghatid ng bago at malikhaing contents
07:06na patuloy na magbibigay kaalaman, inspirasyon at aliw sa mga manunood sa mga Pilipino.
07:13Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:19Bukad sa volcanic earthquakes at lava flow, binabantayan din ang dami ng ibinubugang asupre ng Bulkang Mayon
07:25na nasa alert level 3 po ngayon.
07:28At mula po sa Albay, may ulot on the spot si Oscar Oida.
07:31Oscar?
07:36Yes, Connie, patuloy ang aktividad ng Bulkang Mayon dito sa Albay.
07:41Sa pinakauling impormasyon na kuha natin mula sa FIVOX, ay nananatiling na sa alert level 3 ang Bulkang Mayon.
07:48Sa nakalipas na 24 oras, naitala ang pagbuga ng lava dome at lava flow,
07:53kasama ang panakanakang mahinang strombolian activity.
07:57Nakapagtala din ang mga seismologist ng 222 volcanic earthquakes,
08:02317 rockfall events at 63 pyroclastic density currents o uson.
08:08Sa buong magdamag, natatakpan ng ulap ang bulkan kaya't walang banaag o crater glow na namataan kagabi.
08:15Gayun din ang steaming o plume ay hindi rin na masdan dahil sa makapal na ulap.
08:20Patuloy rin ang pamamaga ng bulkan, palatandaan ng paggalaw ng magma sa ilalim.
08:24Ang sulfur dioxide emission ay umabot sa 1,281 tonelada bawat araw.
08:30Kaugnay niyan, mayat-maya kung magsagawa ng mobile volcanic gas monitoring ang mga tauhan ng FIVOX.
08:37Kahapon, nakasama pa tayo sa pagsusukat nila ng sulfur dioxide o asupre at iba pang volcanic gases sa hangin
08:43para maimapa kung saan-saan sa paligid ng mayon may konsentrasyon ng gas.
08:49Mahalagaan nila ito para makita kung dumadami ang binubugang gas ng bulkan na maaaring babala ng posibleng pagputok.
08:55Samantala, pinapayuan ang publiko na manatiling nakaalerto at sumunod sa mga abiso ng pamalaan.
09:01Connie?
09:02Marami salamat, Oscar Oida.
09:06Pinalaga ni Senadora Amy Marcos sa mga komento ni Senate President Pro Temporating Lakson na
09:11pambabastos daw ang report ng Senate Minority Kaugnay sa embisigasyon sa isyo ng flood control projects.
09:17Sabi ng Senadora, taong bayan ang pinatutunguhan ng Minority Report.
09:22Hindi raw siya papatol sa usaping respeto.
09:24Dagdag niya kung may bastusan na ito raw ang pababasto sa talino at pangunawa ng mga Pilipino.
09:30Kahapon, sinabi ni Lakson na hindi pagrespeto sa Senate Blue Ribbon Committee
09:33ang isinumiting Minority Report.
09:36Ang tamang proseso raw ay ilalabas muna ang Blue Ribbon Committee Report
09:39bago ito talakayin para sa revisions.
09:42Mga mara na kwento si na Sparkle stars Michael Sager at Zephanie
09:53tungkol sa kanilang pagbibidahang kapuso series na Born to Shine.
09:58Reunion project nila yan after ng successful on-screen chemistry nila
10:01sa Love is Caught in His Arms noong 2023.
10:05Masaya raw si na Michael at Zephanie na muling magsasama sa series.
10:09Smooth and light din ang nila ang mood sa taping.
10:13Kabilang sa mga kasama nila sa series na Olive May,
10:16Vina Morales, Madeline Raines,
10:19Smoky Manaloto, Rosel Nava at Tessie Tomas.
10:26I feel like this is a character that I see similarities
10:29but I also see differences as well.
10:32Si Nate Lim, he's more reserved.
10:34He has time to himself and he really thinks before he speaks.
10:38This story is really gonna be inspiring
10:41and I know po na it would touch many lives na
10:47ng mga dreamers, ng mga aspiring na artists
10:52and hindi lang po yun, lahat ng may pangarap
10:54na hindi privilege pero pursigido.
10:58Mga kapuso, kaya rin nyo bang magmulti-task sa mga ganap sa buhay?
11:07Sa Pantabangan Nueva Ecija,
11:09kayna-rear ng isang lalaking eksena sa loob ng port.
11:12Hindi lang isa, kundi dalawa ang role niya sa liga.
11:16Yan o, na-hype.
11:25Ang mga manonood sa basketball exhibition match na yan sa Barangay,
11:29Sampalok.
11:30Ang isang player kasi, announcer din sa sariling laro.
11:33Takbo rito, takbo roon habang may hawak na ang microphone.
11:36Uli kam sa isang moment, tumira sa self ng tres,
11:43eh nagmintis.
11:44Diro na ilang netizens, baka pwedeng referee na rin si kuya sa next game.
11:49Hindi man nakapunta sa video,
11:50nakaskore naman ang eksena niya ng 2.5 million views.
11:55Time out dahil si announcer player number 15 ay...
12:00Trending!
12:03Inianunsyo ng Presidential Communication Office
12:05ngayong umaga na buong gabing under medical observation
12:08si Pangulong Bongbong Marcos.
12:10Ayon sa PCO, precautionary measure ito
12:12matapos siyang makaranas ng discomfort.
12:15Inabusuhan siya ng mga doktor na magpahinga.
12:17Stable naman ang kanyang kondisyon.
12:19Sabi pa ng PCO, patuloy na ginagampana ng Pangulo
12:22ang kanyang tungkulin habang nasa medical observation.
12:25Nakabalik na siya sa Malacanang.
Comments

Recommended