- 13 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-MMDA General Manager Nicolas Torre III: Wala akong pinirmahang retirement papers sa PNP/MMDA, nagsasagawa ng paglilinis ng mga estero sa ilang bahagi ng Valenzuela; target na makapaglinis ng 25 pangunahing estero sa Metro Manila/Pagtugon sa problema sa traffic, tatalakayin ng MMDA kasama ang National Center for Transportation Studies
-Record-breaking na temperatura sa Metro Manila at Baguio, naitala ngayong Amihan Season/PAGASA: LPA na dating Bagyong Ada, posibleng lumabas ng PAR at malusaw
-Lalaki, patay sa pamamaril; suspek, aminadong nadala ng galit kaya nagawa ang krimen
-DILG: May impormasyon na posibleng nasa Cambodia si Atong Ang/Pagsusuot ng bodycam ng mga nagsisilbi ng warrant kay Atong Ang, iniutos ni DILG Sec. Remulla/5 sa 6 na baril ni Atong Ang, isinuko; isa pang baril, nawawala ayon sa kanyang abogado
-3, patay sa salpukan ng truck at jeep sa Brgy. Mambabanga; 8, sugatan
-3 bahay, nasunog dahil sa flashlight na posible raw na-overcharge
-5 motorcycle rider, nagsapakan at nagbatuhan sa Brgy. Tambo
-DILG Sec. Remulla: Zaldy Co, nagparamdam daw sa isang grupo ng mga pari na gustong makipag-diyalogo sa gobyerno/DOJ, sinabing walang natatanggap na feelers mula kay Co/State witness na si dating DPWH-Bulacan 1st District Engr. Henry Alcantara, dinala ng DOJ sa safe house/DOJ: Dadalhin sa Senado si Alcantara kung kailangan/Isa pang state witness na si dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, dinala sa DOJ para sa case build-up
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Record-breaking na temperatura sa Metro Manila at Baguio, naitala ngayong Amihan Season/PAGASA: LPA na dating Bagyong Ada, posibleng lumabas ng PAR at malusaw
-Lalaki, patay sa pamamaril; suspek, aminadong nadala ng galit kaya nagawa ang krimen
-DILG: May impormasyon na posibleng nasa Cambodia si Atong Ang/Pagsusuot ng bodycam ng mga nagsisilbi ng warrant kay Atong Ang, iniutos ni DILG Sec. Remulla/5 sa 6 na baril ni Atong Ang, isinuko; isa pang baril, nawawala ayon sa kanyang abogado
-3, patay sa salpukan ng truck at jeep sa Brgy. Mambabanga; 8, sugatan
-3 bahay, nasunog dahil sa flashlight na posible raw na-overcharge
-5 motorcycle rider, nagsapakan at nagbatuhan sa Brgy. Tambo
-DILG Sec. Remulla: Zaldy Co, nagparamdam daw sa isang grupo ng mga pari na gustong makipag-diyalogo sa gobyerno/DOJ, sinabing walang natatanggap na feelers mula kay Co/State witness na si dating DPWH-Bulacan 1st District Engr. Henry Alcantara, dinala ng DOJ sa safe house/DOJ: Dadalhin sa Senado si Alcantara kung kailangan/Isa pang state witness na si dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, dinala sa DOJ para sa case build-up
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga kapuso, patuloy po ang paglilinis ng MMDA sa ilang estero sa Metro Manila bilang pangontra sa bahat.
00:08Si MMDA General Manager Nicolas Torre III naman, sinabing wala siyang pinirmahang retirement papers kaugnay sa kanyang optional retirement.
00:15May ulat on the spot si Darlene Kai.
00:18Darlene?
00:20Lucky Connie, wala raw pinitirmahang retirement papers si dating PNPT's Nicolas Torre III.
00:26Basis sa General Order ng Napolcomo National Police Commission na may peks ng January 19,
00:31naging efektibo ang optional retirement ni Torre noong December 26, 2025.
00:37Agosto noong nakaraang taon, inalis sa servisyo ni Torre bilang PNP chief at ngayon nagsisilbi bilang General Manager ng MMDA o Metro Manila Development Authority.
00:47Sabi ni Torre, sa panayam sa kanya kanina, hindi siya nag-file ng optional retirement.
00:52Ika-klaro na muna niya at baka-usapin ang kanyang mga boss na hindi niya sinukoy kung sino-sino.
00:58Kitignan daw niya kung anong nangyari.
01:00Hihintayin din daw niya ang utos ng Pangulo patungkol dito.
01:03Nang tanungin kung sinasabihan ba siyang mag-retiro na sa pagka-polis,
01:07ang sagot ni Torre, privileged communication.
01:10Hindi daw ito ang unang pagkakataon ng mga aktibong otosan ng PNP na nagtatrabaho sa ibang ahensya ng gobyerno.
01:16Narito ang pahayag ni MMDA General Manager Nicolas Torre III.
01:20I'm going to clear it up with my organization.
01:26Wala kasi akong pinipirmahang application.
01:28Hindi naman first time yan na ang isang pulis ay nagtrabaho sa ibang agencies.
01:32Because it is a panda option of the president to deploy people in accordance to the needs as he sees it.
01:41Sinusubukan namin kunin ang pahayag ng NAPOLCOM.
01:49Pero ayaw na raw munang magkomento ni NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Atty.
01:54Rafael Kalinisan base sa pensaheng ipinadala niya kani-kanina lang.
01:58Sinusubukan pa ng GMA Integrated Roads sa makuha ang panig ng DILG at Malacanang.
02:03Nakausap namin si Torre kaninang umaga sa bayanihan sa estero ng MMDA at Valenduela LTU sa Calabincoho River sa Valenduela City.
02:12Pinakunahan niya at si Valenduela Mayor West Gatsalian ang paglilinis sa ilog na madalas daw pinagbumula ng mabilis ng pagtaas ng tubig tuwing may malakas at tuloy-tuloy na pagulan.
02:23Sabi ni Gatsalian, talaga raw tinututukan nila ang dalawang kilometrong estero ng Calabincoho dahil kapag nagbara ito ay tumataas ang tubig sa ilang bahagi ng Valenduela pati sa Maykawayan, Bulacan.
02:35Kaya naman daw tuloy-tuloy ang paglilinis sila dito nang hindi bababa sa tatlong beses sa isang linggo.
02:40Pinatasan na rin daw ng lokal na pamahalaan ng mga barangay at homeowners associations na siguruhin hindi tatapunan ng basura ng mga residente ang estero.
02:50Target daw ng MMDA na makapaglinis ng 25 pangunahing estero sa Metro Manila, sabi ni Torre.
02:57Makikipagpulong daw sila ngayong araw sa University of the Philippines kasama ang Project NOAA para masigurong nakabasa sa datos ang kanilang action plan.
03:05Bukod sa paglilinis sa mga estero, patalakayin din daw doon ang traffic management, lalo dahil lumaba sa 2025 TomTom Traffic Index na ang Pilipinas ang most congested country sa Asia na may 45% congestion level.
03:21Ibig sabihin, sa Pilipinas gumugugol ng pinakamatagal na dagdag oras ang mga motorista sa trapiko, kumpara sa pagbamaneho sa fee-flow condition o kapag maluwag ang daan.
03:33Kaya back to the drawing board, sabi ni Torre.
03:35Kakausapin daw nila mamayang hapon ng National Center for Transportation Studies para pag-aralan kung ano ang mga pwedeng maging solusyon.
03:42Pinakauna raw nilang titignan ang Classic Engineering.
03:46Connie and Rafi
03:47Maraming salamat, Darlene Kai.
03:54Record-breaking ang nararamdamang malamig na temperatura ngayong Webes.
03:59Ayon sa pag-asa, naitala ang napakalamig na 11 degrees Celsius na minimum temperature sa Baguio City ngayong araw.
04:07Pinakamababa po yan na record sa City of Pines ngayong amihan season.
04:1119.6 degrees Celsius naman ang bagong record na lamig sa Metro Manila, particular sa Pag-asa Science Garden sa Quezon City.
04:20Sa kabila po niyan, 9.6 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura sa bansa ngayong amihan season.
04:27Naitala yan sa Latrilidad Benguet noong December 30, 2025.
04:31Apektado ng amihan ang Luzon, Visayas, Northern Mindanao at Caraga Region.
04:38Ulang dulot ng amihan at mga local thunderstorm ang mararanasan sa bansa sa mga susunod na oras.
04:44Halos buong bansa ang magkakaroon ng maayos na panahon pero posible pa rin pong ulan sa ilang lugar base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
04:52May posibilidad ng lumabas ng Philippine Area of Responsibility at tuluyang malulusaw na yung binabantay ang low-pressure area na dating Bagyong Ada.
05:02Namataan po yan ang pag-asa halos ang libong kilometro silangan ng Eastern Visayas kaninang alas 8 ng umaga.
05:09Nananatili namang mababa ang chance ang maging bagyo ng LPA na nasa labas ng PAR o mahigit dalawang libong kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.
05:19Patay sa pamamarilang isang lalaki sa Valenzuela.
05:23Aminado ang suspect na nadala raw siya ng galit kaya nagawa niya ang krimen.
05:27Balit ang hatid ni Bea Pinlock.
05:31Nakatambay sa may sakaya ng tricycle sa barangay Marulas, Valenzuela ang lalaking niyan na may hawak na bisikleta.
05:38May kausap siyang isa pang lalaki.
05:40Maya-maya, dumating ang isang lalaking na kasando na itim at may bit-bit na baril.
05:45Malapitan niyang binarilang 50 anyos na biktima na agad bumulag ta sa kalsada.
05:51Nagsitakbuhan naman ang mga tao sa lugar.
05:53Dinala sa ospital ang biktima pero namatay rin kalaunan.
05:57Nadamay rin sa pamamarilang 62 anyos na babaeng tinamaan ng bala sa kaliwang binti.
06:03Dinala siya sa ospital.
06:04Yung bala ay tumama po at bumanda sa isang gate at mayroon pa pong isang tinamaan na babae sa kanyang kaliwang hita.
06:12Papunta lamang sa tindahan at mayroon lamang siyang bibili nang siya ay tamaan ng bala.
06:17Ayon sa pulisya, ilang beses nang nakulong ang suspect at ang nasawing biktima dahil sa pagkakasangkot umano nila sa iligal na droga.
06:25May history na pinagdududahan niya na itong nasawing biktima ang nagpahuli sa kanya.
06:30Ang sabi niya sa biktima ng nasawi ay, o ano, ipapahuli mo na naman ako, palagi mo na lang akong pinapahuli.
06:39Ilang oras matapos ang pamamaril, naaresto ang 47 anyos na suspect sa kalapit na bahay kung saan nangyari ang krimen.
06:46Aminado ang suspect sa pamamaril.
06:49Sumabog na po yung galit ko, kaya po ito ang kinilabasan.
06:54Patawad po sa lahat, patawad. Sa mga nangyari, patawad.
06:56Ang baril na ginamit sa krimen, hindi umanulisin siya do ayon sa pulisya.
07:12Reklamong murder, attempted homicide at illegal possession of firearms ang isinampalaban sa suspect na nakapiit sa Valenzuela City Police Station.
07:21Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:26Nakatanggap daw ng impormasyon ang Department of the Interior and Local Government na posibleng nakalabas ng bansa ang negosyanteng si Atong Ang.
07:44We are confident this here in the country, but there's a possibility na may information na nasa Cambodia.
07:50Sabi ni Interior Secretary John Vic Remulia sa kanyang panayam sa Super Radio DZBB,
07:56posibleng sa backdoor dumaan si Ang para makalabas ng Pilipinas.
08:00Hilaw pa naman daw ang impormasyong ito, sabi ni Remulia,
08:03na una nang hiniling ng kagawaran na kansilahin ang passport ng negosyante.
08:07Patuloy pa ang pagtugi sa kanya para arestuhin, kaugnay sa mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention.
08:16Iniutos na rin ni Remulia na magsuot ng body cam ang mga operatibang nagsisilbing ng warrant kay Ang para daw yan maiwasan ang hulidap o panginikil sa hinuhuling akusado.
08:28Samantala, isinuko ng abogado ni Ang sa mga otoridad ang lima sa anim na baril ng negosyante.
08:35Kasunod yan ng pagbawi sa lisensya sa mga armas ni Ang dahil sa inilabas na arrest warrant laban sa kanya.
08:44Nawawala naman umano ang isa pa niyang baril ayon sa abogado ni Ang.
08:51Ito ang GMA Regional TV News.
08:54Iyahatid na ng GMA Regional TV ang maiinit na balita tungkol sa probinsya.
09:00Nagsalpukan ang isang jeep at isang truck sa Luna, Isabela.
09:04Sara, kumusta yung mga sakay niyan?
09:08Rafi, tatlo ang patay, habang walo ang sugatan.
09:12Sa kuha ng CCTV sa National Road sa Bargay, Mambabanga,
09:16kita ang pagdausdos ng truck na sumalpok sa paparating na pampasaherong jeep.
09:21Sa tindi ng impact, natanggal ang itaas na bahagi ng jeep.
09:25Tumilapon din ang mga pasahero nito.
09:28Wasak naman ang harapang bahagi ng truck.
09:30Ayon sa mga otoridad na walang umano ng kontrol sa truck ang driver dahil sa madulas na kalsada kasunod ng pagulan.
09:37Ipinagutos na ng LTFRB sa Regional Director ng Cagayan Valley na madaliin ang paglabas ng insurance payment para sa mga biktima.
09:45Pinadala ng show cost order ang operator ng jeep bilang bahagi ng imbestigasyon.
09:51Walang pahayag ang driver ng truck.
09:54Tatlong bahay ang nasunong sa San Luis Aurora dahil umano sa gamit na naiwang nakacharge.
10:01Mabilis na kumalat ang apoy sa mga bahay na gawa sa light materials.
10:05Ayon sa may-ari ng bahay na pinagmula ng apoy,
10:08posibleng na overcharge ang naiwan nilang flashlight.
10:11Walang naiulat na sugatan.
10:13Inaalam pa ang halaga ng pinsala.
10:15Heto ang ilang paalala ng Bureau of Fire Protection para maiwasan ang ganyang insidente.
10:21Tanggalin sa saksakan ng appliances kung hindi ginagamit o walang bantay.
10:25Palitan ang defective o sirang appliances.
10:29Huwag ding iiwan ang mga nilulutong pagkain.
10:32Kung magsisindi naman ng kandila, ilagay ito sa ligtas na lugar na hindi maaabot ng bata.
10:37At dapat may fire extinguisher o mag-install ng fire protection system sa loob ng bahay.
10:45Huli ka ang salipa, Batangas.
10:51Nag-away ang limang rider sa gilid ng highway sa barangay Tambo.
10:55Nag-sapakan at nagbatuhan sila.
10:58Ang isa hindi pa nakontento at sinipa ang isang nakaparadang motorsiklo.
11:02Hindi pa tukoy ang dahilan ng gulo.
11:04Naiulat na ito sa barangay at pulis siya.
11:07Inatasan ang Transportation Department at lang ang Land Transportation Office na imbestigahan at tukuyin ang mga rider.
11:14Pusible raw isyuhan ng show cause order ang mga sangkot sa insidente.
11:18Dinala sa isang safe house si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara na ngayon'y state witness na para sa ilang kasong may kaugnayan sa anomalya sa flood control projects.
11:36Sabi naman ni Interior Secretary John Vic Remulia, nagparamdam daw si dating Congressman Zaldico sa ilang kakilalang pari para makipag-dialogo sa gobyerno.
11:47Balitang hatin ni June Veneration.
11:49Dalawang buwan ang wanted si dating Congressman Zaldico sa mga kasong graft at malversation dahil sa P289M flood control project sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
12:04Tinutugis pa rin si Co at anim na iba pa.
12:07Pero sabi ni Interior Secretary John Vic Remulia, nagpaparamdam na raw si Co.
12:12Ipinarating umano ang filler sa kapatid ni Sekretary Remulia na si Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
12:18Pero hindi raw ito para sa posibleng pagsuko ni Co.
12:21Meron na siyang fillers na through sa mga ibang pare na kilala niya.
12:28Not exactly, parang nagpapakonect na gustong ng dialogue sa amin.
12:37Pero of course that's not verified, parang nagsabi pa lang, sinabi ng kaibigan, na kaibigan na pinaparating.
12:44So, kakausapin namin yan.
12:46Sa huling monitoring, nasa Portugal umano si Co at may hawak na Portuguese passport kaya hindi basta maipadeport.
12:54Sempre we take them seriously.
12:56Yung gusto makapagdayan, kakausapin namin yan.
13:00Pero kung bribe, ay huwag na.
13:01Ang acting Secretary ng DOJ, wala namang natatanggap na fillers mula kay Co.
13:06Nasa kustudiyan na ng DOJ si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer, Henry Alcantara,
13:13na ngayoy state witness para sa ilang kaso kaugnay sa flood control scandal.
13:18Bula sa Senado, dinala si Alcantara sa isang safe house.
13:22Hindi naman na nagbigay ng detalya ang DOJ tungkol sa proteksyon na ibibigay nila kay Alcantara.
13:26What I can confirm is si Engineer Alcantara is already under the protective custody of the program.
13:34Sa ilalim ng Witness Protection Program Security and Benefit Act,
13:39kabilang sa benepisyo ng mga nasa ilalim ng programa,
13:42ang security protection at escort services,
13:45at immunity sa mga kasong kriminal kung saan sila state witness.
13:49Hindi rin siya pwedeng isa ilalim sa forfeiture o pagsamsam sa mga ari-arian,
13:53na kauglay ng kanyang mga testimonya, bibigyan siya ng ligtas na housing facility,
13:58tutulungan di siya maghanap ng kabuhayan,
14:00at bibigyan ng pang-traveling expenses,
14:03at subsistence alawans habang nagsisirbing testigo.
14:06Pagtitiyak naman ng DOJ kung kailangan si Alcantara sa Senado,
14:11ay dadalihin nila siya doon.
14:12Whenever necessary.
14:14Of course, the end here is really for cooperation,
14:18for our witnesses.
14:19At yun nga, kaya nga sila na-admit sa program.
14:23Sila ay nakikipagtulungan sa ating pamalaan para mapatibay ang mga kaso.
14:30Nasa DOJ rin si dating DPWH,
14:32and the Secretary at ngayon ay state witness na si Roberto Bernardo
14:36para sa case build-up o pagpapatibay ng kaso kaugnay sa flood control projects.
14:41June Veneration nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:45Hãy subscribe cho kênh La La School Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments