Skip to playerSkip to main content
-Palace Press Officer Usec. Castro: Hindi sagot ang pagbiyahe abroad sa mga problema ng bansa

-Roadworthiness inspection, isinagawa ng SAICT; 6 na PUV driver at isang rider, nakitaan ng paglabag

-Kris Bernal at Teejay Marquez, pumirma ng contract sa Sparkle GMA Artist Center

-Driver ng tricycle na nag-counterflow sa kalsada, patay matapos masalpok ng truck; pasahero, sugatan

-Mga barangay tanod, pinagbabantay na rin sa mga pampublikong paaralan

-Lalaking natutulog sa gilid ng kalsada, patay matapos barilin ng 2 lalaki; isa sa mga suspek, pinaghahanap

-6, arestado sa buy-bust operation sa Brgy. San Nicolas 3

-Truck na may kargang halos P1M halaga ng ilegal na tanso, bistado/Ilegal na quarry, sinalakay ng DENR at NBI

-Panukalang batas para ipagbawal ang mga sagabal sa sidewalks at public roads sa urban areas, isinusulong sa Kamara; suportado rin ng MMDA

-3 OFW, nasagip mula sa accommodation building na may sira-sirang gamit at kulang na pagkain

-2 estudyanteng nahulugan ng debris mula sa isang gusali, malubha ang kalagayan sa ospital; isa pang estudyante, sugatan

-Alden Richards, isa sa mga "Men Who Matter" ngayong taon ng isang magazine

-Bouquet na ibinato ng bride, pinagpasa-pasahan ng mga bisita

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Buenel Tahan, ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
00:04si Vice President Sara Duterte sa kanyang paliwanag kung bakit siya bumabiyahe pa ibang bansa.
00:12Nagda-travel ako, lumalabas ako ng bansa dahil frustrated na ang Filipino communities abroad sa nangyayari dito sa ating bayan.
00:23Hindi po sagot ang pagbabiyahe para masolusyonan kung may problema man ang bansa.
00:32Sabi ni Castro, baka frustrated ang mga Pinoy dahil habang nagtatrabaho sa Pilipinas ang Pangulo,
00:37ang busy naman daw ay madalas may personal trip.
00:40Hindi nao trabaho ng Vice Presidente na pumunta sa ibang bansa at siraan ang Pangulo.
00:46Sinusubukan pa namin kuna ng pahayag dito si VP Duterte.
00:49Itong lunas nang sagutin niya ang pagpuna sa kanyang pangingibang bansa.
00:55Hamon niya noon, dapat ilabas din ang mga mambabatas na kabilang sa mga bumatikos sa kanyang pagbiyahe,
01:00ang datalya ng kanyang o kanilang mga biyahe.
01:04Ayon kay House Spokesperson Attorney Princess Avante,
01:07pwede itong gawin pero tututukan daw muna nila ang kanilang trabaho sa pagtugon sa mga problema sa bansa.
01:13Nagsagawa ng roadworthiness check sa mga pampubukong sasakyan ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation ngayong umaga.
01:23Ang bawat sasakyang pinapara sa A. Bonifacio Avenue sa Quezon City,
01:27ininspeksyon ng mga gulong, wiper, windshield, preno at mga ilaw.
01:32Sinek din ang lisensya ng driver maging ang prangkisa at rehistro ng sasakyan.
01:36Anin na driver at isang motorcycle rider ang natikita ng saik dahil sa mga nakitang paglabag,
01:42gaya na isang jeep na nasita dahil sa isang pundidong brake light.
01:46Habang ang isang rider, gumagamit ng substandard helmet at nakasuot lang ng chinelas habang nagmamaneho.
01:53Ang mga nakitaan ng paglabag, kinupis ka ang lisensya at inisyuhan ng Temporary Operators Permit.
01:58Mga mares, Sparkle family is getting bigger.
02:08Kasunod yan ang contract signings ni na Chris Bernal at TJ Marquez.
02:13Mula sa kanyang starstruck fame noong 2006,
02:17nagbabalik as a full-fledged Sparkle artist si Chris
02:21at humbled siya sa pagtanggap sa kanya ng Sparkle GMA Artist Center.
02:26Looking forward na rin siyang gumawa ng comedy projects.
02:30Si TJ naman ang kapuso network na ang naging tahanan sa big part ng kanyang showbiz career.
02:37Present sa contract signing, si GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez
02:42at iba pang Sparkle officials.
02:44Very humbling kasi parang ako kasi nasa isip ko baka mommy na ako,
02:51baka hindi na rin ako tanggapin at saka parang feel ko nagawa ko na lahat sa GMA.
02:56Very grateful ako kasi may nakikita pa sila sa akin, naniniwala pa rin sila sa akin.
03:02It feels so correct na makabilang sa pamilya ng GMA kasi sila yung naniniwala sa akin,
03:08nagbibigay sa akin ng project.
03:09So finally, I'm just so grateful talaga sa experience at sa opportunity.
03:13I'm very excited for them kasi talagang nakikita ko yung drive sa kanila.
03:18Iba yung mabibigay nila sa atin sa GMA.
03:21So exciting talaga makita ko ano yung mapapakita nila.
03:28Huli ka amang tricycle na yan na nag-counterflow sa Dagupan, Pangasinan.
03:32Nakasalubong pa ito na isang tricycle na napilitang umiwas.
03:36Maya-maya, sumalpok ang tricycle sa nakasalubong na truck.
03:40Dead on arrival sa ospital ang driver ng tricycle dahil sa tinumong sugat
03:43sa katawan habang nagpapagaling naman ang sakay niya.
03:47Ayon sa imbistigasyon, napagalamang nakainom ang driver at sakay ng tricycle.
03:53Ligtas naman ang driver at pahinanti ng nakasalpukang truck.
03:56Tumanggi silang magbigay ng pahayag.
03:58Sinusubukan po na ng pahayag ang pamilya ng nasawing tricycle driver.
04:02Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government na mag-deploy na mga barangay tanod sa mga public school
04:10kasunod ng kabi-kabilang insidente ng karahasan sa mga paaralanan.
04:15Balitang hatid ni EJ Gomez.
04:16Alas 5 ng madaling araw, nadatnan namin nagmi-meeting ang mga tauha ng barangay poblasyon dito sa Mandaluyong.
04:27Naghahanda sila para sa katilang deployment sa mga eskwelahan ngayong araw.
04:31Mag-aalas 6 ng umaga, nagsimula silang mag-ronda sa dalawang paaralan.
04:35Ang Mandaluyong Elementary School at Mandaluyong High School.
04:38Naglabas kasi ng utos ang Department of the Interior and Local Government o DILG
04:43na kailangang magbantay ang mga barangay tanod sa mga pampublikong paaralan bilang dagdag siguridad
04:49sa gitna ng sunod-sunod na insidente ng karahasan sa mga eskwelahan.
04:54Pinatututukan din sa kanila ang pagmamando ng trapiko sa oras ng pasukan at uwian
04:58at pagpatrol sa paligid ng mga paaralan.
05:01Tingin maga po, opening niya klasa ng 6.
05:04Nandun na po, nakadeployed na po ang aming mga bantay-bayan
05:08para po magabayan po yung mga estudyante at mabantayan po maingin.
05:13Pinuntahan din namin ang barangay Addition Hills na may 6 na paaralan.
05:17Mag-aalas 6 kanina nang magsimula ang mga tanod na magbantay at magmonitor
05:21sa Andres Bonifacio Integrated School.
05:23Pag oras ng pasukan o oras ng labasan,
05:27nagmumonitor na kagad sila na magde-deploy ng mga tao sa mga bantay-bayan sa mga eskwelahan
05:33para maiwasan yung kaguluhan sa mga eskwelahan sa estudyante dito sa Mandaluyong.
05:39Malaking bagay raw ang dagdag siguridad sa eskwelahan
05:41para sa tatay na si Mark na arawang hatid sundo sa anak na nasa grade 1.
05:46Safe na po kami as a parent na ma-iwanan namin yung mga anak namin sa school
05:52kasi may mga tanod na at saka kami nagbabantay na.
05:54Hindi na po kami kabado.
05:55Ayon pa sa mga tanod ng ilang barangay sa Mandaluyong,
05:59binabantayan din nila ang mga grupo ng mga estudyante o kabataan
06:02na nag-aabangan sa paligid ng mga eskwelahan na kadalasan daw
06:06ay nagsisimula ng mga away at bullying.
06:09EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:14Ito ang GMA Regional TV News.
06:18Patay sa pamamaril ang isang lalaki habang natutulog sa gilid ng kalsada
06:24sa barangay Careta dito sa Cebu City.
06:27Ayon sa mga police, posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang krimen.
06:31Ilang beses na raw kasing naaresto ang biktima dahil sa droga.
06:35Batay sa imbistigasyon, nagpunta sa nasabing barangay ang biktima para magtago.
06:39Sa ginawang hot pursuit operation, naaresto ang isa sa mga sospek
06:44na positibong kinilala ng isang saksi.
06:47Sinusubukan pa siyang kunan ng pahayag.
06:50Pinaghahanap naman ang isa pa niyang kasama.
06:56Anim ang arestado sa by-bus operation sa Bacoor, Cavite.
07:00Nakuha mula sa kanila ang dalawang sasya ng hinihinalang siyabu,
07:03drug parafernalia, improvised firearm na sumpak, granada at mga bala.
07:08Naharap ang mga sospek sa patong-patong na reklamo.
07:11Wala silang pahayag.
07:12Inaalam ng pulisya kung sangkot din ang mga naaresto sa iba pang reklamo.
07:20Sinalakay ang isang iligal na quarry sa Morong Rizal.
07:24Habang bistado naman sa Colambugan, Lanao del Norte,
07:28ang isang truck na may dalang humigit-kumulang isang milyong pisong halaga
07:33ng iligal na tanso.
07:35Ang mainit na balita hatid ni John Consulta.
07:42Overloading, kalbong gulo, at sirang side mirror lang
07:46ang dahilan kung bakit pinara ng PNP Highway Patrol Group
07:49ang isang truck sa Lanao del Norte.
07:52Nangkausapin na ang driver at pahinante
07:54na bistong may tinatago pala ang sakayin nilang container sa kanilang truck.
07:59Doon din po talaga na pag-alaman na wala po talaga silang pinangahawakan
08:03ng kahit ang papel at doon na po tumambad itong 576 na unprocessed coppers
08:10na nakalagay po sa mga sako.
08:12More or less, mga nasa worth 1 million pesos.
08:15Ito pong kabuan po, ito pong mga nahuli po ng inyong PNPHPG.
08:19Nakikipagunayan sa DNR ang HPG para matukoy ang pinagmulan
08:23ng mga naharang na iligal na kargamento.
08:25Ang tatlo po ang nahuli po ng inyong PNPHPG.
08:30Meron pong isa po na at-large or isa pong pahinante na pinaggahanap po po.
08:35Sila po ay naharap sa Republic Act 7942
08:40or yung tinatawag po natin yung Philippine Mining Act of 1995.
08:46Bistado rin ng NBI at DNR ang iligal quarry na ito sa Morong Rizal.
08:52Umaandar pa ang bako ng mapasok ng reading team
08:55ang lugar na nararentahan lang daw ng kumpanya.
08:58Inabangan po natin na maglabas sila ng truck
09:01na may kargang mga mineral lupa.
09:06And then pagpasok nga po natin,
09:08nakakarga pa sila sa isang truck.
09:11Kung nari po sila trading lang,
09:13may mga tambak po ng buhangin.
09:14Ang tambak po ng buhangin nila ay napakataas.
09:17Na hindi mo makikita yung nasa likod ng buhangin na yun.
09:21Doon pala ay meron silang nagkakandaksa ng illegal quarrying.
09:26Kumpiskado ang truck at backhoe na ginagamit sa iligal na operasyon.
09:30Giit ng supervisor ng mga inaresto.
09:32Ano kasi yun sir? Hardware?
09:34Hardware siya.
09:36Hardware?
09:36Pero nag-uho kayo ba kayo doon?
09:38Wala lang sir. Ano lang? Processing lang.
09:40So tamak-tamak lang ng lupa?
09:41Apo.
09:42Yung kaso po nila ay validation po ng Republic Act 7942 o yung Philippine Mining Act.
09:49John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:54Isinusulong sa Kamara na ipagbawal ang mga sagabal sa mga bangketa at pampublikong kalsada sa urban areas o matataong lugar.
10:04Sa ilalim ng House Bill 933 o Sidewalks and Public Roads Use Bill, gustong ipagbawal ang mga estruktura, basura at iba pang nakaharang sa sidewalk.
10:13Pati na rin ang paggamit sa public roads bilang paradahan, terminal o negosyo nang walang permit sa mga otoridad.
10:19Sabi ni Surigao del 92nd District Representative Bernadette Barbers na naghahain ng panukala,
10:24karapatan ng mga taxpayer na magkaroon ng mga maayos at madaraan ng sidewalk at kalsada.
10:30Dapat din daw maibalik ang disiplina, kaligtasan at pantay na akses sa mga daanan.
10:36Pabor ang Metro Manila Development Authority sa panukala.
10:38Sa operasyon doon nila kahapon, naubos ang kanilang tow trucks sa dami ng mga iligal na nakaparada at nakaharang sa mga bangketa.
10:48Tatlong overseas Filipino workers ang nasagip mula sa hindi kaaya-ayang tinutuluyan nila sa Jeddah, Saudi Arabia.
10:55Ayos sa Department of Migrant Workers, nagsagawa sila kasama ang Migrant Workers Office ng Jeddah at Overseas Workers Welfare Administration
11:03ng Random Inspection sa nasabing Accommodation Building na hawak na isang foreign recruitment agency.
11:11Sira daw ang mga kama at air conditioning at kulang pa ang pagkain.
11:16Hindi rin daw nito sinunod ang dapat na paghiwalay sa mga magkakaibang lahi sa mga kwarto.
11:23Ayon sa DMW, isang buwan ng suspendido ang pagproseso ng employment documents ng ahensya.
11:30Walang pahayag ang nasabing recruitment agency.
11:33Ito na ang mabibilis na balita.
11:39Malubhang lagay ng dalawa sa tatlong estudyanteng nahulugan ng debris mula sa isang gusali sa Tomas Moroto sa Quezon City kahapon.
11:46Ayon sa investigasyon, naglalakad pa uwi ang mga biktima ng mahulugan ng debris.
11:51Nagtamon ng matinding sugat sa ulo ang dalawa sa mga biktima habang sa braso naman ang isa pa.
11:57Nanawagan ng tulong mula sa may-ari ng gusali ang mga magulang ng isa sa mga biktima.
12:02Iniimbestigahan na ang sanhin ng insidente at inaalam kung sino ang mananagot.
12:07Ayon sa Department of the Building Official ng Quezon City, sumasa ilalim sa regular inspection ng nasabing gusali.
12:13Pero hindi kasama riyan ang palitada.
12:16Inirecommendan na nila ng maglagay ng temporary canopy para maiwasang maulit ang insidente.
12:20Sinusubukan pang kuna ng pahayag ang building administration.
12:27Kinumpirma ng Pilisya sa Santa Rosa, Nueva Isihan na pumano na ang dalagitang binaril ng kanyang dating kasintahan sa loob ng paaralan noong nakaraang linggo.
12:37Unang pumanaw ang suspect na nagbaril din sa sarili.
12:40Kinundin na ng Department of Education ang insidente.
12:43Ang pulisya inaalam kung saan galing ang baril na ginamit ng suspect.
12:46Another milestone award ang tinanggap ni Asia's Multimedia Star and Stars on the Floor host, Alden Richards.
13:05Pinarangalan ang aktor bilang isa sa Men Who Matter 2025 ng isang magazine.
13:11Kasama niyang ginawara ng kaparehas na award si na Senate Minority Leader Tito Soto at Senator Bam Aquino.
13:19Masaya at very honored si Alden sa nasabing pagkilala dahil very meaningful din daw ang award dahil binibigyang halaga nito ang ginagawa niya sa loob at labas ng showbiz.
13:31Ayon kay Alden, gusto niyang makagawa ng pagbabago at mag-iwan ng marka na maaalala ng mga tao.
13:41Literal na happily ever after ang eksena sa isang kasal sa Louisiana, Laguna.
13:53Ang bulaklak kasi na pinaniniwalaang mag-decide kung sino ang next na ikakasal.
13:58Abay tila pinagpasapasahan.
14:00Why naman, Gunner?
14:03Ayan, excited na hinabol na mga bisita ang bukay na ibinato ng bride matapos ang kasal.
14:11Pero ang mga tao, tila nalito ang bukay kasi kung kani-kanino na napunta.
14:17Sa isang punto, sabay pang hinawa ka ng isang babae at lalaki ang bulaklak.
14:22Nang magkatitigan, sabay nila itong binitawan.
14:26Sa dinami-rami na nangyari, ang tanong pa rin ng mga netizens, sino nga ang next na ikakasal?
14:32Ang video na yan may 4.3 million views na online.
14:36Trending!
14:38Baka akala nila kung sino yung mga ano, di ba?
14:43Yung last, parang hot potato na nangyari.
14:47Baka akala nila kung sino yung mga na nangyari.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended