-2 rider, nagsalpukan; delivery rider, nasawi/Sugatang rider, nagpapagaling sa ospital
-Senate Pres. Sotto: Puwedeng maghain ng ethics complaint ang mga bumabatikos sa pagliban sa Senado ni Sen. Dela Rosa/Sen. Sotto, kinumpirmang walang "No Work, No Pay" policy sa mga mambabatas/Sen. Dela Rosa, nagbiro umanong ibe-break ang record ng pagtatago noon ni Sen. Lacson/Sen. Alan Peter Cayetano: Dapat tiyakin ng gobyerno na dadaan sa tamang proseso sakaling ipaaresto si Sen. Dela Rosa/ OSG, naghain ng manifestation na i-represent ang gov't officials na inirereklamo kaugnay sa pag-aresto kay FPRRD
-Miss Universe 2025 3rd Runner-up Ahtisa Manalo, nagpasalamat sa fans sa kanyang grand homecoming parade
-SSS 13th month pension, matatanggap kasabay ng December pension
-Condo unit ni Zaldy Co, pinasok ng mga taga-NBI at PCC para kumalap ng mga ebidensya kaugnay sa umano'y bid-rigging sa flood control projects/9 na dating opisyal ng DPWH-MIMAROPA, naghain ng not guilty plea sa kasong malversation of public funds kaugnay sa P289M flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro/Livestreaming ng pagdinig ng ICI, sinimulan na kahapon/80 proyekto sa distrito ni Davao 1st Dist. Rep. Duterte mula 2016-2022, pinaiimbestigahan ni ACT Teachers Partylist Rep. Tinio sa ICI/P946M Central Command Center na hindi raw nagagamit, pinaiimbestigahan sa ICI; isa sa mga proyekto ng SunWest Inc. sa LTO/LTO, may iniimbestigahan pang ilang infrastructure projects
-Taxi, bumangga sa concrete barriers sa EDSA; driver, nag-alangan daw kung saang lane pupunta/6 na tauhan ng PNP-CIDG, sinibak at kinasuhan matapos mabawasan ng P13M ang perang nasamsam sa POGO raid noong 2024
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Huli kam sa Quezon City, dalawang rider ang nagsalpukan. Isa ang patay. Balitang hatid ni James Agustin.
00:11Wala na ganong sasakyan na dumaraan sa bahaging ito ng Aurora Boulevard Corner Anuna Street sa Quezon City.
00:17Pasado ala una-imedya na madaling araw kahapon. Maya-maya pa, biglang nagkasalpukan sa intersection ng dalawang motorsiklo.
00:24Sa lakas ng impact, tumilapo ng mga rider. Sa isa panganggulo ng CCTV, kita ng muntik pang tamaan ng tumilapo ng motorsiklo ang iba pang rider sa lugar.
00:34Ayon sa pulisya, binabagtas ng 28 anyo sa rider ang Aurora Boulevard, nang mabanggan niya ang 34 anyo sa delivery rider na galing sa kabilang lane ng kalsada at pakaliwa sa Anuna Street.
00:44Base po sa investigation po namin, yung motorcycle rider na galing po ng Marikina, ang bumangga po dun sa motorcycle na kakaliwa papuntang Anuna Street.
00:57Bale, nag-beating the red light po siya, kaya bumangga po sila sa intersection.
01:02Isinugod sa ospital ang dalawang rider na kapwa nagtamu ng mga sugat. Kalaunan, binawian ang buhay ang delivery rider.
01:08Ang nakabangga sa kanya, nagpapagaling pa sa ospital, kaya hindi na nakuna ng pahayat.
01:13Sasampan po natin siya ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property and homicide.
01:20Muli namang nagpaalala ang mga otoridad para maiwasan ang aksidente.
01:24Iwasan po natin ang reckless driving, sundin po ang traffic light, tamang linya at mga traffic signs para maiwasan ang ganitong o ring sakuna.
01:36James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:40Nasaan si Sen. Bato de la Rosa?
01:44Ayon kay Sen. Ping Laxon na nakausap ang senador kamakailan sa kanilang group chat,
01:48nagbiru raw si de la Rosa na ibibreak ang record ni Laxon na nagtaguno ng mahigit isang taon.
01:54Narito po ang aking report.
01:55Bago ang plan na resesyon, nagtipon muna ang mga membro ng Senate Minority Block,
02:03pero kapansin-pansin na wala roon si Sen. Bato de la Rosa.
02:06Simula na o sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulla na may arrest warrant na
02:10ang International Criminal Court o ICC laban sa senador, hindi na pumasok si de la Rosa.
02:14Maging ang budget hearing ng security agencies na siya dapat ang sponsor, hindi niya sinipot.
02:20Sabi ni Sen. President Tito Soto, maaaring mag-hide ng ethics complaint ang mga bumabatikos kay de la Rosa.
02:25Kung mayroong mga kababayan tayo na gustong tanongin, ito rin nang mga ganyan,
02:32at saka gusto palagotin ang isang logistic court, mag-file sila ng ethics complaint.
02:38Ulo't yung mga maganda rin medyo para matalakay natin.
02:41Pero kahit hindi pumapasok, operational pa rin daw ang opisina ni de la Rosa at hindi magkaka-budget cut,
02:47kinumpirma rin ni Soto na hindi applicable sa mga senador ang no work, no pay policy.
02:52Hindi, ako lang ganun sa mga legislators eh, in any of our rules or even in the constitution.
03:00Ayon kay Soto, hindi pa nakikipaugnayan sa kanya si de la Rosa.
03:04Si Senador Ping Laxon, nakausap daw sa kanilang group chat si de la Rosa dalawang linggo na ang nakakaraan.
03:10Nagbiru pang araw si de la Rosa na ibe-break niya ang record ni Laxon.
03:14Nag-chat group kami, sabi ko, kinukumusta ko, sabi niya, ibe-break niya raw yung record ko sa pagtatago.
03:21That's his decision, kung ayaw niya mag-present yung sarili niya, leave it up to him.
03:28I cannot advise him because I was there, been there, done that.
03:31Tingin naman ni Senate Minority Leader Alan Peter Caetano,
03:34dapat bigyan ang gobyerno ng assuran si de la Rosa na magkakaroon ng due process.
03:39Personal kong pananawa, hindi pa namin pinag-uusapan ng buong minority.
03:43Yung gobyerno, dapat i-assure si Sen. Paton na merong proseso.
03:47Diba? Kasi kung sasabihin anytime, pwede kang damkutin at galing sa ibang bansa,
03:54hindi ko sinasabing option sa lahat yun na huwag magpakita.
04:00But when your life or liberty is threatened, you really think of option. So yun yung option niya.
04:05Nauna ng hiniling ng kapo ni de la Rosa sa Korte Suprema na mag-issue ng temporary restraining order
04:11para pigilan ang arestwaran sa kanya ng ICC.
04:14Pero ang Office of the Solicitor General, hiniling sa Korte Suprema na tanggihan nito.
04:19Sabi ng OSG, hindi raw nakapagpakita si de la Rosa ng aktual na kaso
04:23at hindi rin umano nito na tukoy ang anumang legal question na maaring aksyonan ng Korte.
04:28Hypothetika lamang daw ang issue at inuunahan lamang daw nito ang gobyerno para hindi siya maaresto.
04:33Naghahain din ang OSG ng manifestation para muling irepresenta sa Korte ang mga opisyal ng gobyerno
04:39na inereklamo kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
04:43Ang OSG ay pinamumunuan ngayon ni Solicitor General Darlene Berberabe.
04:48Sa ilalim noon ni dating Solicitor General Minardo Guevara,
04:51tinanggihan ang OSG na maging abogado ng mga opisyal ng gobyerno
04:55sa paniwalang walang horisdiksyon ng ICC sa Pilipinas.
04:58Sa isang pahayag, sinabi ng abogado ni na Duterte at de la Rosa
05:02na hindi dapat pabago-bago ang posisyon ng OSG
05:05depende saan niya'y political weather.
05:07Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:16Gorgeous Wednesday mga mare at pare!
05:19Parang manika si Miss Universe 2025 3rd runner-up Atisa Manalo
05:23sa kanyang Grand Homecoming Parade kahapon.
05:28Mainit na sinalubong si Atisa sa kanyang pagbisita sa Manila City Hall.
05:33Suot niya ang white beaded gown with fringe details.
05:36All eyes on Atisa rin sa kanyang motorcade sa Pasay.
05:40Kasing blooming niya ang mga bulaklak na dinisenyo sa ginamit na parade car.
05:45Very very thankful daw si Atisa sa lahat ng sumuporta sa kanyang Miss Universe journey na 2018 pa nagsimula.
05:56Magandang balita naman para sa SSS Pensioners.
06:00Makukuha niyo na po ang 13th Month Pension at December Pension ng Sabay.
06:05Dito pong lunes, narilis na ang mga yan para sa mga tumatanggap ng pensyon kada auno ng buwan.
06:11Bukas naman ang release para sa mga nagpe-pensyon ng kada a disisais.
06:16Pwedeng matanggap ang SSS 13th Month at December Pension
06:20sa pamamagitan ng Philippine Electronic Fund Transfer System,
06:24mga accredited na banko o cash payout outlets.
06:35Nagpasa ng mga dokumento ang Land Transportation Office sa Independent Commission for Infrastructure
06:40para maimbestigahan ang isang proyekto na milyong-milyong piso ang halaga pero hindi nagagamit.
06:47Ayon sa LTO, may overpayment daw sa contractor na SunWest na konektado kay dating Congressman Zaldico.
06:53Balit ang hatid ni Joseph Morong.
06:58Sa visa ng inspection order mula sa Makati Regional Trial Court,
07:02pinasok ng mga tauhan ng NBI at Philippine Competition Commission ng condo unit
07:07ni dating Congressman Zaldico.
07:09Pakay ng NBI na makakuha ng mga ebidensya na magpapatunay sa umunay-lutong bidding
07:14kaugnay sa flood control projects.
07:17Ayon sa source ng Gemine Integrated News,
07:19may nakuhang mga dokumento na may kaugnayan sa bidding at flood control projects.
07:23Ayon sa NBI, pag-aaralan kung paano magagamit ang mga narecover sa unit ni Co para sa case build-up.
07:30Sa Sandigan Bayan, 6th Division not guilty plea
07:33ang inihain ng siyam na dating opisyal ng DPWH Mimaropa
07:36na kapwa-akusado ni Co sa kasong malversation of public funds.
07:40Kaugnay sa 289 million peso flood control project sa Nauan Oriental, Mindoro.
07:46Kahit non-bailable lang kaso, maghahain ang ilang abogado ng mga akusado ng petition for bail.
07:51Anila mahina ang ebidensya pero giit ng prosekusyon matibay
07:56ang hawak nilang ebidensya at tututulan nila ang petisyon.
08:00Sa Independent Commission for Infrastructure o ICI,
08:03nagsimula na ang live streaming ng mga pagdinig.
08:06Ngayong buong linggo, tuloy-tuloy ang gagawin pagla-live stream ng ICI
08:09sa pagtestigo ng mga kongresista katulad na lamang ni House Majority Leader
08:14at Presidential Sun Congressman Sandro Marcos.
08:17Ipinapatawag din ng ICI si Davao First District Representative Paulo Duterte.
08:21Pinaimbestigahan naman ni Act T-Share's Party Representative Antonio Tino sa ICI
08:26ang listahan ng 80 proyekto sa distrito ni Duterte na nagkakahalaga ng 4.4 billion pesos
08:33mula 2016 hanggang 2022.
08:36Along the Davao and Matina Rivers.
08:39Doon sa 80, mahigit kumulang kalahati ay mga congressional insertions.
08:44Ibig sabihin, wala sa NEP pero naipasok sa GAA.
08:49Hindi lamang mga flood control project ang mandato ng ICI na imbestigahan.
08:54Nag-high ng Land Transportation Office ng bulto-bultong dokumento
08:58kaugnay sa Central Command Center o C3 project
09:01na nagkakahalaga ng 946 million pesos
09:04pero ayon sa ahensya ay hindi nagkagamit.
09:07May mga dapat na kameras na dapat ilagay all over the Philippines.
09:12Wala po yung mga nangyaring yan.
09:14At saka hindi po siya, sa totoo lang, hindi po siya gumagana.
09:18Tsaka overpriced, may overpayment pa po ito na 26 million.
09:22Isa lamang yan sa tatlong proyekto ng SunWest sa LTO
09:25na pinunan ng Commission on Audit sa 2024 Annual Audit Report nito.
09:29Halos 2 billion piso ang halaga ng mga kontrata sa LTO ng SunWest.
09:33Kasosyo o ka-joint venture ng SunWest ang tatlong iba pang kumpanya
09:37para sa C3 project contract na pinasok ni lahat ng LTO noong 2020.
09:43Batay sa Audit Report, sagot noon ng LTO sa COA,
09:46ibinigay ng supplier ang lahat ng requirement
09:48at wala ang manong overpayment sa proyekto.
09:51Sa press conference, sinabi rin ng LTO na may inimbestigan pa sila ang mga proyekto.
09:55Yun pong dalawa na tinatapos ko,
09:58which is yung infrastructure na dalawang building,
10:00three-story each at 500 million, almost 1 billion yung dalawa.
10:06Overpriced po yun, 1,200 square meter ang floor area
10:11at 499,500,000 ang halaga.
10:16Roughly 400,000 per square meter.
10:19Rough estimate.
10:20So, kitang-kita po.
10:21Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:26Ito na ang mabibilis na balita.
10:30Bumangga ang isang taxi sa concrete barrier sa Mandaluyong.
10:33Sa ulat ng Super Radio DZBB,
10:36nangyari ang aksidente sa bahagi ng EDSA Southbound bago mag-Guadalope Bridge.
10:40Ayon sa taxi driver habang paket sa tulay,
10:43nag-alangan siya kung saang lane tutungo
10:45hanggang dumiretso sa concrete barriers na nagsisibing road separators.
10:50Nagdulot ng pagbagal ng trapiko ang insidente bago naialis ang taxi.
10:55Sinibak at kinasuhan ang 6 na tauhan ng PNPC IDG.
10:59Kumupit umalo ng milyong-milyong pisong cash evidence
11:02mula sa niraid na Pogo sa Bagak Bataan noong 2024.
11:05Natukoy na kulang ang perang kinupiska
11:08matapos utusan ng korte ang PNPC IDG
11:10na ibalik ang perang kinustudya nila habang dinidinig ang kaso.
11:15141 milyon pesos dapat ang ipinababalik na pera sa kumpanya
11:19pero 128 milyon na lang ang pera ng buksan ng kahon.
11:23Ang 13 milyon pesos, budol o peking pera na.
11:26Pinagparti-parti raw ng mga sangkot na tauhan,
11:29ang perang nawawala.
11:31Ang tubayong assistant ground commander
11:32at evidence custodian sa operasyon,
11:35iginiit na all accounted for ang pera.
11:38Sinusubukan namang kunan ng pahayag ang limang iba pa.
Be the first to comment