- 5 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong January 21, 2026
- DILG Sec. Jonvic Remulla: May feelers na si Zaldy Co, gustong makipagdayalogo sa pamahalaan |Dating DPWH Engr. Henry Alcantara na isang state witness, dinala ng DOJ sa safe house | Dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, nagpunta sa DOJ para sa case buildup kaugnay sa kuwestiyonableng flood control projects
- BJMP: Mga hindi awtorisadong damit at gadget ni dating Sen. Bong Revilla, pinauwi sa kaniyang abogado; Walang VIP treatment kay Revilla sa QC Jail male dormitory
- 2 kapwa akusado ni dating Sen. Revilla, iniutos na makulong sa BJMP
- Drainage expansion project sa G. Aranete Avenue, nakatakdang inspeksyunin ni DPWH Sec. Vince Dizon
- Plunder at graft and corruption, kabilang sa mga reklamong inihain ni dating Sen. Antonio Trillanes IV laban kay VP Sara Duterte | Hiling ng mga nagreklamo sa Ombudsman: Imbestigahan at sampahan ng impeachment si VP Duterte | VPSD, dati nang itinanggi na may kaugnayan siya kay Madriaga at walang mali sa paggastos ng confidential funds ng OVP at DepEd
- 16 art installations, tampok sa 10th Canary Wharg Winter Lights festival sa London
- Aurora Borealis, natanaw sa ilang panig ng mundo
- Michael Sager at Zephanie, nagkuwento sa kanilang reunion project na upcoming Kapuso series na "Born to Shine"
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- DILG Sec. Jonvic Remulla: May feelers na si Zaldy Co, gustong makipagdayalogo sa pamahalaan |Dating DPWH Engr. Henry Alcantara na isang state witness, dinala ng DOJ sa safe house | Dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, nagpunta sa DOJ para sa case buildup kaugnay sa kuwestiyonableng flood control projects
- BJMP: Mga hindi awtorisadong damit at gadget ni dating Sen. Bong Revilla, pinauwi sa kaniyang abogado; Walang VIP treatment kay Revilla sa QC Jail male dormitory
- 2 kapwa akusado ni dating Sen. Revilla, iniutos na makulong sa BJMP
- Drainage expansion project sa G. Aranete Avenue, nakatakdang inspeksyunin ni DPWH Sec. Vince Dizon
- Plunder at graft and corruption, kabilang sa mga reklamong inihain ni dating Sen. Antonio Trillanes IV laban kay VP Sara Duterte | Hiling ng mga nagreklamo sa Ombudsman: Imbestigahan at sampahan ng impeachment si VP Duterte | VPSD, dati nang itinanggi na may kaugnayan siya kay Madriaga at walang mali sa paggastos ng confidential funds ng OVP at DepEd
- 16 art installations, tampok sa 10th Canary Wharg Winter Lights festival sa London
- Aurora Borealis, natanaw sa ilang panig ng mundo
- Michael Sager at Zephanie, nagkuwento sa kanilang reunion project na upcoming Kapuso series na "Born to Shine"
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00Sal Dico
00:30Sal Dico
01:00Sal Dico
01:02Sal Dico
01:06Sal Dico
01:10Sal Dico
01:12Sal Dico
01:14Sal Dico
01:16Sal Dico
01:18Sal Dico
01:20Sal Dico
01:24Sal Dico
01:28Sal Dico
01:30Sal Dico
01:34Sal Dico
01:36Sal Dico
01:38Sal Dico
01:40Sal Dico
01:48Sal Dico
01:50Sal Dico
01:52Ang acting secretary ng DOJ, wala namang natatanggap na feelers mula kay Co.
01:57Nasa kustudiyan na ng DOJ si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer, Henry Alcantara,
02:04na ngayoy state witness para sa ilang kaso kaugnay sa flood control scandal.
02:08Bula sa Senado, binala si Alcantara sa isang safe house.
02:12Hindi naman na nagbigay ng detalya ang DOJ tungkol sa proteksyon na ibibigay nila kay Alcantara.
02:17What I can confirm is si Engineer Alcantara is already under the protective custody of the program.
02:25Sa ilalim ng Witness Protection Program Security and Benefit Act,
02:29kabilang sa benepisyo ng mga nasa ilalim ng programa ang security protection at escort services
02:35at immunity sa mga kasong kriminal kung saan sila state witness.
02:39Hindi rin siya pwedeng isa ilalim sa forfeiture o pagsamsam sa mga ari-arian na kauglay ng kanyang mga testimonya.
02:45Bibigyan siya ng ligtas na housing facility, tutulungan di siya magharap ng kabuhayan
02:50at bibigyan ng pang-traveling expenses at subsistence alawans habang nagsisilbing testigo.
02:57Pagtitiyak naman ng DOJ kung kailangan si Alcantara sa Senado ay dadalihin nila siya doon.
03:03Whenever necessary. Of course, the end here is really for cooperation for our witnesses.
03:10At yun nga, kaya nga sila na-admit sa program eh.
03:13Diba? Sila ay nakikipagtulungan sa ating pamalaan para mapatibay ang mga kaso.
03:20Nasa DOJ rin si dating DPWH, Ander Secretary, at ngayon ay state witness na si Roberto Bernardo
03:26para sa case build-up o pagpapatibay ng kaso kaugnay sa flood control projects.
03:31Ito ang unang balita. June venerasyon para sa GMA Integrated News.
03:37Pinauwi ng Bureau of Jail Management and Penology ang mga hindi-otorisanong damit at gadget
03:42sa dating Senador Bong Revilla.
03:45Lahat ng damit na hindi authorized, hindi dilaw, gaya ng civilian plain clothes niya na dala,
03:51pinauwi natin yun sa kanyang apugado and other gadgets, pinauwi rin natin dahil bawal ang gadgets.
03:56Bahagi yan ang pagtitiyak ng BGMP sa publiko na walang VIP treatment kay Revilla
04:01sa Quezon City Jail Male Dormitory.
04:05Pareho ang mga pagkain ni Revilla sa mga nakakulong din doon.
04:08Magyang oras ang dalaw.
04:10Dinalaw si Revilla kahapon ng mga anak niyang sina Congressman Jolot Brian Revilla, pati si Gianna.
04:16Dinalaw rin siya ng kapatid na si dating Antipolo City Mayor Andrea Bautista Inares.
04:22Hindi sila nabigay ng komento sa media.
04:24Sa isang Facebook post na nawagan ng pangunawa at respeto sa due process
04:29ang asawa ni Revilla na si Kamite 2nd District Representative Lani Mercado Revilla.
04:34Maasa raw sila ng patas at makatarungang resolusyon.
04:38Nakapagpiansa sa kasong graft si Revilla pero non-vailable ang kasong malversation
04:42through falsification of public documents
04:44kung nais sa umano'y P92.8M Ghost Flood Control Project sa Pandi, Bulacan.
04:54Sa patala, iniharap na rin sa Sandigan Bayan ang dalaw pang kapwa kusado ni Revilla para sa return of waran.
05:00Yan ay si Engineer Emelita Huat at Administrative Officer Triat Cashier na si Cristina Pineda ng DPWH Bulacan.
05:09Inihuto silang makulong sa BJMPQC Jail Female Dormitory sa Camp Karingal.
05:14Wala silang pahayaan.
05:17Narito tayo ngayon sa kanto ng G. Araneta at I. Rodriguez Avenue sa Caeso City
05:22kung saan ay kasalukoy ang ginagawa ang drainage expansion project ng Department of Public Works and Highways.
05:30Itong proyektong ito ay sinimula noong Marso ng 2025 at inaasahang matatapos ngayong buwan ng Pebrero.
05:37Pahagi po ito ng tinatawag na off-land kontrabaha program ng DPWH.
05:42Sa ngayon po inaayos at pinapalitan ang mga luman drainage pipes
05:46para mas mapabilis ang pagdaloy ng tubig sa lugar tuwing umuulan.
05:50Mas malalaki po yung mga inilalagay na drainage pipes dito sa proyektong ito
05:56dahil nga po sadyang mataas ang baha dito kapag malakas ang ulan.
06:00Bukit dito ay nagkaroon din po ng drainage rehab, San Juan River Dredging
06:05at pagpapatayo ng pumping station para mas lumakas ang pagalis ng tubig sa kalsada.
06:11Madalas po na bumabaha dito sa G. Araneta Avenue
06:14kung malakas ang ulan dahil hindi sapat ang drainage capacity sa lugar.
06:18Kapag malakas ang ulan, usually umaabot sa lampas tao yung tubig,
06:23lalong-lalo na sa lugar na ito.
06:24Actually, sa Quezon City kapag malakas ang ulan,
06:27isa po ito sa madalas na binabaha.
06:30Pagka tumaas na po yung tubig, hindi na po nakakadaan yung ating mga motorista,
06:34pati mga commuters, kailangan na po nila maghintay na humupa
06:37para magkabakadaan sila dito sa bahaging ito.
06:41Kaya nga nagkaroon itong drainage expansion program.
06:44Mamaya, makakausap po natin si DPWA Secretary Vince Disson
06:48para malaman natin kung kaya ba na matapos next month
06:51ang proyektong ito, itong drainage expansion program.
06:54At kung sa kasukali ay matitiyak ho ba na hindi na babaha sa lugar na ito
06:59kapag natapos ang proyekto ito.
07:01Yan po ang ating bibigyan ng kasagutan, mamaya, sa ating panayam
07:05kay Secretary Vince Disson ng Department of Public Works and Highways.
07:09Balik muna tayo sa studio.
07:10Hiniling ni dating Senador Antonio Trellanes IV at ng isang grupo
07:15sa Office of the Ombudsman na imbisigahan na si Vice President Sara Duterte
07:19na inireklamo niya ng plunder at graft and corruption.
07:23Wala pang bago pahayagang bisin na dati nang itinanggi
07:25na may mali sa paggasos ng confidential funds ng Office of the Vice President
07:29at Education Department noong siya'y kalihim pa nito.
07:33May unang balita si Maki Pulido.
07:35Sa inihahing reklamo sa ombudsman nila dating Sen. Antonio Trellanes IV
07:43at civil society group na The Silent Majority
07:46laban kay Vice President Sara Duterte,
07:49inakusahan nila ang bise ng plunder,
07:51malversation of public funds,
07:53graft and corruption,
07:55bribery and culpable violation of the Constitution,
07:58betrayal of public trust at other high crime.
08:01Hiningi ng mga complainants na mag-imbestiga
08:04ang Office of the Ombudsman
08:05at pagkatapos ay maghain ng impeachment complaint
08:08laban kay Vice President Sara Duterte.
08:12Ayon sa reklamo,
08:13guilty raw si Duterte ng graft and corruption,
08:16bribery at plunder
08:17dahil sa diumanoy maanumalyang paggamit ng P650 million pesos
08:22na kabu ang halaga ng confidential funds
08:24noong kalihim pa ng DepEd at bilang Vice President.
08:28Naka-attach dito ang salaysay ni Ramil Madriaga,
08:31ang nagpakilalang dati umanong civilian intelligence agent ni Duterte
08:35at nang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
08:38at nagsabing naghatid umano siya ng pera mula sa confidential funds
08:42sa ilang individual sa utos ng bise.
08:46Nilustay din umano ni Duterte
08:48ang higit 2.7 billion pesos na confidential funds
08:52noong mayor siya ng Davao City.
08:54Lumobo raw ang halagang ito
08:55mula 2010 hanggang 2022.
08:59Nung kalihim din daw si Duterte ng DepEd,
09:0212 billion pesos ang inisuhan ng Commission on Audit
09:05ng Notice of Disallowance
09:07dahil sa posibleng mali o sobrang paggamit ng pondo.
09:11Maliban dyan, bilang kalihim,
09:12halos 7 billion pesos ang diumanoy unliquidated cash advances
09:16o hindi na ipaliwanag na gastos ng ahensya.
09:19Kung may hindi maipaliwanag na gastos,
09:22ayon sa mga complainants,
09:24may higit 15 billion pesos din na pondo ang DepEd
09:27na hindi nagamit sa halip na naipatupad ang iba't ibang proyekto.
09:32Sinita pa raw ng COA ang hindi nagamit na pondong
09:34sanay na ipampatayo o pinangrepair ng mga classroom.
09:38Dahil dyan, ayon daw sa COA,
09:40192 classrooms lang daw ang naipatayo ng DepEd
09:44samantalang 6,000 ang target
09:46at 208 classrooms lang ang narepair sa target na higit 7,000.
09:518 billion pesos din umano ang halaga ng overpriced na laptop
09:55nung kalihim si Duterte ng DepEd.
09:58Sabi ng mga complainant,
10:00guilty rin si Duterte ng bribery and culpable violation of the Constitution.
10:04Ayon sa reklamo,
10:06may hindi raw maipaliwanag na kayamanan si Duterte.
10:09May 2.4 billion pesos umanong nakadeposito sa bank account ni Duterte
10:14kung saan ka-joint account ang kanyang amang si dating Pangulo Rodrigo Duterte
10:18at asawang si Atty. Manassez Carpio.
10:21Ang mga bank deposit na ito at ibang ari-arian,
10:25hindi rin daw idineklara ni Duterte sa kanyang tal-end.
10:28Pagkal binuksan yung bank accounts
10:30or galing man lang dun sa mga flag transactions ng AMLOC,
10:37eto na, hindi na nila maitatanggi.
10:38Tumanggap din umano si Vice President Duterte at kanyang mga kaanak ng Suhol
10:43mula sa isang drug lord nung mayor siya ng Davao City.
10:47Ayon pa sa inihaing reklamo,
10:49guilty si Duterte ng betrayal of public trust at other high crimes.
10:54Isang basihan umano rito ay nang pagbantaan niya ang buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
10:58Pinapakita ng complaint na ito na una,
11:03ang kabuoang halaga ng mga nilimas o niwaldas ni Sara Duterte
11:07ay maihahanay sa mga pinakamalalaking flood control scandal.
11:13Nagsimula yung nakawan nung mayor pa lang siya.
11:16Sana naman daw, sabi ni Trillanes,
11:19aksyonan na ng ombudsman ang reklamo laban kay Duterte.
11:22Nauna pa raw sampahan ng ombudsman sa Sandigan Bayan,
11:25si dating Sen. Bongribilla, samantalang noong nakaraang taon pa
11:29may nakahain ng reklamo laban kay Duterte.
11:32Last year pa ito sa Quadcom, hindi pa umuusad.
11:36Itong kay Sen. Bongribilla, linggo lang ang binilang,
11:4190 million ang halaga.
11:43Hinihingi pa namin ang pahayag ni Vice President Duterte.
11:47Sinubukan din namin kumuha ng pahayag ng Office of the Vice President
11:50pero wala pa silang tugon.
11:52Pero dati nang sinabi ni Duterte na wala siyang personal relationship kay Madriaga,
11:56hindi rin daw siya nagbigay ng anumang utos dito
11:59at hindi raw niya ito nakausap kailanman.
12:02Dati na rin niyang itinanggi na may mali sa paggastos
12:05ng Office of the Vice President at DepEd sa confidential funds.
12:09Ito ang unang balita,
12:11Mackie Pulido para sa GMA Integrated News.
12:15Labing-anim na light installations ang nagpamangha sa England, United Kingdom.
12:20Tampok ang mga yan sa 10th edition ng Cannery Wharf Winter Lights Festival sa London.
12:27Lights in motion ang paandar ng obrang hula hoop na tila lumulutang at sumasayo sa ere.
12:33Pasok din sa temang dreamscape,
12:35ang eksena ng sanctuary na tila out of this world ang pagkutitap na mga ilaw sa loob.
12:40May mga interactive din na installation gaya ng At The Hand.
12:46Sa tulong ng Artificial Intelligence o AI,
12:48kaya ang gayahin ng mga ilaw nito ang pose ng isang kamay.
12:53Libre mabibisita ang mga artwork hanggang January 31.
12:56Ikinamangha sa ilang panig na mundo ang paglitaw ng Aurora Borealis sa Northern Lights.
13:04Gaya sa Canada kung saan nasilayan ang mga kulay green at pink na ilaw na tila nagsasayawan sa kalangitan.
13:11Nakunan din yan ng larawan sa France.
13:13Kakaibang anggulo naman ng Aurora Borealis ang nakunang video ng Russian Space Agency mula sa International Space Station.
13:21Makikita ang tila bumabalot ang verde at pulang liwanag sa mundo.
13:25Kadalas ang nakikita ang Northern Lights malapit sa North Pole dahil sa mga solar storm
13:30o kapag naglalabas ang charged particles ang araw.
13:34Mas maraming lugar ang nakararanas ng Aurora Borealis ngayon
13:37gaya ng Greenland, England, Hungary, Germany at Poland.
13:41Dahil yan sa dumarami aktibilidad ng araw,
13:43bunsod ng nalalapit na pagtatapos ang 11-year cycle nito na tinatawag na solar maximum.
13:55Nagkwento sina Sparkle stars Michael Sager at Zephanie sa pagbibidahan nilang upcoming GMA afternoon prime series na Born to Shine.
14:04Reunion project daw nila ito after ng successful on-screen chemistry nila sa series na Love Is Caught in His Arms noong 2023.
14:12Masaya raw sina Michael at Zephanie na muli magsasama sa series.
14:16Smooth and light din ang mood sa kanilang taping at family raw sila sa set.
14:22Kasama nila sa series sina Olive May, Vina Morales, Manilin Reynas, Smokey Manaloto,
14:28Rosel Nava, Tessie Tomas at iba pang stars.
14:32Sabi niya na Michael at Zephanie, abangan ang karakter nila na sina Nate Lim at Jenny Sikat maging ang kwento ng series.
14:40I see similarities but I also see differences as well.
14:48Si Nate Lim, he's more reserved.
14:51He has time to himself and he really thinks before he speaks.
14:55This story is really gonna be inspiring and I know po na it would touch many lives na
15:04ng mga dreamers, ng mga aspiring na artists.
15:08And hindi lang po yun lahat ng may pangarap na hindi privilege pero pursigido.
Comments