00:00Nakatutok ang buong kwersa ng pamahalaan sa mga oportunidad sa negosyo na magbubukas dahil sa ASEAN Chairship ng Pilipinas.
00:08Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:11Formal nang sinimulan ng Pilipinas ang ASEAN 2026 Chairship ngayong araw
00:16sa pamamagitan ng isang high-level forum na nakatutok sa investment, regional cooperation, at economic growth.
00:24Nagtipon ang mga senior policy makers, global investors, at mga ma-influence yung media figures sa ASEAN Editors and Economic
00:32Opinion Leaders Forum
00:34bilang unang malaking hakbang sa economic agenda kung saan prioridad ng bansa pagdating sa trade, investment, at mas malalim na
00:43regional integration sa ASEAN.
00:44Ayon sa Department of Trade and Industry, nakasentro ang forum sa economic resilience, digital transformation, at sustainable at inclusive growth.
00:54Kasabay nito ang paglulunsad ng business and investment promotion calendar ng Pilipinas sa ilalim ng ASEAN Chairship
01:01kung saan mahigit limandaang strategic engagements ang inaasang maisasagawa.
01:05Kabilang sa mga strategic priorities ng bansa, ang mas matibay na public-private partnerships,
01:11mas malawak na digital connectivity, mas matatag na supply chains, at mas maraming oportunidad para sa MSMEs, women entrepreneurs, at
01:20mga negosyong panrehyon.
01:22Kasama rin sa mga itinutulak ng Pilipinas sa chairship, ang digitalization at AI, semiconductors at critical minerals,
01:30renewable energy infrastructure, cross-border digital talent mobility, at healthcare innovation.
01:37Sa isang panel discussion tungkol sa public-private partnerships o PPPs,
01:41tinalakay kung paano mapapabilis ang pagpapatupad ng mga proyekto sa bansa sa tulong ng pribadong sektor.
01:48I-pinaliwanag ni Education Secretary Sonny Angara kung bakit kasama ang mga traditional na infrastructure projects, edukasyon, at healthcare.
01:56This administration has clearly, has sent very clear signals that they want to work with the private sector and that
02:02they need the private sector.
02:04And I think another change that President Marcos has initiated is that we want human development and human infrastructure at
02:14the core of the PPPs,
02:16not just physical development, not just building structures.
02:18Kaugnay nito, tinalakay din ang mga posibleng modality para sa social infrastructure,
02:24kabilang ang pagpapatayo ng mga silid-aralan,
02:27habang nananatiling bukas ang pagsali ng malalaking kumpanya sa mga bidding process.
02:32Binigyang din naman ang pribadong sektor na mahalaga ang malinaw na framework sa mga proyekto
02:37upang mapanatili ang interes ng mga investor sa mga long-term programs ng gobyerno.
02:43From the private sector, from where we stand, what we ask for are really just predictability in the rules,
02:51transparency in the processes, and the private sector knowing exactly when the projects are going to come out.
02:58Samantala, kinilala rin ng ilang mga local investors ang mga hakbang ng ARTA para mapadali ang ease of doing business
03:05sa bansa.
03:06Ayon naman kay VTI Secretary Christina Roque,
03:09Malaki ang pwedeng maidulot ng ASEAN shareship sa pagpapalawak ng ekonomikong ugnayan ng Pilipinas sa rehyon.
03:17So, nakafocus kami ngayon sa ASEAN shareship because there's a lot of opportunities talaga that we can get from ASEAN.
03:25And ang ASEAN, once bonded together, is a very strong force to reckon with actually.
03:31Binigyang diin din ni Secretary Roque na umabot sa 84.41 billion US dollars ang exports ng Pilipinas noong 2025,
03:41ang pinakamataas na naitala kasabay ng 15.2% growth year on year.
03:47Sa investments naman, nagtala rin ng record high approvals na senyalis ng patuloy na pagtitiwala ng mga negosyo sa Pilipinas.
03:54Nakatulong game sa paglakas ng investment climate ang mga reforma tulad ng Create More Act,
04:01Green Lanes for Strategic Investments at PPP Code na layong pabilisin ang mga proseso at bawasan ang mga hadlang sa
04:08pagdenegosyo.
04:09Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments