00:001,000,000,000 piso umano ang handang ipansuhol ng isang kontraktor at isa pang kontratisa
00:15kaugnay ng investigasyon sa flood control projects.
00:19Ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia, alok umano yan sa kanya at sa kapatid niya na si Ombudsman Jesus Crispin Remulia.
00:31Nakatutok si JP Soriano.
00:35Hindi lang minsan, kundi dalawang beses daw silang tinangkang suhulan ng ilang kontraktor sa sangkot sa maanumalyang flood control projects
00:43ang magkapatid na sina Ombudsman Jesus Crispin Boyeng Remulia at DILG Secretary John Vic Remulia.
00:50Sa isang press conference kanina, sinabi ni Secretary John Vic, aabot sa 2,000,000,000 piso ang iniaalok sa kanila.
00:58Nauna yung kontraktor, pangalawa yung kontraktor.
01:02Nagparating sa aming mutual na kaibigan na kung pwede tulungan at may, again, 1,000,000,000 na naman ang inooffer sa aming magkapatid.
01:14Agad daw niyang isinumbok ang pagtangka kay Pangulong Bongbong Marcos.
01:18Bawat subok na suhulan ako, nire-report ko gagad sa Pangulo to.
01:23Refused po both times. Hindi ko namin kami papayag, hindi ko kami magpapabili.
01:27Ayon naman kay Ombudsman Boyeng Remulia, hindi siya ang direktang kinausap ng sinasabi ng kapatid na nagtangkang manuhol.
01:35Walang direct offer eh, walang direct offer talaga.
01:37Pero yung hint na yun, matibay na hint sana.
01:40Kaya lang, wala talagang koneksyon na pwede itahe.
01:45Eh parang, mahihirapan din tayo ang prove ng kaso.
01:52Gayunman, sinabihan na raw niya ang kapatid na huwag nang magpatumpik-tumpik pa kapag may ganyang uri ng pagkatangka.
01:58Kung talagang mayroong direct connection, arrest claim na. Kasi bribery na yan eh. Corruption of public officers yan.
02:06Sa gitna ng tangkang panunuhol na ito.
02:09Tomorrow we're filing a case to. Sandigan Bayang.
02:12Tomorrow or Monday we're filing a case. Sandigan Bayang.
02:15Ano na to? Diret-diretso na to.
02:17Ayaw pang i-detalye ni Ombudsman Rimulya kung sino ang kakasuhan.
02:21Pero may kinalaman pa rin daw ito sa mga anomaliyang flood control projects.
02:26Tinanong din si Ombudsman Rimulya tungkol kay dating House Speaker Martin Romualdez
02:30at posibleng koneksyon niya sa mga diskaya.
02:33We're deeply into the investigation of former Speaker Martin Romualdez.
02:39And he will get more news next week.
02:41Kinukuha pa namin ang reaksyon ni Congresman Romualdez pero nauna nang itinanggi ng kanyang abogado
02:46na may transaksyon ang dating speaker sa mag-asawang diskaya.
02:51Para sa GMA Integrated News, JP Soriano. Nakatutok 24 oras.