Kinumpirma ng Malacañang na nagbitiw na sa puwesto si Justice Undersecretary Jose Cadiz Junior. Kasunod ito ng pagkakadikit ng pangalan ni Cadiz sa isang contractor na nakatanggap ng daan-daang milyong pisong kontrata sa Ilocos Norte.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Kinumpirma ng Malacanang na nagbitiw na sa pwesto si Justice Undersecretary Jose Cadiz Jr.
00:06Kasunod nito ng pagkakadikit ng pangalan ni Cadiz sa isang contractor na nakatanggap ng daan-daan milyong pisong kontrata sa Ilocos Norte.
00:13Nakatutok si Ivan Mairina.
00:18Sa pagtatanong ng media sa Palacio, lumabas sa impormasyong nagbitiw na si Justice Undersecretary Jose Cadiz Jr.
00:25Does he still enjoy the President's trust and will he remain in the DOJ despite again these links and the claims that have been made against him?
00:33Sa ating pagkakaalam siya po ay nag-submit na ng kanyang resignation. Sa ating pagkakaalam, e bibigyan ko lang po ng update.
00:40Walang ibinigay na detalya si Palace Press Officer Claire Castro kung tinanggap ng Pangulo ang pagbibitiyon ni Cadiz o kung kailan nito inihain.
00:47Si Cadiz ang opisyal na ayon kay Ko ay pinaghatiran daw niya ng kickback para umano sa Pangulo.
00:52Sinabi rin ni Ko, si Cadiz ang nag-ayos ng pulong nila ni Pangulong Marcos kung saan pinagalitan umano siya ng Pangulo
00:59at pinagsabihang huwag pigilan sa hinihingi umano nito ang 100 bilyon pesos na insertion sa 2025 budget.
01:06At dahil laging napapagalitan si Speaker Martin ang Pangulo mula September hanggang November,
01:11Inutusan niya ako na mag-deliver ng 1 bilyon pesos para kay BBM at ibigay kay Yusek Jojo Cadiz dahil ito raw ang drop-off point na malapit sa bahay ng Pangulo.
01:24Noong December 2, 2024, personal ko ang i-deliver ang 200 milyon kay Yusek Jojo Cadiz.
01:31Ayon sa kanya, dadalin daw niya ito sa bahay ng Pangulo.
01:35Noong December 5, 2024, muli akong nag-deliver ng 800 milyon sa parayong adres at Yusek Jojo Cadiz pa rin ang tumanggap.
01:47Sabi niya, iyon naman ay dadalin sa bagong bahay ng Pangulo.
01:52Nagbitiw si Cadiz sa gitna ng ulat na may kaugnayan umano siya sa isang kontraktor
01:56na nakatanggap ng 100-100 milyong pisong kontrata sa Ilocos Norte, ang baluarte ni Pangulo Marcos.
02:02Iyan ay ang JSJ Builders Incorporated.
02:05Base sa mga dokumento ng Securities and Exchange Commission, pag-aari yan ang anak ni Cadiz,
02:09na si Jose Gigantone Cadiz III.
02:12Siya ang may hawak ng 97% na shares ng kumpanya at pinagmula ng 35 milyon pesos na paid up capital nito.
02:19December 2023, nag-register sa SEC ang JSJ Builders Incorporated.
02:25Higit isang taon, matapos i-appoint ni Pangulo Marcos ang nakatatandang Cadiz bilang undersecretary sa Department of Justice.
02:32Sa 2024 Annual Financial Statement ng JSA Builders Incorporated,
02:36walang kinitang kumpanya at nalugi pa na may higit 9 milyon pesos.
02:41Base sa DPWH Transparency Portal,
02:44Ngayong 2025, meron silang limang infrastructure projects na nagkakahalaga ng mahigit 251 milyon pesos.
02:51Lahat sa Ilocos Norte.
02:53Nang tanungin kung alam na ng Pangulo, ang umanikahugnay ni Cadiz sa kontraktor.
02:57Ang sabi ng Palacio,
02:58As of the moment, we have not talked about that.
03:01But if there's a need for investigation on that issue, so let the investigation be done.
03:07Sinubukan naming kunan ng pahayag si Cadiz, pero ang tayong isinagot niya, no comment na lang muna.
03:12Ang Department of Justice, bukod sa pagsabing naghahain ng resignation si Cadiz,
03:17wala na raw ibang detalye hinggil dito.
03:20Hanggang nitong lunes, pumapasok pa raw si Cadiz sa trabaho.
03:23Hindi rin nila ito iniimbisigahan.
03:25Ombudsman na raw ang magsasagawa ng imbisigasyon.
03:28We leave that to the discretion of the ombudsman as to whether or not they will conduct an investigation on that aspect.
03:35Definitely, that is something that the ombudsman has to look into.
03:40Given all the allegations, however, not yet sworn into, but there are other reports as well of his involvement.
03:48And so definitely, there will be a fact-finding body that will be dedicated to that as well.
03:53Ang pagbibitoy ni Cadiz ay kasunod ng mga naging resignation na iba pang opisyal na isa ng kutiko sa budget insertions.
03:59Yan ay si na-budget secretary ang may napangandaman, undersecretary Adrian Bersamin, undersecretary Trijip Olayvar.
04:07Gayun din si dati executive secretary Lucas Bersamin.
04:09Bagamat nilinaw niya na hindi daw siya nagbitiyo, kundi sinabihan daw na kailangan na niyang umalis bilang executive secretary.
04:17Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment