00:00Aminado si Nani Doribeth na madalas na siyang nahihilo. Sumasakit ang kanyang tuhod at nanlalabo ang kanyang mata.
00:0867 taong gulang na rin kasi siya, kaya may kailangan na siyang pagkagastusan.
00:13Siyempre yung maintenance ng kolesterol, yung siyempre mga kailangan mo sa mga pagkain.
00:23Kasi minsan may kailangan, may mga diet-diet kapag minsan yung pagpasyal-pasyal, paminsan-minsan.
00:31Siyempre kailangan din natin yung mga pasyal-pasyal na minsan.
00:34Umaasa ng si Nani Doribeth na 2,500 pesos na pensyon kada buwan. Mula ito sa pumanaw niyang asawa.
00:41Kaya naman, laking tuwa niya ng malaman na madadagdagan ito simula Sityembre.
00:47May additional pension na ang mga senior citizen mula sa SSS. Tatlong tranches ang pagdadagdag ng pensyon.
00:54Simula sa September 2025, 10% ang idadagdag sa retirement and disability pensioners.
01:00At 5% naman sa death or survivor pensioners.
01:03Gayun din sa September 2026 at September 2027.
01:08Ibig sabihin, makalipas ang tatlong taon, pumapatak na halos 33% ang magiging dagdag para sa mga retirement pensioners.
01:1633% din sa mga disability pensioners at 16% para sa mga survivor pensioners.
01:23Ayon sa SSS, layunin ito na matulungan ang mga pensioner sa kabila ng tumataas na presyo ng bilihin.
01:30Ang dagdag na pensyon ay hindi nangangailangan ng dagdag na halaga sa kontribusyon.
01:35Nasa 3.8 million pensioners ang nasa ang makikinabang dito.
01:392.6 million dito ay mga retirement and disability pensioners at 1.2 million ang mga survivor pensioner.
01:47Ayzanya Mirafuentes para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.