00:00Sa ibang balita, magsisimula ng ngayong gabi ang unang phase ng rehabilitasyon ng EDSA.
00:06Ayon sa Department of Public Works and Highways, 24 oras ang gagawing konstruksyon.
00:12Kung saan saan gagawin ang road re-blocking at paglalagay ng asfalto,
00:17alamin sa sentro ng balita ni Joshua Garcia.
00:22Kasabay ng bisperas ng Kapaskuhan ay ang pag-arangkada na rin ng inaabangang rehabilitasyon
00:27ng isa sa pangunahin ng sangan sa Metro Manila, ang EDSA.
00:31Ayon sa Department of Public Works and Highways,
00:33pagsapit ng 11pm mamaya ay sisimulan na ang phase 1 ng EDSA Rehabilitation.
00:39Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:43na tiyakin ligtas ang kalsada para sa mga motorista, commuter at mga pedestrian.
00:48Sa abiso ng DPWH, gagawin ang konstruksyon ng 24-7.
00:52Mula ngayong araw hanggang December 27, magpapatupad ng concrete re-blocking.
00:57Para sa southbound, December 24-27, ipatutupad ang re-blocking sa inner lane ng Picelle Street hanggang Rojas Boulevard.
01:05Gayun din ang inner lane malapit sa isang gas station patungong Loring Street.
01:09Sa northbound naman, gagawin ang re-blocking sa inner lane ng Rojas Boulevard patungong Park Avenue.
01:14Pagdating ng December 26, may re-blocking din sa southbound ng Tramo Flyover patungong Picelle Street
01:20at northbound ng Park Avenue hanggang Taft Avenue.
01:23Para sa asphalt overlaying, nilinaw ng DPWH na walang isasarang kalsada at lahat ng lanes ay passable sa mga motorista.
01:31Uunahin na lalagyan ng asfalto ang southbound ng ilang bahagi ng EDSA.
01:34Nakatakda bukas ang EDSA Orense hanggang Urdaneta Village kasama na ang bus lane.
01:39Sa December 26 naman, ang asphalt overlaying ay mula EDSA Orense patungong Magallanes Interchange.
01:45Gagawin ito mula inner lane hanggang outer lane maliban lamang sa bus lane.
01:49At pagdating ng December 27, gagawin ang pag-aaspalto mula Tramo hanggang Loring Street sa lahat ng lanes maliban muli sa bus lane.
01:57Una ng sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na ang gagamit ng asfalto sa rehabilitasyon ay panibago at ginagamit na rin sa Japan.
02:04We will be using stone mastic asphalt technology.
02:09Itong gagamitin sa EDSA, I don't think it has been used on our national roads yet.
02:16Itong technology nito, makikita niyo ito mostly sa Japan.
02:20Kung makikita niyo yung mga asfalto sa Japan, ito yung gagamitin natin teknoloya.
02:24Dahil hindi na nga tayo mag-re-re-block ng lahat, kailangan natin asfaltong matibay.
02:31Hindi yung asfalto, isang ulan lang, nasisira na.
02:35Daanan na ng tubig, nasisira na.
02:37Ito mas matibay and mas madaling i-maintain.
02:42Mas mahaba ang maintenance life nung asfaltong doon.
02:48Muli rin tiniyak ng Department of Transportation na sapat ang transportasyon para sa publiko sa oras na isagawa na ang rehabilitasyon.
02:55We'll make sure na kahit pa paano ma-mitigate yung epekto ng trafico sa EDSA.
03:01Makakasiguro po kayo na yung ating MRT-3 at busway parati po nga dyan kahit na merong EDSA.
03:08Nakatakda naman maglabas ang DPWH ng updated schedule ng repair works simula December 28 hanggang January 5, 2026.
03:16Josh Garcia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments