00:00Tinataya nga abot sa 143,000 na motorista ang makikinabang sa bagong traffic signal lights
00:06na ipinagkaloob ng NLEX MMDA na ikakabit sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
00:13Si Bernard Ferrer sa sentro ng balita.
00:18Mas ligtas at mas maayos sa trapiko.
00:21Ito ang aasahan ng mga motorista sa Ramon Magsaysay Boulevard at España Boulevard sa Manila
00:25at C3 Road sa Caloocan sa tulong ng mga bagong traffic signal lights.
00:30Ang proyekto ay sinakatubaran sa inisyatiba ng North Luzon Expressway o NLEX.
00:35Personal na tinanggap ni MNDA Chairman Romando Donarte sa mga bagong traffic signal lights
00:40sa isinagawang ceremonial turnovers sa Ramon Magsaysay Boulevard.
00:43Tinataya nga abot sa 143,000 motorista ang makikinabang sa bagong traffic management system sa tatlong pangunahing intersection.
00:52Kasi ang nangyayari po kung hindi lalagyan ng stoplight ito,
00:56mano-mano po, pag sa gabi, delikado, dahil wala na po tayong enforcers,
01:02kung may traffic lights po ay mas maiiwasan po yung aksidente.
01:06Ang mga bagong traffic signal lights ay integrate sa kasalukuyang adaptive signaling system ng MNDA
01:12na ginagamit na sa 70% ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
01:16Dahil dito, naging maayos ang traffic management ng MNDA at nabawasan ang mga aksidente sa kalsada.
01:22Samantala, magsasagawa ng pagpupulong ang MNDA kasama ang Department of Interior and Local Government o DILG
01:29at iba't-ibang local government units sa Metro Manila upang pag-usapan ang sinusulong na pagbabawal sa street parking.
01:36Hiniling ng MNDA sa mga LG yung pagsusumitin ang listahan na mga lansangang papatawan ng total o partial ban sa street parking.
01:43Kung ma-rule na bawal dyan, tapos nag-park ka, illegal parking po yan.
01:49So dalawa po ang penalty niyan. Kung attended, 1,000 at kung unattended ay 2,000.
01:55Bagamat supportado ng MNDA yung total ban sa street parking kung walang ibang opsyon,
01:59e ginit nitong kailang isaalang-alang ang pagpapatupad nito lalo na sa mga commercial areas.
02:04Bernard Ferrer, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.