00:00Nagsagawa ng operasyon ng LTO at LTFRB sa mga paliparan laban sa mga taksi na labis kung maningil ng pamasahe.
00:10Yan ang ulat ni Gav Villegas.
00:14Ipinagutos na ng Department of Transportation sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board
00:20ang pagsasagawa ng operasyon sa mga paliparan, particular sa Ninoy Aquino International Airport at iba pang lugar
00:27laban sa mga taksi na labis na naniningil ang pasahe sa kanilang mga pasahero.
00:32Ito ay matapos suspendihin ang lisensya ng taxi driver na si Felix Opina na naniningil ang 1,260 pesos na pamasahe
00:40sa isang overseas Filipino worker mula na IA Terminal 3 patungong na IA Terminal 2.
00:46Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, pinadalhan na ng show cost order ng LTFRB si Opina
00:52at ang taxi hub kung saan sila ay pinagbabayad rin ng multa.
00:56Pag kayo nahuli at nabidyo kang kayo kamukha ni Felix Opina, ito din ang mangyayari sa inyo.
01:03Kaya ang advice ko na rin sa inyo, huwag nyo nang gagawin nga.
01:07Napag-alaman rin ng LTFRB at DOTR na noong pang-Marsso napaso ang Provisional Authority ng Taxi Hub Transport.
01:14Nangangahulugan na lahat ng 15 units nito na bumibiyahe ay kolorum.
01:19Posible rin na mawala ng prangkisa ang lahat ng unit ng taxi hub transport.
01:23Makikipag-ugnayan rin ang dalawang ahensya sa Manila International Airport Authority
01:27at Yuna IA Infra Corporation para mahuli ang mga mapagsamantalang taxi.
01:32May mensahe naman ang kalihim sa mga pasahero.
01:35I'm encouraging and asking yung mga kababayan natin na gawin yung ginawa ng pasahero
01:41dito State Transport Hub Taxi na i-binividyo niya yung pang-aabuso sa kanya ng taxi driver.
01:50Kasalakuyang ring naka-impound sa compound ng LTO ang nahuli na taxi.
01:56Gabo Milde Villegas para sa Pambasang TV sa Bagong Pilipinas.