00:00Nagsimula na ang public viewing sa mga sasakyan ng mga diskaya na ipasusubasta.
00:06Ngunit, kailan nga ba ang auction na mga ito at ano ang proseso?
00:11Alamin sa seto ng balita ni Luisa Erispe.
00:17Sinisimulan na ng Bureau of Customs ang proseso ng bidding para sa mga nasubastang sasakyan ng mag-asawang Sara at Curly Diskaya.
00:26Matatandaan na may labing tatlong sasakyan na nakumpis ka ang customs dahil nga sa irregularidad sa mga dokumento nito.
00:33Pito rito ngayon, naka-public viewing na para sa nakatakdang auction sa November 20.
00:38Ayon kay Pangulo Ferdinand R. Marcus Jr., bahagi ito ng mas pinaiting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga lumalabag sa regulasyon at hindi otorizadong pagmamayaring ng mga mamahaling sasakyan.
00:51Noong September 2, nakumpis ka ng Bureau of Customs ang labing tatlong luxury vehicle ni Nina Diskaya.
01:00At dahil sa irregularity sa importation at sa dokumentation, itong mga luxury vehicle na ito ay i-auction na.
01:12Ang pagkaintindi ko, merong pito na i-auction next week at saka susunod na yung iba.
01:20Sa pitong sasakyan, tinatayang nasa 100 million agad ang maaaring kitain ng gobyerno.
01:27Kasama naman sa pitong sasakyan, ang isa sa sumikat na Rolls Royce ng mga Diskaya.
01:32Ang isa sa pinakasikat na tinitignan ngayon ng mga bidders dito sa public viewing ng mga sasakyan ng mga Diskaya ay itong Rolls Royce.
01:40Bukod sa ito kasi, ang isa sa pinakamahal na nakasama sa bidding, nandito rito kasi yung sumikat na Payo.
01:49Ang floor price lang naman, ang sasakyan na ito, ay aabot sa 45,314,391 pesos.
01:58Kasama rin ang Bentley Bentayga, na aabot naman sa higit 17 million ang floor price.
02:06Nandyan din ang Mercedes-Benz na higit 14 million at 7 million pesos.
02:11May ilan namang bidders na nagsimula ng tumingi ng mga sasakyan.
02:14Nakita ko sa advertise ng custom option. So I just come here na titignan ko kung in case the price is right.
02:23Mga friend ko, they are interesting to buy.
02:26Para naman makapag-bid, ang kailangan ay certified o accredited bidder.
02:31O kaya ay magparehistro at magsumite ng bidders registration form.
02:35May registration fee na 5,050 pesos. Kung representative lang, kailangan naman may special power of attorney na isusumite.
02:43Kailangan din magbigay ng cash bond bago makapag-bid.
02:47Kapag higit 5 million piso ang floor price, ang cash bond ay 5% ng presyo.
02:53Refundable ito kapag hindi nanalo sa bidding.
02:55Ang bid ay selyado at bubuksan lang sa auction sa November 20 at mananalo ang highest bidder.
03:03Sakali naman anya na tie ang bidding, ay magkakaroon ulit ng sealed bidding
03:07at kung nag-tie ulit ay gagamitan na ng Toscoid kung sino ang mananalo.
03:12Kung sakali naman anya na magkaroon ng failed bidding, ay kakailanganin ng re-assessment sa mga sasakyan
03:18para ulitin ang proseso sa iba pa namang presyo.
03:21Sa floor price, kasama na ang tax dito, pero hindi pa kasama ang paglilipat ng pangalan ng mga dokumento.
03:27Bukas ng public viewing mula alas 10 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
03:32Magtatapos ito bukas, November 14.
03:35Inaasahan naman na isusunod na rin ang 6 pang sasakyan ng mga diskaya.
03:39Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.