00:00Nalubog sa baha ang ilang barangay sa Dagupan, Pangasinan, na nasa signal number one ngayon dahil sa Bagyong Emong.
00:07Dalawang pamilya ang ligtas na nailikas at agad dinala sa Dagupan People's Astrodome.
00:13Katuwang sa operasyon ang CDRRMO at BDRRMC ng barangay.
00:20Patuloy naman ang paglilibot ng mga otoridad sa mga binabahang lugar para sa relief operations.