00:00Pirmado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2026 National Budget na nagkakahalaga ng 6.793 Trillion Pesos.
00:09Pagtitiyak ng Pangulo, bawat pisong pondo ng bayan ay mapupunta sa tamang proyekto at tutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.
00:18Ang detalya sa reporting, Clay Salpardilla.
00:20Sa National Budget ng 2026, malinaw ang direksyon ng inyong pamahalaan.
00:31Magiging mas masinok, mas maingat, mas responsable kami sa paggastos ng pondo ng bayan.
00:38Pagtitiyak yan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nilagdaang 6.793 Trillion Pesos na pambansang pondo ngayong taon.
00:48Ito ang pinakamalaking national budget sa kasaysayan ng Pilipinas na nakatoon sa mga programang tututok sa kahirapan at magpapalaka sa kakayanan ng mga Pilipino habang pinalalago ang ekonomiya ng bansa.
01:03Papalo sa 1.34 Trillion Pesos ang alokasyon sa edukasyon na may pinakamalaking bahagi ng pondo.
01:11Target nitong makapaglikha ng 33,000 teaching at non-teaching personnel at mga bagong silid-aralan na magbibigay ng dekalidad na edukasyon.
01:22Nakasentro naman ang P448B na pondo para sa sektor ng kalusugan upang mabawasan ang gastusin ng mga pasyente.
01:31Tulad ng zero balance billing na kumakargo sa hospital bill ng mga Pilipino.
01:38Lolobo naman sa P297B ang inilaan sa sektor ng agrikultura na magpapataas sa supply at magpapababa sa presyo ng pagkain.
01:48Sa pamagitan ng mga makinarya at farm-to-market road.
01:53Bilyong-bilyong piso rin ang inilaan sa mga social services at local government na layong agarang maidsan ang pasani ng mga Pilipino at maitaas ang antas ng mga komunidad.
02:05Kasabay niyan ang pagsisiguro ng paglalagak ng pondo sa dagdag sahod ng mga sundalo at uniformadong kawaninang pamahalaan.
02:14The 2026 national budget shall sustain our momentum in education reform, in health protection, in food security, in social security, and in job creation.
02:27Through our responsive and rationalized flagship programs, this budget aims to steer us towards achieving a single-digit poverty rate by 2028.
02:37Tiniyak ni Pangulong Marcos na hindi mabapahira ng korupsyon ang pambansang pondo.
02:43Nasa 92.5 billion pesos ang vinito o inalis ng presidente sa mga unprogrammed appropriations.
02:53Mga programa ito na walang malinaw na layunin at sapat na safeguard.
02:58Hindi anya ito blankong cheque at hindi maaring gawing discretionary spending.
03:03We will not allow the unprogrammed appropriations to be misused or treated as a backdoor for discretionary spending.
03:11We will make releases charged from the UA transparent, providing the necessary details on the funding source and the corresponding purpose.
03:23Mahigpit na rin pagbabawalan ang pakikisawsaw ng mga politiko sa pamahagi ng ayuda at iba pang tulong pinansyal ng pamahalaan.
03:31Politicians shall be barred from the distribution of any financial aid and we shall ensure that the support reaches the intended beneficiaries without patronage.
03:44Walang bawas, walang kulang.
03:46Nanindigan si Pangulong Marcos na bawat pisong buwis ay kailangan mapunta sa mga tamang proyekto at tunay na pangangailangan ng mamamayan.
03:57Ang bawat programa at proyekto ay dadaan sa masusing pagsusuri upang masiguro na ito ay may malinaw na binipisyo sa mamamayan, lalo na sa sektor na mga nahigit na nangangailangan.
04:13Magtatrabaho ang administrasyong ito upang mapabuti ang sistema, mapalakas ang pananagutan at matuldukan ang katiwalayan.
04:23Calaisal Cordelia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment