00:00Pinatitiyak naman ni Pangulong Marcos Jr. na hindi magkakaroon ng re-enacted national budget sa susunod na taon.
00:09Target na mapagtibay ang 2026 General Appropriations Bill bago matapos ang taon.
00:16Si Gleisel Pardiglia sa Sentro ng Balita, live.
00:19Aljo, pinamamadali ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-aaral o review sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
00:36Ayon sa Malacanang, ayaw ng Pangulo na muling ipatupad ang 2025 National Budget na sinasabing pinakamaanumalyang pambansang pondo.
00:45Panawagan ng Malacanang, bilisan ang trabaho.
00:48Ay, bilisan ang trabaho. Dapat bilisan ang pag-aaral. Ayaw po ng Pangulong ng re-enacted budget. Alam po natin yan.
00:56So hanggat maaari, bilis-bilisan natin. Although kahit tapos na yung kapwas ang panahon, sana po mas mapabilis natin.
01:05Nasa period of amendments na ng Senado ang proposed 2026 National Budget.
01:11Dito ginagawa ang pagbabago sa mga alokasyon na ibubuhos sa mga panukalang proyekto at programa ng pamahalaan.
01:20Target na maipasa ang 2026 National Budget bago mag-December 31.
01:25Mahalaga ito para maiwasan ang re-enacted budget o pag-iral ng lumang pondo na posibleng makapigil sa pagtupad ng mga bago at napapanahong programa ng administrasyon.
01:37Samantala para matiyak ang pagkakaroon ng sapat na pondo at maayos operasyon ang tanggapan ng Pangulo.
01:44Sinisikap ng Office of the President na sinili ng mga ahensya ng gobyerno na hindi pa napabayaran ang ilang gastusin sa foreign travel noong 2024 na una ng sinita ng Commission on Audit.
01:57Collection letters were already issued in April and May 2025.
02:03Of the said amount, 7,887,555.64 or 55% were already collected to date.
02:14The OP consistently monitors the outstanding bills through monthly aging report and sending of collection demand letters.
02:21Samantala Aldjo ngayong araw din ay pinalaga ng Malacanang ang paninisin ni Cavite Representative Kiko Barzaga kay Pangulong Marcos
02:33na siya umanong bahilan kung bakit mayorya ng mga mambabatas ay nagkaisa na isuspindi siya ng 60 araw.
02:40Sinasabit niya ang pangalan po ni Pangulo dahil sa kanyang pagkakasuspindi.
02:48Unang-una po yung mga load photos na kanyang pinos.
02:52Hindi naman po kasama ang Pangulo nung ito ay kanyang ginawa.
02:56Hindi naman kasama ang Pangulo nung ito ay pinos.
02:59At yung mga sinasabi niya mga diumanong disinformation laban sa AFP,
03:04hindi rin po yata kasama ang Pangulo sa kanyang mga diumanong disinformation.
03:08So sa atin na nakikita rito, ginagamit lamang ang pangalan ni Pangulong Marcos Jr.
03:14para ma-justify ang kanyang mga ginagawang disinformation.
03:19Aldjo kamakailan nga lamang ay nasuspindi si Congressman Barzaga
03:24dahil umano sa kanyang unethical behavior dahil sa sunod na pag-atake sa gobyerno
03:30at pagbabalandra ng mga malalasuwang larawan ng mga babae.
03:34Yan ang muna ang pinakahuling balita mula rito sa Malacanang.
Be the first to comment