00:00Ipinresent na ng Department of Budget and Management kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:04ang National Expenditure Program para sa susunod na taon.
00:08Pero una pa lang, nagbabala na ang Pangulo na handa siyang ibalik ito sa Kongreso
00:12kung may makikita siyang kahinahinalang proyekto.
00:16Si Clazel Pordillo sa report.
00:19Mas matatag na bagong Pilipinas.
00:22Nakasentro dyan ang mga programa at proyektong laman
00:26ng National Expenditure Program o NEP 2026
00:30na nakatakdang i-turnover ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso
00:35ang NEP ay panukalang budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.
00:40Layo nitong tiyakin na may pagpapatuloy ang mga pangunahing programa at proyekto ng gobyerno
00:46sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.
00:49Nakaangkla ito sa Philippine Development Plan 2023 hanggang 2028.
00:55Prioridad na makapagatid ng dekalidad at accessible na edukasyon.
01:00Palakasin ang healthcare system at servisyong tutugon sa kalusugan.
01:05Palawakin ang mga social protection program na magbibigay ng disenteng buhay sa pinakamahirap.
01:12Gawing sapat, matatag at abot kayang presyo ng pagkain.
01:16Target ng administrasyon na mabigyan ng oportunidad at suporta ang bawat Pilipino
01:23na tutulong sa pagtulak na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
01:27Keleizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.