00:00Handang humarap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa anumang investigasyon kung may malinaw na ebidensya mag-uugnay sa kanya sa flood control anomaly.
00:10Pero hirit ng Malacanang, hindi dapat kalimutan ng publiko na mismo ang Pangulo ang unang nagbunyag ng katiwalian sa flood control projects.
00:18Nagbabalik si Clazel Pardilla sa report.
00:20Handa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na harapin ang investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure sa flood control scam kung may ebidensyang mag-uugnay sa presidente.
00:36Kung ano po ang maibibigay sa kanilang maliwanag na ebidensya, wala naman pong pagtututol ang Pangulo dyan.
00:42Kung sasabihin po natin na command responsibility, siguro magbigay na lamang po sila kung paano nila ma-ililink ang Pangulo patungkol dito.
00:51Ayon sa Malacanang, mismo si Pangulong Marcos ang nagbukas sa mga mata ng taong bayat matapos isiwalat ang mga maanumayang proyekto kontrabaha.
01:02Mismo si Pangulo Marcos Jr. ang nagpasimula ng pag-iimbestiga na ito.
01:08Nais ng Pangulo na managot ang dapat na managot.
01:11Para sa palasyo, nagbubunga na ang kampanya kontra katiwalian ni Pangulong Marcos.
01:17Siyam na individual na na sinasabing nasa likod ng mga binalahura at guni-guning flood control projects ang naaresto.
01:26Patuloy ang manhunt operation sa mga akusado at pag-iimbestiga para makakalap ng matibay na ebidensya at kaso
01:34at makulong ang mga nangurap sa kaba ng bayan.
01:38Kaya buwelta ng Malacanang sa batikos na pinakamahina ngayon ang administrasyon ni Pangulong Marcos sa gitna ng kaliwat ka ng kontrobersiya, dulot ng flood control scam.
01:51At his weakest, ito pa bang panahon na ito na siya po ang nagpaimbestiga?
01:57Hanggang ngayon po, maraming ginagawang aksyon para mapanagot ang dapat na mapanagot.
02:02Andami na po na napaaresto.
02:04Marami na po rin na kinasuhan.
02:07Marami na po na naibalik na pondo.
02:10Ito pa ba yung weakest na masasabi natin?
02:13Madali po kasing sumigaw na bumaba sa pwesto.
02:17Pero kung papaano papalakarin at pamumunuan ang gobyernong ito kapag bumaba ang Pangulo, ano kaya ang kanila masasabi?
02:26Sa kabila ng mga isyo, nakatutokan niyang administrasyon sa pagpapanagot sa mga tiwaling sangkot sa flood control project.
02:34Naka-focus ang Pangulo sa patuloy na pag-iimbestiga sa mga personalidad na dawit sa flood control issue at buong loob na gagawin ang mga hakbang upang mapanagot ang mga sangkot at maibalik ang mga kinurakot na pondo.
02:51Para sa mga kababayan nating sumisigaw ng hustisya laban sa korupsyon, hindi kayo bibiguin ng Pangulo.
02:58Kaleizal Pordilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment