Skip to playerSkip to main content
  • 2 weeks ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong January 2, 2026
- Maraming bakasyunista, sinusulit ang pananatili sa Boracay bago bumalik sa trabaho
- Mga deboto, dagsa sa Quiapo Church para sa 1st Friday Mass ng 2026
- Pami-pamilya at magbabarkada, sinalubong ang New Year sa Baguio; fireworks display, inabangan | Signage sa palibot ng Burnham Park na tinadtad ng bala, iniimbestigahan ng mga pulis | Mga turista, sinulit ang malamig na panahon sa Baguio para mamasyal at mag-bonding
- E-trike at e-bike, bawal nang dumaan sa mga pangunahing kalasada sa Metro Manila simula ngayong araw | Ilang e-trike driver, handang sumunod sa bagong patakaran; ibang e-trike driver, daing na magiging pahirap ito sa kanilang hanapbuhay
- Ilang panig ng Metro Manila, binaha dahil sa malakas na ulan kahapon
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Kim Salinas
00:30Fireworks display kagabi, inenjoy pa rin ng mga turista ang nightlife activities sa isla ng Buracay, Kaugnay, ng pagdiriwang ng bagong taon.
00:43Bago pa man matapos ang bakasyon, humirit pa ng last-minute activities ang ilang turista sa Buracay.
00:49Si Mary, kahit makulimlim ang panahon kahapon, pinili pa rin itong magtampisaw sa tubig.
00:55Kahit nga makulimlim, tingnan mo yung dagat natin, maganda pa rin.
01:00Last swim to before umuwi.
01:03Inabutan ng loose team ang pamilya ni Roderick na nagbabantay na masasakyan papuntang Kagban Jetty Port.
01:09May kasama itong mga bata at senior citizens.
01:12Kahit tatlong araw lang sa Buracay, worth it naman daw ang kanilang experience.
01:17So far, enjoy naman ng mga kids, especially mga kids.
01:20Hindi enjoy fireworks and land tours.
01:24Kahapon pa lang, unti-unti nang dumagsa ang outbound passengers sa Kagban Jetty Port.
01:30Isa na dito, ang pamilya ni Jeremy na balak pang bumalik sa isla dahil sa one-of-a-kind experience.
01:36Binawag na ng malay LGU ang incident management team, ngunit aasaan pa rin ang mahigpit na siguridad sa isla at sa Pantalan.
01:53Sa port naman natin, may mga attend naman tayo, mga mga personnel dyan.
01:57Ang promise kasi nag-operate ng ating dalawang port.
02:02Igan, ayon sa malay LGU, mula December 1 hanggang December 31, mahigit 227 ang naitalang inbound passengers.
02:16Mula naman December 21 hanggang December 30, nasa mahigit 66,000 ang outbound passengers.
02:24Inaasahang dadami pa ito ngayong araw dahil nga sa mga umuwi ng mga turista.
02:29Igan, maraming salamat, Kim Salinas ng GMA Regional TV.
02:36Pagpapasalamat para sa bagong taon.
02:38Kabilang po yan sa laman na mga panalangin ng mga debotong dumalo sa First Friday Mass ng 2026 sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila.
02:46May unang balita live si Jomer Apresto. Jomer!
02:54Maris, good morning. Madilim pa lang kanina at dag sana ang mga deboto dito sa Quiapo Church.
02:59Ngayong First Friday ng 2026.
03:01Lahat sila ay may pasasalamat para sa nakalipas na taon.
03:04May hilingay ang 2026 at syempre hindi mawawala ang New Year's Resolution.
03:12Matapos ang salubong sa bagong taon kahapon, dumagsa naman ang mga deboto sa Simbahan ng Quiapo ngayong First Friday ng 2026.
03:19Alas 4 pa lang na madaling araw, ganyan na karami ang dumalo ng banal na misa.
03:24Kaya ang Manila Police District maagang nagpakalat ng mga personel para masiguro ang kaligtasan ng mga deboto.
03:30Bawat isa may pasasalamat sa may kapal at hiling kasunod ng pagpasok ng bagong taon.
03:35Ang 65 years old na tenderang si Marita, residente pa ng San Pedro Laguna at dumadayo lamang sa Quiapo para magbenta ng sampagita.
03:43New Year's Resolution niya rao na mas mahigitan niya pa ang sipag niya noong nakarang taon para mas guminhawang kanilang buhay.
03:50Bukod dito, ipinagpapasalamat niya sa may kapal na kahit senior citizen na siya e nairaos niya ang 2025.
03:57Kasi po binigyan din po ako ni Lord ng mga gandang karanasan sa sampagita.
04:03Hindi po ako nagkaroon ng maraming problema, nagkasakit.
04:07Binigyan din po ako nila mahabang buhay at lakas.
04:10Gano'n din po yung pang araw-araw namin pagkain, nakakaraos din po kami dito.
04:14Simple lang naman daw ang hiling niya ngayong 2026.
04:18Sana po gumanda ang aking pakiramdam.
04:20Biyin ako ng mahabang buhay at lakas.
04:23Gano'n din po ang aking mga pamilya.
04:25Ang 48 years old naman na si Shirley, kasamang nagsimba ang kanyang buong pamilya.
04:30Galing pa raw sila ng Batangas at sumadya sa simbahan ng Quiapo dahil matagal na nila itong panata ng kanyang asawa.
04:37Ipinagdasal niya ang kaligtasan ng kanyang pamilya.
04:39Tatlo kasi sa anim niyang anak ang may malubhang sakit.
04:42Dalawa sa kanila ay mayroong hemophilia, habang ang kanyang pitong taong gulang na anak mayroong stage 2 lymphoma.
04:48Sa kabila nito, malaki pa rin daw ang pasasalamat nila sa may kapal.
04:53Salamat po sa biyaya sa aming saraw-araw, sa mga kalakasan po sa aming katawang saraw-araw.
05:00New Year's resolution ni Shirley na mas tumatag pa ang samahan nila ng kanyang pamilya.
05:05Sana po hindi na po mag-away yung pamilya po namin, yung magkasando po kami lahat.
05:16Maris, oras-oras ang misa dito sa Quiapo hanggang mamayang alas 12 na tanghali.
05:21Babalik ang misa pagsapit ng alas 13 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi.
05:26At yan ang unang balita mula dito sa Quiapo Church.
05:29Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
05:32Sinulit ng maraming turista sa Baguio ang malamig na panahon para mamasyal at mag-bonding ngayong bakasyon.
05:40Live mula sa Baguio, may unang balita si Bam Alegre.
05:44Bam!
05:48Again, good morning.
05:49Makulimlim ngayon dito sa Baguio City.
05:51Kaya mas nanunoot ang lamig ngayong umaga.
05:53At inabangan din ng komunidad itong fireworks display ng lungsod noong sa lubong.
06:02Naging pasiklab ang community fireworks display ng Baguio City sa pagsalubong sa 2026.
06:10Bawal ang paputok dito kaya inabangan talaga ang fireworks display na mula sa lungsod.
06:14Dinaando ng ingay sa rakrakan at mga trotto.
06:17Generally peaceful ang New Year celebration sa bagong taon.
06:20May namonitor lang ang pulisya na nag-vandalize ng signage sa palibot ng Burnham Park na tinagtad ng bala.
06:27Iniimbestigahan na ito ng pulisya.
06:28Ngayong araw, sinusulit ng mga turista ang lamig ng lungsod para mamasyal ng maaga.
06:33Nakilala natin ng ilang first-timer sa Baguio na hinihintay magbukas ang Baguio Botanical Garden.
06:38Maaga nilang sinimulan ng pasyal para makarami bago mag-weekend.
06:41Babalik na rin kasi sila sa kanika nilang mga lugar.
06:44Pakingan natin yung pahayag ng ating mga nakapanayam na mga turista.
06:50First time kasi talaga namin mag-Baguio.
06:53So, insan lang mangyari na magsama-sama yung family.
06:57So, we opted to choose talaga Baguio.
07:00How is it so far? Lalo yung weather ngayong umaga?
07:02Full breeze pa lang talaga.
07:04Hindi pa siya yung sobrang freezing.
07:05Pero, medyo malamig na talaga.
07:08Presco pa naman.
07:10Kaya lang talaga pag medyo bumababa na yung lamig, nakakaya mo na.
07:14I've never been to Baguio ever since.
07:17So, it's my first time to come here.
07:20Sabi nila, may mga negative.
07:24Pero sabi ko, hindi.
07:25Still, I want to go to Baguio.
07:31So, Igan, itong pila sa ating likuran.
07:34Ito'y para dito sa Baguio Botanical Garden na magpupukas anytime na.
07:37The temperature check, 18 degrees Celsius ngayon dito sa lungsod.
07:42Bawal na nga po ang e-trike sa mga pangunang kalsada sa Metro Manila.
07:45Ang lalabag papatawan ng multa.
07:48Ano kaya ang salobin dyan ng ilang mga driver ng e-trike?
07:51Live sa Maynila, may unang balita si Bea Pinlak.
07:55Bea, good morning.
07:59Good morning, Maris.
08:00Bawal na nga ang mga e-trikes sa mga major highway.
08:04Kabilang na itong Rojas Boulevard.
08:05Pero sa pagbabantay natin, mula kaninang umaga, may ilan na nakakalusot pa rin.
08:14Simula ngayong araw, bawal nang dumaan sa mga major highway sa Metro Manila ang mga e-trike.
08:20Kabilang dyan ang EDSA, C5 Road, Rojas Boulevard at SLEX mula Quirino Avenue hanggang Magallanes.
08:28Magtatalaga raw ng enforcer ang LTO sa mga daan para matiyak na ipinatutupad ang patakarang ito.
08:34Pero sa Rojas Boulevard ngayong umaga, may ilang e-trike na nakakadaan pa rin at hindi nasisita.
08:40Ayon sa LTO, para ito sa kaligtasan ng lahat sa kalsada.
08:45Delikado at hindi raw kasi angkop na makipagsabayan ang mga e-trike sa bilis at dami na mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada.
08:53Sang-ayo naman dito ang ilang nakausap natin na nagmamaneho ng e-trike.
08:56Delikado, delikado. Kasi matutuloy yung mga Corwin.
09:01Hindi kagaya na ito kasi tapos yung mga pasero, delikado rin.
09:05Lalo iba, walang lisensya. Maraming nagdadrive kasi walang lisensya nito.
09:09Mga lalo yung mga bata, di ba akong mabiyayo rin? Kaya hindi mo nakapektado.
09:13Pero para sa iba, mahirap tumalima rito, lalo na't gamit nila sa hanap buhay ang e-trike.
09:19Hindi po papayag. Magugutong pamilya ko po, boss.
09:23Oo, boss. Malaking kabawasan po sa amin yan.
09:25Saan ba tayo kukuha ng panggasos, boss? Dito lang.
09:27Pag may huli, hindi iwasan na lang pag ganun.
09:31Lalo naman tayo magagawa eh. Patyein po ang tayo. Wala.
09:35Ang mga mahuhuling lalabag, pagmumultahin o kaya naman i-impound ang kanilang e-trike.
09:40Pero sa ngayon, hinihintay pa ang mas kumprehensibong joint guidelines mula sa DOTR at iba pang kaukulang ahensya.
09:48Handa naman daw makipag-ugnaya ng LTO sa mga LGU at transport sector para bumuunang rutang ligtas at angkop para sa mga e-trike.
10:02Marisa, ngayon sinusubukan pa natin kunin yung panig ng LTO tungkol nga sa mga nakakadaan pa rin na e-trike dito sa Rojas Boulevard.
10:10Yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
10:13Bea Pinlac para sa GMA Integrated News.
10:20Naging maulan sa ilang panig ng Metro Manila sa unang araw ng 2026.
10:25Halos nag-zero visibility sa Commonwealth sa Quezon City dahil po sa masamang panahon.
10:30Binahan naman at nagmistulang swimming pool ang isang gasolinehan sa Caruatan, Valenzuela.
10:35Umabot pa ng hanggang dibdib ang baha sa ilang bahaging ng lungsod.
10:38Ang ilang motorista ay naglakas loob na sumuong sa tubig base sa nakunang video ng isang U-Scooper.
10:45Meron ding tumabi muna sa gilid.
10:47Pasado alas 8 kagabi nang humupa ang baha ayon sa U-Scooper.
10:51Binaharin ang ilang kalya sa Nabotas kasabay ng buhos ng ulan.
10:55Ayon sa pag-asa, shearline ang nagpaulan sa Metro Manila kahapon.
10:59Ang shearline po ay ang pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin.
11:02Ngayong Biyernes, hangi-Amihan ang umiiral sa NCR at ilang pangbahaging ng Luzon.
11:08Ang Western Visayas, Northern Samar at ilang panig ng Mimaropa Region at Bicol
11:12ang uulanin naman dahil sa shearline habang easterly sa iba pangbahagi ng bansa.
11:17Dahil naman sa Amihan, nakitaas ngayon ang rainfall advisory sa Tarlac
11:21at ilang panig ng Bataan, Sambales, Pampangan, Nuevesiha at Bulacan.
11:26Hanggang alas 8 po ngayong umaga, aasahan daw ang mahina hanggang katamtamang ulan sa mga nasabing lugar.
11:32Para paalala po mga kapuso, stay safe and stay updated.
11:35Ako po si Anzo Pertiara. Know the weather before you go.
11:39Para mag-safe lagi. Mga kapuso.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended