Skip to playerSkip to main content
  • 4 weeks ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 14, 2025


- High-end residential project sa Cebu City, sinisisi sa matinding pagbaha sa kasagsagan ng Bagyong Tino | High-end residential project sa Cebu City, nakitaan ng tatlong paglabag ng DENR | Mga nasa likod ng Monterrazas de Cebu, sinisikap na makunan ng pahayag


- Baha sa ilang eskuwelahan sa Calasiao, Pangasinan, hindi pa rin humuhupa | Mga estudyante, handa na raw magbalik-eskuwela matapos ang ilang linggong walang klase | Mga silid-aralan sa ilang eskuwelahan sa Bacolod City, nasira dahil sa Bagyong Tino | DepEd at provincial gov't, inihahanda ang tulong para sa mga nasirang paaralan


- 14 na litsunan sa La Loma, ipinasara matapos madiskubreng may African Swine Fever ang mga baboy na kakatayin doon | Disinfection sa 14 na litsunang ipinasara, sinimulan na; checkpoints, itinalaga ng QC LGU | Ilang mamimili, naghahanap na ng alternatibo sa lechong baboy para sa holiday season | Ilang mamimili, sa La Loma pa rin bibili ng lechon oras na magbukas ang ilang litsunan


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00The Department of Environment and Natural Resources
00:15is a high-end residential project in Cebu City.
00:21This project is a part of the map in Bagyong Tino.
00:25May unang balita si Luan May Rondina ng GMA Regional TV.
00:33Ladies and Gentlemen, the Rice at Monteros.
00:38Sa video na inalabas sa kanyang YouTube account noong 2023,
00:42ipinakilala ng celebrity at project lead engineer na si Slater Young
00:46ang high-end residential project na ito sa Barangay Guadalupe, Cebu City.
00:51Sinabi noon ni Young na sustainable ang malahagdan-hagdang proyektong sinimula noong 2024.
00:57This whole structure is now spread out across the mountain,
01:01making it a whole lot safer and less yung environmental impact natin.
01:06By doing this trip also of greenery,
01:09we are able to give back towards the mountain one hectare of greenery.
01:15May irrigation system din anya ito na kawangis ng ginagamit ng mga magsasaka na kokolekta ng tubig ulan.
01:22This entire building will be collecting all the rainwater to a tank down below
01:29and then meron tayong irrigation system from the irrigation system.
01:33And by the way, amenity area will be supplemented by solar power also.
01:37So that's another sustainability thing that we did.
01:40Pero nang humagupit ang Baguio Tino noong nakaraang linggo,
01:44ganito ang nakunan sa isang viral video.
01:47Oh, grabe baha oh.
01:48Monterazas, gikan oh.
01:49Gumpay lang, damo.
01:51Ilalpino.
01:54Moni, delikado kayo oh.
01:56Delikado kayo isla.
01:57Sinisisi ng uploader ang Monterazas sa nangyari.
02:01Meron, tanawa.
02:01Tanawa, takamuntarasas na inyong kabuang.
02:07Oh.
02:07Tanawa ninyo mga guys.
02:09Awa, inyong gikupa.
02:11Awa.
02:16Ang Baguio.
02:18Madahapag ampo.
02:19Pero kindi, di inagyong madahag ampo.
02:22Ang inyong damo, nabungkag inyong dam.
02:25Oh, tanawa inyong pastubig, nabungkag.
02:27Sa isa pang video, makikita naman ang tila na kalbo ng bahagi ng burol kung saan itinatayo ang proyekto.
02:35Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, nakakuha ng tree cutting permit ang proyekto.
02:41Pero mula sa higit pitong daang puno sa lugar noong 2022, labing isa na lang ang natira.
02:47Isa ito sa tatlong nakitang paglabag ng DNR.
02:50Nilabag din a nila ang Presidential Decree 1586 na nagsusulong ng Philippine Environmental Impact Statement System.
02:58Bigo rin umano ang proyekto na makakuha ng discharge permit alinsunod sa Philippine Clean Water Act of 2004.
03:07Ayon pa sa DNR, kulang pa ang planong centralized retention pond at labing limang iba pang retention pond o mga estrukturang sasalosana sa tubig ulan.
03:17Kung natuloy, kaya sanang sumalo ng tubig na kasingdami ng mahigit pitong Olympic swimming pool.
03:24Ang analysis is itong 18,500, itong mga na-establish or to be established pa ng mga detention ponds that would somehow catch yung mga water para ma-eliminate or ma-prevent yung mga runoff going down.
03:40Yung nakita namin is only 12 detention ponds.
03:43Sapat ba yun? So parang hindi siya sapat. So dapat i-upgrade.
03:48Bukod dyan, sa 33 Environmental Compliance Certificate o ECC, may sampung nilabag ang proyekto.
03:55Dahil sa mga ito, ayon sa kagawaran, posibleng maharap sa reklamong administratibo at kriminal ang nasa likod ng kinekwestyong residential project.
04:04Patuloy naming hinihinga ng panig ang mga nasa likod ng proyekto.
04:08Bukod sa Monterasas, may iba pang mga proyektong iniimbestigahan dahil marami pang lugar sa Cebu ang binaharin.
04:16Ito ang unang balita. Luan Merondina ng GMA Regional TV para sa GMA Integrated News.
04:22Hindi pa rin naaayaw sa mga silid-aralan sa Bacolod City na nasira ng Bagyong Tino.
04:28Sa Kalasyo, Pangasina naman, baha pa rin sa ilang eskwelahan at halos dalawang linggo nang walang pasok.
04:34Live mula sa Kalasyo, Pangasina, may unang balita si Cindy Salvasio ng GMA Regional TV. Cindy?
04:41Susan, mahigpit na binabantayan at minomonitor ng DepEd Regional Office 1 ang mga binabahang paaralan dito sa buong regyon matapos ang pananalasan ng Bagyong Uwan.
04:56At baga mata, prioridad nga ng DepEd, ang kaligtasan ng mga estudyante, tinitiyak naman nila na hindi maapektuan ang pag-aaral ng mga ito.
05:04Pagpasok pa lang sa loob ng Banlag National High School sa Kalasyo, Pangasinan, bubungad na ang baha.
05:15Kaya hindi pa tinatanggal ang mga inihilerang gulong ng sasakyan sa gilid upang may madaanan ang mga gurot estudyante.
05:21Ang naipong tubig sa bahaging ito, nagmistulan ng maliit na palaisdaan. Ilang estudyante ang handa naman na rao pumasok.
05:28Pag sa Monday na lang po, pinsana na lang po para mabawasan din ang baha dyan eh.
05:33Ang priority po kasi ng DepEd, sir, ay ang safety and security ng mga guro at siyempre ng ating mga mag-aaral.
05:40Mas malala ang baha sa katabing Banlag Central School. Makikita ang lawak ng naipong tubig sa loob ng campus.
05:47Matagal na umanong problema ito ng paaralan. Wala kasing labasan ang tubig.
05:52Nagtutulungan ang pamunuan ng paaralan, barangay council at lokal na pamahalaan upang masolsyonan ang problema.
05:57Patuloy po ang pakikipag-coordinate po natin sa kanila through their district supervisor.
06:05Kaya yung iba po nag-shift po to modular distance learning.
06:08Kadalasan po na ginagawa ng ating mga kaguruan, kapag may mga bagyo o kalamidad,
06:14ay nagkakaroon po sila ng mga make-up classes sa mga panahon po na humupa na po ang baha.
06:21Sinira ng bagyong uwan ang bahagi ng bubong ng gymnasium ng Banawang Elementary School.
06:26Wala namang naapektuhan sa mga silid-aralan.
06:29Handa na rong magbalik iskwela ang mga mag-aaral matapos ang halos dalawang linggong walang pasok na nagsimula pa noong wellness break.
06:37Sa Bacolod City, hindi lang mga bahay ang nasira sa pananalasan ng bagyong tino.
06:42Nasira din ang mga silid-aralan.
06:44Sa Andres Bonifacio Elementary School 1, nasira ang mga silid pati na ang mga kisame ng mga ito.
06:50May mga puno rin nabual sa paligid.
06:53Apat sa mahigit dalawampung silid ang hindi pa magamit dahil nasira ng bagyo,
06:58ayon sa pamunuan ng eskwelahan.
07:00Kaya pinalawig pa ang alternative delivery mode sa halip na ibalik ang face-to-face classes.
07:04Kapitado, gitang ato niya mga classrooms na hindi ka pwede masudlat.
07:10Mayarita din sa frontings, ato niya park na nagkala tumbaman ng mga kanupi.
07:16Kasama ang mga silid-aralan ng Andres Bonifacio Elementary School 1 sa 134 na in-report ng DepEd Bacolod City na partially damaged,
07:25habang may 189 naman na totally damaged sa buong lungsod dahil sa bagyo.
07:30Para sa magulang na si JR, mahalagang ayusin muna ang classrooms bago ibalik ang face-to-face classes.
07:50Samantala nagpapatuloy pa ang consolidation ng DepEd Negros Occidental,
07:59kaugnay sa tala ng mga nasirang classroom sa probinsya.
08:02Nagsagawa na ng inspeksyon ang DepEd at Provincial Government sa ilang bayan itong November 11.
08:08Kasama sa kanilang pinuntahan ay ang mga nasirang silid-aralan.
08:11Inihahanda na rin ang tulong para sa mga paaralan.
08:14Susana, dito sa ating kinaroroonan sa Kalasyo, Pangasinan,
08:23bukod sa mga binabahang paaralan, ay may mga paaralan din na wala pang supply ng kuryente.
08:29Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa mga paaralan at sa mga electric companies,
08:35nagsagayon ay mapabilis ang power restoration.
08:38At sa ngayon, nasa maayos na rin ang sitwasyon ang karamihan sa mga paaralan dito sa bayan
08:42at nagbalik-eskwela na rin ang mga istudyante.
08:45Susan?
08:46Maraming salamat, Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
08:51Kanya-kanya-deskarte ang ilang suki sa La Loma, Quezon City
08:54para maghanap ng mga alternatibo para sa litsyong baboy.
08:58Kasunod ito ng pansamantalang pagpapasaraan ng labing apat na litsunan doon
09:02dahil sa African Swine Fever.
09:04Live mula sa Quezon City, may iunang balita, si Bea Pinlak.
09:07Bea?
09:12Susan, sumikat na ang araw pero wala pa rin sigla rito sa La Loma, Quezon City
09:16dahil nga pinasarap pansamantala ang ilang litsyonan dito dahil sa African Swine Fever.
09:24Palapit na ng palapit ang Pasko at isa sa mga hindi nawawala sa Noche Buena
09:29ang maraming Pilipinong pamilya ang litsyon.
09:33Pero tahimik nga ngayon sa La Loma, Quezon City, nakilalang Litsyon Capital of the Philippines.
09:38Yan ay matapos pansamantalang ipasara ang labing apat na litsyonan dito
09:43matapos lumabas na may ASF o African Swine Fever
09:46ang mga baboy nakakatayin ng mga ito ng Inspeksyoninang Lungsod at Bureau of Animal Industry.
09:53Nagsimula na ang disinfeksyon sa mga apektadong lugar.
09:56Pinatay na rin ang mga may sakit na baboy.
09:59Naglagay na ng checkpoints ang lokal na pamahalaan
10:01para kontrolado ang paggalaw ng mga baboy mula at papasok ng La Loma.
10:05Samantala ang ilang nakausap natin, nag-iisip na ng alternatibo sa lechong baboy.
10:11Baka absent daw kasi muna ito sa handaan nila ngayong holiday season.
10:14Pero may iba naman na tiwala pa rin sa mga sikat na litsyonan sa La Loma
10:18oras na muli itong magbukas kapag nag-comply na sila
10:22sa requirements ng lokal na pamahalaan at ng BAI.
10:25Talaga na tradisyon na yan, laging may litsyon.
10:32Pwede namang iba eh.
10:34Gusto maglitsyon, di maglitsyon ka ng manok.
10:36Okay lang yung mga lapo-lapo na isda, ganun.
10:39Okay lang yun.
10:41Hindi na kami maano sa litsyon talaga.
10:43Matutuloy naman ang Nocho Buena kahit na walang litsyon.
10:46Andiyan naman ang litsyong manok, di ba?
10:48Marami naman may handa dyan.
10:50Sa totoo lang, magaganda naman mga litsyon dyan, mga baboy.
10:54Kung magbubukas nga yung December, tiwalaan naman kami sa kanila
10:57kasi taga rito kami.
10:59Okay na ba yung mga litsyon nila eh.
11:02Kapag may budget, bibili kami.
11:08Susan, pagtitiyak ng Quezon City LGU,
11:11tanging mga hayop lang ang apektado ng ASF
11:13at hindi naman daw na ipapasa ang virus sa mga tao.
11:17Yan ang unang balita mula rito sa Quezon City,
11:19Bea Pinlock para sa GMA Integrated News.
11:21Gusto mo bang mauna sa mga balita?
11:24Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
11:27at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended