- 3 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 24, 2025
- Ilang biyahe ng airconditioned buses sa Cubao Terminal, fully-booked na | Ilang bakasyonista, bumiyahe na para makaiwas sa dagsa ng mga pasahero sa Undas
- Mga tagalinis ng mga puntod, nakaantabay na sa mga kukuha ng kanilang serbisyo | Ilang nagtitinda ng bulaklak at kandila, nakapuwesto na rin sa Roman Catholic Cemetery
- Ilang bibisita at maglilinis sa mga puntod, maagang dumating sa Manila North Cemetery | Puntod finder, magagamit sa paghahanap sa mga libingan sa Manila North at South Cemeteries | Manila LGU: May libreng water stations, portable toilets, at wheelchairs sa mga sementeryo sa Undas
- AMLC: P5.2 billion halaga ng mga ari-arian at pera na ang pina-freeze sa gitna ng imbestigasyon sa flood control projects
- Ombudsman Jesus Crispin Remulla, tinawag na "secret decision" ang pag-dismiss ng dating Ombudsman sa kaso noon ni Sen. Joel Villanueva | Dating OMB. Martires, itinangging itinago ang desisyon sa kaso ni Sen. Villanueva
- Pagkuwestiyon ng kampo ni FPRRD sa jurisdiction ng ICC sa kasong crimes against humanity, ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber 1
- Vice Ganda, Esnyr, at ilang dating ka-Babol, mapapanood sa 2nd part ng 30th anniversary special episode ng "Bubble Gang"
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Ilang biyahe ng airconditioned buses sa Cubao Terminal, fully-booked na | Ilang bakasyonista, bumiyahe na para makaiwas sa dagsa ng mga pasahero sa Undas
- Mga tagalinis ng mga puntod, nakaantabay na sa mga kukuha ng kanilang serbisyo | Ilang nagtitinda ng bulaklak at kandila, nakapuwesto na rin sa Roman Catholic Cemetery
- Ilang bibisita at maglilinis sa mga puntod, maagang dumating sa Manila North Cemetery | Puntod finder, magagamit sa paghahanap sa mga libingan sa Manila North at South Cemeteries | Manila LGU: May libreng water stations, portable toilets, at wheelchairs sa mga sementeryo sa Undas
- AMLC: P5.2 billion halaga ng mga ari-arian at pera na ang pina-freeze sa gitna ng imbestigasyon sa flood control projects
- Ombudsman Jesus Crispin Remulla, tinawag na "secret decision" ang pag-dismiss ng dating Ombudsman sa kaso noon ni Sen. Joel Villanueva | Dating OMB. Martires, itinangging itinago ang desisyon sa kaso ni Sen. Villanueva
- Pagkuwestiyon ng kampo ni FPRRD sa jurisdiction ng ICC sa kasong crimes against humanity, ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber 1
- Vice Ganda, Esnyr, at ilang dating ka-Babol, mapapanood sa 2nd part ng 30th anniversary special episode ng "Bubble Gang"
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00Good morning, good morning.
00:28I-fully book na nga yung ilang biyahe ng mga air-conditioned buses na patungo sa Bicol Region sa isang bus terminal dito sa Cubao sa Quezon City.
00:36Marami na ang nagpareserba ng ticket na pauwi sa Daet, Camarines Norte, kaya fully book na ang mga biyahe ng air-conditioned buses mula October 29 hanggang 31.
00:45Pilina lang din ang mga oras na hindi fully book sa October 27 at 28.
00:49Hindi pa naman fully book ang mga biyahe na patungo sa Camarines Sur at Albay.
00:52Sabi ng pamunuan ng bus terminal, inaasahan nila na magsisimula sa lunes ang dagsa ng mga paserong pauwi sa mga probinsya para sa undas.
01:00Sa mga chance passenger, may ordinary buses namang masasakyan.
01:03Pero tsagaan sa pila dahil first come first serve basis ang sistema.
01:07May mga extra buses din na babiyahe dahil nakakuha ng special permit sa LTFRB ang bus company.
01:12Ngayon palang may ilang pasero ng pauwi sa kanilang mga probinsya para makaiwas daw sa siksikan.
01:16Gaya ni Kathleen, nabiyahing Camarines Sur kasama ang kanyang dalawang anak, pinsan at bayaw.
01:21Susulitin na raw nila ang bakasyon.
01:25Kasi po minsan pag bumiabiyahe kami, nakatayo.
01:29Kasi puno po.
01:33Nakakuha na kayo ng ticket?
01:35Hindi pa po. Mamaya pa daw pong mga 8 pagbukas.
01:38Asahan na po nila na medyo matatagalan sila.
01:43Kasi kung hindi sila nag-advance na kumuha ng ticket, maghihintay po ng mga bus na parating.
01:50Kasi ang nangyayari, yung mga galing probinsya,
01:54nagkakaroon din ng traffic sa mga paluwas, yung mga dinadaanan.
01:59Kasi yung mga marami ding private na uuwi,
02:03hindi agad-agad makakarating dito yung mga bus namin.
02:08Samantala, Ivan, inabi son itong pamunuan ng bus terminal,
02:13yung mga pasahero na hindi pa nakakuha na kanilang ticket,
02:16particularly yung patungo sa Bicol Region,
02:19na i-check na yung schedule na may available pa na mga biyahe
02:22para makaiwas din naman sa bala sa kanila sa susunod na linggo.
02:25Yan ang unang balita. Mala rito sa Quezon City.
02:27Ako po si James Agustin para sa Gem Integrated News.
02:30Kumusta yun naman natin ang sitwasyon at mga paghahanda sa Manila North Cemetery
02:34ilang araw bago ang Undas 2025?
02:36May unang balita live, si Bea Pinla.
02:39Bea!
02:43Ivan, sa kabila ng ulan, kaninang umaga,
02:46maagang nagtungo rito sa Manila North Cemetery
02:48ang ilang kapuso natin para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay
02:52isang linggo bago ang Undas.
02:54Galing pang bulakan ang pamilya ni Arlene.
03:00Kahit maulan, madaling araw pa lang,
03:03bumiyahin na sila papuntang Manila North Cemetery
03:05para linisin at bisitahin ang puntod ng kanyang kapatid.
03:08Death anniversary nung kapatid ko tapos na paaga na rin kami gawa ng
03:13ayaw namin sumubay sa mga maraming tao
03:16then babalik na lang kami ng November 2.
03:18Tagi kami mas maaga.
03:20Kada taon, iniiwasan daw talaga nila ang dagsa ng mga tao sa sementeryo
03:25lalo na at may mga bata silang kasama.
03:27Sinadya na raw nila ang puntod ng kapatid niya ngayong umaga
03:30dahil hanggang Lunes, October 27 na lang
03:33pwedeng maglinis, magkumpuni at magpintura ng mga puntod sa Manila North Cemetery.
03:39Hanggang linggo, October 26 naman sa Manila South Cemetery.
03:43Huling araw ng mga libing sa parehong sementeryo
03:45sa Martes, October 28.
03:48Simula October 29 hanggang November 2
03:50bukas sa publiko ang Manila North at South Cemeteries
03:53mula 5am hanggang 9pm
03:55pero bawal pumasok ang anumang sasakyan sa loob.
03:58Ilan pa sa mga mahigpit na ipagbabawal sa loob
04:02ang mga baril, patalim, alcoholic beverage, alagang hayop,
04:07malalakas na sound system at flammable materials.
04:11Magagamit din ang digital platforms ng mga sementeryo
04:14na may puntod finder para makatulong sa paghahanap
04:18sa mga libingan ng mahal niyo sa buhay.
04:20May taging system din dito para sa mga bata,
04:23senior citizen at persons with disability.
04:25Maglalatag ang Manila LGU ng free water stations,
04:30portable toilets at wheelchairs sa mga sementeryo sa undas.
04:34Para sa pamilya ni Arlene,
04:36walang pinipiling araw o panahon ng pagunita
04:38sa mga namayapa nilang mahal.
04:40Hindi kami sumasablay dito every year talaga.
04:43Kasi yan lang talaga yung may alay namin sa mga namayapa namin.
04:47Lola, kuya, anak, kapatid, tsuhin.
04:51Kaya talagang yearly, nandito kami.
04:54Ivan, paalala ng Manila LGU,
05:01itapon ng maayos ang inyong basura ngayong undas 2025.
05:05Yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
05:08Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
05:10Umabot na sa maygit limang bilyong piso
05:14ang halaga ng mga ari-arian at pera
05:15na pina-freeze ng Court of Appeals
05:18sa gitna ng imbisikasyon sa maanumali-umanong flood control projects.
05:22Ayon kay Anti-Money Laundering Council Executive Director
05:24Atty. Matthew David,
05:26kabilang sa mga na-freeze sa mga ari-arian
05:28ng ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways,
05:32mga kontraktor at kanilang mga kasabwat.
05:35Sabi naman,
05:36Independent Commission for Infrastructure,
05:38Chairman Andres Reyes Jr.,
05:40maaaring silipin ang palitan ng text messages sa mga sangkot
05:43para matukoy ang daloy ng pera
05:46na nakuha mula sa iligal na transaksyon.
05:52Isang secret decision.
05:54Ganyan tinawag ni Ombudsman Jesus Crispin Remuliam
05:56pagdismiss ng dating Ombudsman sa kaso noon
05:59ni Sen. Joel Villanueva
06:01kaugnay sa pork barrel scam.
06:04Git naman ni dating Ombudsman Samuel Martires,
06:07hindi kayo naman itinago ang desisyon.
06:09May unang balita si Salima Refran.
06:12Balak sana ni Ombudsman Jesus Crispin Remuliam na hingin sa Senado
06:19na ipatupad ang 2016 decision ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales
06:24laban kay Sen. Joel Villanueva na dismissal from public service.
06:29Dahil ito sa administrative case ni Villanueva,
06:33punsod ng pagkakaugnay niya sa pork barrel scam
06:36noong si back-partyless representative pa siya.
06:39Ang aligasyon, napunta umano ang 10 milyong pisong
06:42Priority Development Assistance Fund
06:44o PDAF ni Villanueva
06:46sa peking NGO ni Janet Lim Napolets.
06:51Hindi pinatupad noon ng Senado ang dismissal order
06:54dahil tanging Senado lang daw
06:56at mga kapwa Senador
06:57ang makakapagpaalis
06:59sa nakaupong Senador sa pwesto
07:01sa pamamagitan ng investigasyon
07:03at ng ethics complaint.
07:05Si Villanueva,
07:06naglabas agad ng kanyang mga resibo.
07:09Kabilang dyan,
07:10ang July 2019 decision
07:12ni Nooy Ombudsman Samuel Martires
07:14na dinismiss ang kaso
07:16laban sa kanya
07:17dahil sa kawala ng probable cause.
07:20Sinama rin ni Villanueva
07:21ang clearance mula sa ombudsman
07:23na nagsasabing
07:24umala siyang nakabimbing kasong kriminal
07:26o administratibo.
07:28Pati certification mula sa Sandigan Bayan
07:31na hindi siya akusado
07:32o defendant sa anumang kaso roon.
07:36May official transmittal letter din
07:38si Villanueva mula sa ombudsman
07:39noong 2019
07:40na nagbibigay abiso sa Senado
07:43na ibinasuran na
07:44ang kanyang kaso.
07:46Ang pahayag ni Remulya
07:47tinawag ni Villanueva
07:49na harassment.
07:51Pero giit ni Remulya.
07:53It's not harassment.
07:55It's something that everybody thinks
07:57to be still valid
07:59that can turn out to be
08:01not valid anymore
08:03due to a secret decision.
08:05Dapat kasi hindi naman na-publish yan.
08:08Hindi yan nilabas.
08:09Nobody knew about it.
08:11Kahit na sa Senado mismo
08:12hindi nila alam yan.
08:14Iginagulat daw niyang
08:15may ganito na palang desisyon
08:17si Martires.
08:18I was confronted with a decision
08:20signed by former ombudsman Martires
08:23dated July 2019.
08:28Lumabas lang siya
08:29nung sinabi kong may gagawin
08:30ang ombudsman tungkol dyan.
08:32It's a surprise
08:33secret decision that came out.
08:34Well,
08:36nobody was
08:37raising that issue before.
08:39Joel Villarueva
08:41kept quiet
08:41through all the years.
08:43Almost when Martires
08:44never spoke about it.
08:46Di ba?
08:46Parang secret decision siya.
08:47Alam nyo ba yun?
08:48Did you know about it?
08:50Nobody knows about it.
08:51Sa panayam
08:52ng Super Radio
08:53DZBB,
08:55itinanggi
08:55ni Martires
08:56na isinikreto
08:57ang desisyon.
08:59Abay,
09:00hindi ko alam
09:01kung anong sikreto
09:02sa amin
09:02kasi
09:03kung titignan ni
09:05mayroong kaming
09:05tinatawag na
09:06CCMS,
09:07yung case management system.
09:10Apag yung kaso
09:11ay nare-release,
09:12napupasok siya
09:12sa system eh.
09:14So,
09:15nandun sa system
09:15na na-dismiss ko yun,
09:17wala akong
09:17sekretong ginagawa
09:19sa aking trabaho.
09:22Nakalahat
09:22nakabuyang yang.
09:24Ayon kay Martires,
09:25nag-ha-in si Villanueva
09:27ng motion for reconsideration
09:28laban sa desisyon
09:30ni dating
09:30Ombudsman Morales
09:32pag-upo niya
09:33bilang Ombudsman
09:34noong 2018.
09:35Ang argumento rao
09:36ni Villanueva
09:37forged
09:38o pineki-umano
09:40ang kanyang mga pirma
09:41sa mga dokumento
09:42at nagpadala pa
09:43ng NBI findings
09:44kaugnay nito.
09:46Inilagay lang daw
09:47ang pangalang
09:48Villanueva
09:49sa request
09:49ng buhay party list.
09:51Kayong
09:51hindi naman siya
09:52miyembro
09:53ng party list na ito.
09:55There is no evidence
09:56on record
09:57na yung pera
09:59natanggap
09:59ng buhay party list
10:01ay napunta
10:01kay Sen.
10:02Joel Villanueva
10:03ay dismissed
10:05both cases
10:06criminal
10:06and administrative
10:07cases.
10:09So doon sa kaso
10:10doon sa administratibo
10:12na sinasabing
10:13dismissed
10:13from the service
10:14nireverse ko yun
10:16at dinispice ko
10:17yung
10:18administrative case.
10:20Si Remulia
10:21pag-aaralan rao
10:22ang desisyon na ito
10:23ni Martires
10:24hindi na siya
10:24susulat
10:25sa Senado.
10:27Nagbago na yung
10:27premise
10:28yung started.
10:29I think that
10:30it's something
10:31that
10:31raising more
10:34questions than answers.
10:35Ito ang unang
10:36balita
10:36sa ni Mara Fran
10:37para sa
10:38GMA Integrated News.
10:39Binasura na
10:41International Criminal Court
10:43Pre-Trial Chamber 1
10:44ang pagkwestiyon
10:45ng kampo
10:45ni dating Pangulong
10:46Rodrigo Duterte
10:47sa jurisdiksyon
10:48ng Korte
10:49sa kaso niyang
10:50Crimes Against Humanity.
10:52Kinwestunoon
10:53ang kampo
10:53ng dating Pangulo
10:54at jurisdiksyon
10:55ng ICC
10:55dahil
10:56kumalas na
10:57ang Pilipinas
10:58sa Romes statute
10:58noong March 17,
11:002019.
11:01Pinuton
11:01ng Pre-Trial Chamber
11:03Judges
11:03November 2011
11:05ang sumali
11:05ang Pilipinas
11:06sa ICC.
11:07February 2018
11:08naman
11:09na magsimulang
11:10mag-impisiga
11:10ang ICC
11:11prosecutor
11:12sa extrajudicial
11:13killing
11:14sa Pilipinas.
11:15Kaya lahat daw
11:16ng pagpatay
11:17na ibinipinang
11:17kay Duterte
11:18mula November
11:192011
11:20hanggang
11:20March 16,
11:212019
11:22ay sakop pa rin
11:23ang jurisdiction
11:24ng ICC
11:25dahil
11:25state party pa
11:27ang Pilipinas
11:28sa Romes statute
11:29noong panahong iyan.
11:29This Sunday
11:37na mapapanood
11:38si Unsobogable
11:39star Vice
11:40Ganda
11:40sa second part
11:41ng 30th anniversary
11:42special episode
11:43ng longest kapuso gag show
11:45na Bubble Gap.
11:46This week,
11:47a hot blue bomb show
11:49enters the villa.
11:50Ay,
11:51ang taray!
11:52Yan,
11:53sa upcoming skit
11:55ni Meme Vice
11:55with Charlie Solomon
11:56and kapuso comedy genius
11:57Michael V
11:58as the iconic
11:59Mr. Asimo.
12:00Kaabang-abang
12:01ang tarayan ni
12:02na Vice
12:02at Mr. Asimo.
12:05Speaking of Charisse,
12:06makasama niya rin
12:07sa skit
12:07si XPBB
12:08Housemate
12:09S. Nier.
12:10Maghaharap na rin
12:11si Paolo Contis
12:12as Emil Maangil
12:13at 24 anchor
12:15Emil Sumangil.
12:17Makikisa rin
12:17sa episode
12:18ang ilang dating
12:19Kababol.
12:20Abangan niyan
12:20sa linggo
12:216, 10pm
12:22dito sa GMA.
12:24Gusto mo bang
12:25mauna
12:26sa mga balita.
12:27Mag-subscribe na
12:28sa GMA Integrated News
12:29sa YouTube
12:29at tumutok
12:31sa unang balita.
Be the first to comment