- 10 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 27, 2025
-Sen. Lacson, may ihaharap daw na importanteng testigo sa issue ng flood control projects sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee
- Ilang grupo ng mga negosyante at manggagawa, hinamon si PBBM na magkaroon ng kongkreto at matapang na aksiyon kontra-katiwalian
-Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, posibleng tumaas bukas, ayon sa mga nagtitinda
-Mga pantalan sa Sorsogon, nakahanda na sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa Undas
-Sitwasyon sa Manila North Cemetery habang papalapit ang Undas
-7,000 naitalang bumisita at naglinis sa mga puntod sa Manila South Cemetery kahapon
-Paghahanda sa mga sementeryo sa ilang probinsiya, puspusan na
-Ilang uuwi para sa Undas, bumiyahe na ngayong araw para makaiwas sa siksikan
-Glow in the dark halloween decorations, tampok sa "LUNETAkutan 2025"sa Rizal Park
- Carlos Yulo, panalo ng gold at bronze medal sa 53rd FIG Artistic Gymnastics World Championships
-Mga pasyalang hinubog ng kalikasan, dinarayo ng mga turista sa Kazakhstan
-Nasa 1,000 kilo ng alimango, pinagsaluhan ng mga residente at bisita sa pagdiriwang ng Crab Festival
-Ayuda sa mga miyembro ng 4Ps, isinusulong na taasan
-"Green Bones," "Balota," "Pulang Araw" at "Hello, Love, Again," kinilala sa 27th Gawad Pasado Awards
-Iba't ibang klase ng ice cream at gelato, tampok sa 1st Int'l Ice Cream & Gelato Expo 2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
-Sen. Lacson, may ihaharap daw na importanteng testigo sa issue ng flood control projects sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee
- Ilang grupo ng mga negosyante at manggagawa, hinamon si PBBM na magkaroon ng kongkreto at matapang na aksiyon kontra-katiwalian
-Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, posibleng tumaas bukas, ayon sa mga nagtitinda
-Mga pantalan sa Sorsogon, nakahanda na sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa Undas
-Sitwasyon sa Manila North Cemetery habang papalapit ang Undas
-7,000 naitalang bumisita at naglinis sa mga puntod sa Manila South Cemetery kahapon
-Paghahanda sa mga sementeryo sa ilang probinsiya, puspusan na
-Ilang uuwi para sa Undas, bumiyahe na ngayong araw para makaiwas sa siksikan
-Glow in the dark halloween decorations, tampok sa "LUNETAkutan 2025"sa Rizal Park
- Carlos Yulo, panalo ng gold at bronze medal sa 53rd FIG Artistic Gymnastics World Championships
-Mga pasyalang hinubog ng kalikasan, dinarayo ng mga turista sa Kazakhstan
-Nasa 1,000 kilo ng alimango, pinagsaluhan ng mga residente at bisita sa pagdiriwang ng Crab Festival
-Ayuda sa mga miyembro ng 4Ps, isinusulong na taasan
-"Green Bones," "Balota," "Pulang Araw" at "Hello, Love, Again," kinilala sa 27th Gawad Pasado Awards
-Iba't ibang klase ng ice cream at gelato, tampok sa 1st Int'l Ice Cream & Gelato Expo 2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
šŗ
TVTranscript
03:00Matumal pa raw ang benta ngayon ng bulaklak.
03:32Sa ngayon, ang chrysanthemum nasa P550, P180 naman sa 10 stems ng Gerbera at P360 para sa 20 stems ng Carnation.
03:49Ang roses per stem nasa P150 at P2,500 hanggang P2,800 naman para sa 25 stems.
04:00Nabibili ang dalawang dosena ng orchid sa halagang P750 at P400 naman para sa Anthurium.
04:07Mabenta rin daw tuwing undas yung mga naka-arrange ng basket ng bulaklak.
04:11Depende sa laki at disenyo, mabibili ito ng P300 to P700 pesos sa ngayon.
04:17Possible raw na simula bukas hanggang sa mismong undas, umabot ito ng P500 hanggang P1,500 pesos.
04:25Ayon sa ilang nagtitinda ng bulaklak, pwede naman nang bumili na ngayong araw para iwas sakit sa bulsa.
04:31Pwede naman na silang mamili ngayon para hindi na sila masabay sa kung tataas man nung may posibilidad man na tumas yung bulaklak.
04:38Pwede naman kasi one week na may inaabot ng mga bulaklak.
04:41Ang secret lang daw para umabot ito sa undas, pumili ng masariwang bulaklak o bagong gawang arrangement at ibaba dito sa tubig.
04:54Igans na ngayon, mang ilan-ilan pa lang yung mga nakikita nating bumibili rito sa Dangwa Flower Market para yan sa undas.
05:01Pero bukas daw hanggang October 31 na talagang inaasahan yung dagsa ng mga mamimili dito.
05:06Yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
05:09Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
05:12Nakahanda na ang mga otoridad sa Sorsogon sa inaasahan pagdagsa ng mga pasahero para sa undas.
05:17Ayon sa Sorsogon Provincial Office, naka-alerto sila sa mga pantalan sa Matnog at Pilar
05:22na kipag-ugnayan na rin sa ilang ahensya ng gobyerno sakaling kailanganin ng dagdag na puwerso sa mga pantalan.
05:28Sa Matnog Port, kakaunti pa ang mga pasahero sa ngayon.
05:32Sa Manila North Port naman, maluwag pa rin ang sitwasyon.
05:35Normal pa ang bilang ng mga pasaherong pauwi sa mga probinsya.
05:38Mga kapuso, nagbabalik po tayo dito sa Manila North Cemetery kung saan ngayong araw po,
05:47October 27, araw ng lunes, ang last day para maglinis, para magpintura, para ihanda
05:53ang mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay para sa undas.
05:58At nandito nga po tayo ngayon sa looban kung saan marami na po na marami tayong nadaanan na mga naglilinis.
06:03Marami po sa kanila yung mga kinokontrata para maging caretaker na mga puntod dito sa Manila North Cemetery.
06:11Kasama po natin sa kanila.
06:13Ang isa sa kanila ngayong umaga, Mang Norman.
06:16Good morning po. Samahan niyo po ko sandali dito.
06:18Kasama po natin dito si Mang Norman, isa po siya sa mga caretaker na mga puntod dito.
06:23Ilan ho ba yung inaalagaan yung mga puntod dito?
06:26Mga nasa 30 pirasyon na lang po.
06:28Nasa 30 po ho.
06:29Busy-busy ho kayo ngayon. Marami na.
06:31Patapos na ho ba? Ready na ba yung mga inaalagaan yung puntod para sa undas?
06:35Maraming pa rin pong pinipinuraan dahil iba hindi pa rin pong mga dumarating.
06:38Ah, okay. Pero kayo po yan, nagwawalis-walis kayo.
06:41Napansin ko po, dahil maulan siguro, may mga lumot-lumot pa.
06:44May hirap ang tanggalin.
06:46Kaya yung mga daong po ang hirap din walisin.
06:49Kailangan matinding linisan.
06:52Maganda naman ho ba yung kita natin ngayon?
06:55Wala pa rin po.
06:57Hindi pa dumarating yung iba mga kliyente ninyo.
07:00Yung mga kliyente po.
07:01Yung mga iba naman nagdating yun, mga nagbayo daw po na iba.
07:04Ah, ah, ah.
07:05Kahit paano may pinanggasa po kami.
07:07Ah, ah.
07:08Si Mang Norman daw ho, eh, nagpapasada ng tricycle for the rest of the year.
07:12Pero itong mga panahon na to, syempre, yung mga kliyente niya, mga puntod, ang kanya inaalagaan.
07:17Ingat po kayo. Maraming salamat po sa inyo, Mang Norman.
07:19At ilan nga po sa mga kapuso natin, ah, ngayong araw na ito, piniling pumunta dito sa Manila North Cemetery para ihanda ang puntod ng kanila mga mahal sa buhay.
07:29Isa po sa mga inabutan natin dito, ngayong umaga, si Nanay Marietta.
07:34Si Nanay, nako, Nanay.
07:36Maabala ko po kayo sandali. Excuse me po, ah.
07:38Good morning. Good morning po sa inyo.
07:40Si Nanay Marietta, isa po sa mga early board, dika nga, dumating siya dito kanina, pasado alas 6 lang ng umaga.
07:47Ano pong ginagawa natin dito? Sino po ba nakahimlay dito?
07:50Anan dito po yung aking father, at saka mother po, mga sister, at saka po yung mga kamag-anak, mga apo.
07:56Dito po sila naka, naka, ano sa aming bibingan.
08:00Taon-taon ho, kayo talaga naglili dito?
08:01Ay, hindi naman po, meron pong, ano po, palit-palit po kami.
08:05Ngayon pong may pagbakante ako, nakapaglinis po ako.
08:09Kayon-to ka ngayon, ha? Ngayon taon.
08:10Opo, opo.
08:11Nay, bakit po mahalaga para sa inyo na ihanda po yung puntod ng inyong mga magulang?
08:18Diyan lang po na sa pamagitan po ng paglilinis, dyan po natin napapadamang ang ating pong pagmamaal sa kanila,
08:25at binabalik po natin ang kanilang pangangalaga para po sa atin, mula po pagkabata hangga po sa paganda.
08:31Narating din po ang panahon na tayo po, o din ang, ganyan din po ang gagawin sa atin, ang ating mga kamag-anak.
08:36Opo, napakaganda naman ang pagkakasabi ni Nanay Maria.
08:39Opo, mara.
08:40Dahil po nakahimlay na, pakitaan pa rin ang respeto.
08:42Opo, niri-respeto po natin ang ating mga magulang, ang ating mga kapatid, mga kamag-anak.
08:47So, paano po sa Sabado? Magkikita-kita ba kayo dito ng mga kapatid ninyo? Parang may reunion ba dito? Ganun ba?
08:52Sa ngayon po, wala po tayong mga pagkikita, mga magaganap dahil po iba-iba po ang ating mga kategoriyong mga ginagawa sa ating mga buhay.
09:00Kaya po ang ating mga pamilya, kanya-kanya pong punta kung sino po ang bakante.
09:05Ayan. Sige, hindi ko na po kayo aabalahin. Maraming salamat po sa inyo.
09:07Ayaw po, marami pong salamat.
09:09Si Nanay Marietta po, na isa sa mga kapuso natin na nagahanda ng puntod ng kanyang mahal sa buhay dito sa Manila North Cemetery.
09:18Balita naman sa Manila South Cemetery.
09:21Umabot na po sa 7,000 ang naitalang nagtungo roon kahapon.
09:26Kabilang po sila sa mga humabol sa huling araw ng paglilinis at pagpipintura sa mga puntod.
09:31May mga maagaring dumalaw para makaiwas sa dagsa na mga tao sa ondas.
09:35Mas, paalala po mga kapuso, bawal pa rin yung karaniwan.
09:39Yan, sigarilyo, alak, pagsusugal, malakas na pagpapatugtog, bawal din ang baril, matatalim na bagay at mga ipinagbabawal na gamot sa loob po ng sementeryo.
09:52Puspusan din ang paghahanda sa mga sementeryo sa ilang probinsya para sa undas.
09:57Sa Eternal Shrine Memorial Park sa Balanga, Bataan,
10:01May mga dumalaw at isinabay ang paglilinis ng puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay.
10:06Patok din ang negosyo ng ilana pagpipinta ng lapida sa halagang 200 piso kada puntod.
10:12Sa lawang Ilocos Norte naman, kanya-kanya na rin linis sa mga kaanak ng mga yumao.
10:17May ilang kasimpuntod na natambakan na ng lupa at masura.
10:20Sa Rizal, nagsagawa ng inspeksyon ng pulisya sa ilang sementeryo para mapanatili ang siguridad,
10:28magde-deploy ng mga pulis at force multiplier sa mga sementeryo, terminal at pangunahing kalsada.
10:34Ayon sa mga otoridad, mahigit 80 sementeryo sa Rizal.
10:38Patuloy ang paalala sa mga dadalaw na bawal ang pagdadala ng mga armas, alak at gamit sa pagsusugal.
10:45Patuloy ang pagdating ng mga pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX
10:54at nagbabalik live si Bam Alegre.
10:57Bam!
11:01Hey again, good morning.
11:03Nagsimula na ang wellness break sa mga paaralan
11:05at malapit na rin ang araw ng mga patay at patuloy ang pagdating ng mga pasahero dito sa PITX.
11:1024 oras ang biyahe sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
11:18Dahilan, kaya wala rin maahabang pila, lalo at tuloy-tuloy ang dating ng mga bus.
11:23Dumarami na rin ang mga pasahero habang papalapit ang rush hour.
11:27Bukod sa mga karaniwang biyahe sa Cavite at Batangas,
11:30meron din mga biyahe papuntang Visayas tulad sa Samar
11:33at sa Mindanao papuntang Davao Peninsula.
11:35Ang mga bumiyahe ngayon, pinili ang mas maagang travel experience
11:40kaya maagang nagpunta sa PITX.
11:42Pakinggan natin ang pahayag ng mga nakausap natin, pasahero.
11:48Eh, para maaga kung dumating.
11:53Talagang ano, madaling araw po.
11:55Paano pag...
11:55Malamig.
11:57Pag medyo tinanghali kayo ng biyahe, ano pong naranasan?
12:00Mainit na.
12:01Eh, kasi po, ano po kasi ngayon eh, wala pang masyadong tao, hindi siksikan.
12:06At the same time, hindi masyadong crowded kasi pag maraming mandurukot at saka masasamang loob ngayon eh.
12:14Kaya mas better kung ngayong oras tayo babiyahe.
12:17Igan, pagdating naman sa seguridad, nakaantabay rin ng Police Assistance Desk ng PraƱaque City Police Station dito sa ating tabi.
12:29At wala pang biyahe ang fully booked sa mga oras na ito.
12:33Itong unang balita mula rito sa PITX.
12:35Bamalagre para sa GMA Integrated News.
12:38Ilang araw bago ang Halloween patok ang isang pasyalan sa lungsod ng Maynila.
12:43Yan po ang Luneta Kutan 2025.
12:51Yan po ay isang Halloween glow experience sa Rizal Park.
12:55Tampok dyan ang iba't ibang dekorasyon gaya ng mga skeleton, mga skull, glow-in-the-dark caskets at spiderwebs.
13:02Present din ang horror film character na si Balak na Todopos kasama ang mga turista.
13:13Paribagong gold medal para kay Golden Boy, Carlos Yulo.
13:21Nagkampiyon si Yulo sa Men's Ball Finals ng 53rd Artistic Gymnastic World Championships sa Jakarta, Indonesia.
13:29Nakakuha siya ng total score ng 14.866.
13:34Bukod sa gold medal, nakakuha rin si Yulo ng bronze medal sa Men's Floor Exercise.
13:38Sa kanyang social media, nagpasalam si Yulo sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya.
13:49Travel destination ba ang hanap nyo na visa-free at nasa Asia lang?
13:53May ilalaban sa breathtaking views ang Kazakhstan.
13:57Nakisakay tayo sa trip to Kazakhstan ni Bam Alegre.
14:08Snowcap Mountains na malapit-lapit lang sa Pilipinas.
14:23Meron yan sa Kazakhstan sa Central Asia.
14:27Visa-free ang kanilang bansa para sa mga Pilipino.
14:30Binisikleta natin ang Bulubundukin ng Lungsod ng Almaty sa Kazakhstan na hitik-nahitik sa mga tanawin na pang-postcar.
14:45We're sure we're here.
14:46Ito na, matapos ang pagbibisikleta ng ilang minuto, narito na tayo sa Big Almaty Lake.
14:51Ito nga, ang pinagkukunan ng water supply ng Almaty.
14:55Kaya bawal dito mag-swimming at bawal din uminom doon, kundi pagmumultahin ka.
15:02Largest landlocked country sa buong mundo ang Kazakhstan.
15:06Wala silang dagat kaya bantay sarado ng pamahalaan nila ang Big Almaty Lake bilang water source.
15:16May tanawin din ang Almaty na Malagrand Canyon.
15:19Ito naman ang Charin Canyon, mga naglalakihang mga rock formation na inukit ng panahon.
15:28Sa mga lupaing ito na malagi ang mga sinaunang kasak na namuhay bilang mga nomad o yung mga walang permanenteng tirahan.
15:35Kaya palipat-lipat sila ng lugar.
15:37Itong nasa ating likuran, ito yung ilog na humulma sa lugar na ito, sa loob ng 12 million years.
15:43Ang mga hiking trail ng Charin Canyon patok sa mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo.
15:50Amazing. Full of nature everywhere. Really amazing.
15:56Very, very beautiful. The view, the canyon and the lake are amazing.
16:06Bakas pa rin sa Kazakhstan ang impluensya ng Russia.
16:09Halimbawa, ang Soviet bus na ito na aking sinakyan.
16:11Bahagi sila noon ng USSR o Union of Soviet Socialist Republics.
16:16At 1991 lang nagkaroon ng kasarinlan.
16:20Ito ang POV sa loob ng isang Soviet bus.
16:23Ito ipapunta ng Candy Lake.
16:26Very rough road and takes a few minutes.
16:31Pero ganito talaga lumap-lupak.
16:33Sa kayo ng Soviet bus, narating natin ng isa pang tanyag na lokasyon sa Kazakhstan.
16:44Ang Kayindi Lake.
16:46Dati itong malawak na kagubatan na nalubog sa tubig dahil na rin sa kalikasan.
16:50Ito ang Kayindi Lake at ito ay nilighak ng isang lindol noong 1911.
16:56Ang makikita ninyo sa ating ukuran ay yung tinatawag nila ng mga sunken forest.
17:00Ito ang mga dead spruce trees na hanggang ngayon ay narito pa rin.
17:04Autumn na sa Kazakhstan at anumang oras magsisimula na ang winter.
17:11Kaya binibisita rin ang Kolsay Lake bago ito tuluyang magyelo.
17:15Nagiging paboritong destination na rin ang Kazakhstan ng ilang OFW mula Middle East.
17:20Tulad ng nakilala natin sa Kolsay Lake.
17:23Dito namin gusto i-celebrate yung third year anniversary namin for work.
17:27Because obvious naman napakaganda na Kazakhstan.
17:30And yung nature niya is Kazakhstan po.
17:32Kasi sobrang ganda po ng lugar na ito.
17:34And talagang nakakarelaxing po yung feeling na nakarating po kami.
17:38Tubig mula sa glacier ang nagpapatakbo ng lawan na ito.
17:42Isa sa mga dahilan kung bakit tinatawag itong blue necklace ng Kazakhstan.
17:46Isa sa mga magagandang bansa rito sa Central Asia.
17:50Ito ang unang balita mula sa Almaty, Kazakhstan, Bama Legre.
17:54Para sa GMA Integrated News.
17:56Sa limong kilo ng alimano,
17:58ang pinagsaluan ng mga residente sa Crab Festival sa Bugay, Cagayan.
18:04Ibang-ibang luto ng alimano ang inihanda
18:06at meron ding macbuchon o lechong baboy na may palaman na alimano.
18:12Bukod dyan, nagsagawa rin sila ng street dance competition at fluvial parade.
18:18Binuksan din ang isang multi-purpose building para sa mga manging isda roon.
18:25Ang lahat ng iyan ay bahagi ng pagdiriwang para lalong mapalawig ang industriya
18:29ng pag-aalaga ng alimango sa Bugay.
18:33Isinusulong sa Kamara na itaas ang benepisyo para sa mga miyembro
18:40ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o For Peace.
18:43Ang House Minority Leader Marcelino Libanan,
18:46kailangan gawing realistic ang ayuda sa For Peace.
18:49Hindi na rin kasi ito sa sapat para tustusan
18:51ang kanilang gastusin sa edukasyon at kalusugan dahil sa inflation.
18:55Sa ilalim ng House Bill No. 120,
18:58isinusulong na gawing P500 pesos per month
19:00sa loob ng sampung buwan ng ayuda
19:02sa mga naka-enroll sa daycare at elementary school.
19:06P900 pesos naman para sa junior at senior high school students.
19:09P1,800 pesos naman ang panukalang ibigay sa mga miyembro
19:13sa loob ng isang taon sa ilalim ng health grant.
19:16P600 pesos naman ang inilaan sa bagong food and nutrition grant.
19:21Dati nang may panawagan na alisin ng programa
19:23pero nanindigan ang Department of Social Welfare and Development
19:27at ilang mamabatas na kailangan ito
19:30bilang tugon sa mga kapuspalad nating kababayan.
19:45Kinilala ang Ilang Kapuso Films at TV Series
19:48sa 27th Gawad Pasado Awards.
19:51Kabilang sa mga binigyan ng recognition
19:53ang Green Bones at Pulang Araw.
19:55May unang chika si Athena Imperyan.
20:00Muling nangibabaw ang husay na mga bumubuo
20:03ng multi-awarded GMA Pictures film na Green Bones
20:06sa 27th Gawad Pasado Awards
20:09na ginanap sa Manila Titana Colleges sa Pasay City.
20:13Pinarangalan ng pinakapasadong istorya,
20:15disenyong pamproduksyon,
20:16at pinakapasadong pelikula sa paggamit ng wika
20:20ang Green Bones.
20:22Hindi po alam lang lahat na ang inspirasyon ng Green Bones
20:25ay isang guru rin.
20:27Sa Green Bones,
20:28hindi lang po wikang Filipino yung ginamit namin
20:31kung hindi ang sign language.
20:33So we'd like to share this award with the deaf community
20:36at sa Filipino sign language coaches
20:39na nakasama namin on the set.
20:41Si Dennis Trillo ang pinakapasadong aktor,
20:45pinakapasadong katuwang na aktor naman si Ruru Madrid,
20:48at pinakapasadong batang aktre sa pelikula si Shanna Stevens.
20:53Si Direk Zigdulay ang pinakapasadong direktor,
20:57at pinakapasadong mga pelikula ng taon
21:00ang Green Bones at Balota.
21:03Gusto namin i-share yung karanganang ito
21:07sa ating national artist, si Rikki Ning.
21:11Siya ang nagsisilbing teacher namin every time.
21:14Sabi niya,
21:15bago ka maging mahusay na filmmaker,
21:18dapat maging mabuting tao ka muna.
21:20Inaalay din po namin to sa aming mga boss sa GMA.
21:24Salamat po.
21:24We would like to dedicate this award
21:27to all the PDLs
21:29who hope for their future
21:31and to everyone who is still fighting
21:33for human rights and social justice.
21:36Nanalo rin ang pelikulang Balota
21:38bilang pinakapasadong dulang pampelikula.
21:42At si Marian Rivera,
21:43na gumanap bilang gurong si Emmy na election inspector,
21:47ay nanalo ng dangal ng pasado
21:48para sa natatanging pagganap.
21:51Ang collab film ng GMA Pictures at Star Cinema
21:54na Hello Love Again
21:55ang nanalo ng pinakapasadong musika.
21:58Pulang araw ang pinakapasadong teleserye
22:01at si Barbie Forteza
22:02ang pinakapasadong aktres sa telebisyon
22:05para sa pagganap niya
22:06bilang Adelina de la Cruz.
22:09Ito ang unang balita.
22:10Athena Imperial
22:11para sa GMA Integrated News.
22:15Lumahok ang mga ice cream lover at entrepreneur
22:17sa First International Ice Cream and Gelato Expo 2025
22:21sa Pasay.
22:22Layonin ng expo na makatulong
22:24sa small and medium scale ice cream and gelato businesses.
22:26Yan ang unang balita ni Athena Imperial.
22:36Pamawi sa init ng panahon,
22:39pwedeng merienda.
22:41Madalas, dessert.
22:42Hindi may kakailang patok sa mga Pinoy
22:45ang sorbetes o ice cream.
22:47Kaya naman ang kauna-unahang
22:49International Ice Cream and Gelato Expo
22:51na ginanap sa World Trade Center
22:54dinayon ng mga may sweet tooth.
22:57May gelato from Japan,
22:59Italy,
23:00at syempre,
23:01merong Pinoy flavors.
23:03Present din sa expo
23:04ang Filipino chef
23:05na gumawa ng Dubai Chocolate Kunafa.
23:08May ice cream flavor na rin nito.
23:11Challenging yung ano,
23:12pag-capture ng flavors
23:13so it's authentic.
23:15So that one took a lot of innovation.
23:18Pihadong,
23:18nagka-sugar rush ang mga tumikim
23:20at bumili ng frozen treats.
23:23I really encourage you to
23:24start at home maybe first.
23:27You can buy a simple cuisine art,
23:29ice cream maker,
23:30gelato maker,
23:31and all the resources
23:33are available for you
23:34to learn online.
23:37Ang expo,
23:38layong mapalago ang negosyo
23:39ng mga small and medium scale
23:41ice cream and gelato businesses.
23:44It gave me the inspiration
23:45to open this expo
23:47so that to help small players
23:50get to meet other manufacturers,
23:53get to meet suppliers,
23:55and then to share expertise
23:57with each other,
23:59to look at the global trends
24:00in the market,
24:01and as well as to meet buyers
24:03so that it'll help you
24:05grow your business.
24:06Nagpakitang gilas din
24:07ng distinct ice cream flavors
24:09ang ice cream lovers
24:10at entrepreneurs na lumahok
24:12sa ice cream competitions.
24:14Ang mga nanalo,
24:15nagbahagi ng kwento
24:16sa likod ng kanilang
24:17ice cream flavor,
24:18texture,
24:19and innovation.
24:20Something that made me
24:21have a creative outlet
24:23while I was having a baby.
24:25I want to share my joy
24:27for fruits
24:28and for the tropics
24:31and the Philippines
24:31in an ice cream form.
24:33Family business talaga namin
24:34mula ba,
24:35tapa kami.
24:36We use classic,
24:36typical cart po,
24:38pero once po na na-taste
24:39na nila yung product namin,
24:40nasasurprise sila dun
24:41sa sorbetes gelato type
24:43na po yung texture
24:44ng ice cream.
24:45Our inspiration is
24:46from Hungary.
24:47So,
24:47the chimney cake
24:48is their street food
24:49and we try to incorporate
24:51yung Filipino taste.
24:52So,
24:53parang pandesal siya,
24:55pandesal version
24:56ng Hungary.
24:57Ito ang unang balita,
24:59Athena Imperial
24:59para sa
25:00GMA Integrated News.
25:03Gusto mo bang
25:04mauna sa mga balita?
25:05Mag-subscribe na
25:06sa GMA Integrated News
25:07sa YouTube
25:08at tumutok
25:09sa unang balita.
Comments