Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 23, 2025
- Baha sa Araneta Ave., umabot hanggang tuhod sa kasagsagan ng ulan kagabi | Mga basura, tumambad paghupa ng baha kaninang madaling araw | Road construction, pinangangambahang maging sanhi rin ng pagbaha
- Iba't ibang bahagi ng Northern Luzon, Hinagupit ng Super Typhoon Nando
- Mga residente sa ilang barangay sa Santa Cruz, inilikas dahil sa masamang panahon
- 63 turista, stranded sa Batanes dahil sa Super Typhoon Nando
- Malalakas na ulan at hangin, nanalasa sa iba't ibang bahagi ng CALABARZON
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
00:30Susanne Bunsud nga ng ulan na hatin ng Bagyong Nando,
00:34ang biglang buhos ng ulan dito sa Quezon City kagabi,
00:37nagdulot ng pagbaha particular dito sa Araneta Avenue.
00:41Ibinahagi ng ilang residente ang kanilang karanasan,
00:44ang ilan daw sa kanila nag-akyat na ng mga gamit para di abutin ng baha.
00:52Malakas ang naranasang ulan sa Quezon City kagabi.
00:55Mabilis na bumaha sa ilang lugar sa lungsod, gaya na lang sa Araneta Avenue.
01:00Halos dalawang oras ang itinagal ng baha ayon sa residenteng senior citizen na si Lola Leonila.
01:06Napuyat daw sila sa pagbabantay kung aabutin muli ng baha ang kanilang bahay.
01:11Nangamba kami, nag-akit na kami ng mga gamit kasi baka pumasok sa patok namin.
01:17Buti ka mo, tumigil ang ulan. May second floor naman kami.
01:23Siyempre, yung gamit namin sa second floor, puno na.
01:27Kaya sabi ko sa mga anak ko, tignan niyo ang tubig kung mataas na.
01:33Puyet talaga yan.
01:34Ayon naman kay Julius, umabot hanggang tuhod ang baha kagabi.
01:38Kaya hinakot niya ang kanyang paninda sa tabing kalsada para hindi abuti ng baha.
01:42Yung tubig, ang laki na eh. Nagkainyakan niya na kami.
01:49Kaya nakakot dyan. Tapos pinasok namin sa loob.
01:52Tapos itong lamesa, dinala namin dun.
01:55Hinangat to ito.
01:57Perwisyo talaga kasi.
01:58Gaya niyan, hindi na nakapag-tindahan ng mayos,
02:02muna't matitigil kayo.
02:03Nakatakot yung pagka manlipto ka.
02:07Pagka hindi naagapan, diretso ka patay.
02:10Panakanakan na lang ang ulan sa Quezon City kaninang madaling araw.
02:14Ang mga basura sa Maria Clara Street, naglitawan.
02:18Abala naman ang street sweeper na si Rosalina sa paglilinis.
02:22Napakaraming basura.
02:24Talagang lumalabas din mo yung saan saan lugar.
02:28Tapos lahat dito ang tambak sa Araneta, lahat ng basura.
02:31Kaya kami mga sweeper, hirap din po kami.
02:34Ilang bahagi ng Araneta Avenue ang may hukay dahil sa ongoing roadworks.
02:39Pangamba ng mga residente, makadadagdag ito sa mas mabilis na pagbaha sa kanilang lugar.
02:50Susan, yung nakikita ninyo ngayon, yan yung halimbawa nung sinasabi natin na
02:54ilang bahagi nitong Araneta Avenue na may ongoing roadworks na pinangangambahan ng mga residente
03:00na baka makadagdag sa mabilis na pagbaha dito sa lugar.
03:03Ayon naman doon sa mga nakausap natin, talagang sanayan na lang daw para sa kanila
03:07yung eksena ng mga pagbaha dito sa kanilang lugar.
03:10Karabihan daw kasi sa kanila ay higit tatlong dekada nang naninirahan dito sa barangay Tatalon.
03:16At whether update lang or situationer dito, Susan,
03:19nasa ilalim lang tayo ngayon ng Skyway pero bumalik ulit yung malakas na ulan
03:23at may kasama pang malakas na hangin sa mga puntong ito.
03:27At yan, ang unang balita mula rito si Quezon City.
03:31EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
03:36Mga puso, nagbabalik po tayo dito sa command center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council
03:42at base sa datos ng ahensya, as of 5 a.m. na yung araw po na ito ay may naitalang isang namatay at pitong nasaktan.
03:51Lahat po ng casualties sa ito ay naging biktima ng pangguho ng lupa dyan sa may tuba, Benguet.
03:59At dahil nga po sa nabanggit natin kanina na napakalawak itong naging saklaw ng rain bands at wind bands ng bagyong nando,
04:07ay may 43,000 families.
04:09Katumbas po yan ng 159,000 na mga kababayan natin ang apektado ng bagyo.
04:16Hanggang ngayong alasin ko nga po na umaga, may 24 na kalye at 8 tulay ang hindi pa rin madaanan sa mga oras na ito.
04:25At ang 32 seaports na apektado ay hindi pa rin operasyonal.
04:30Dahil may mga nakataas pa nga po ang mga typhoon wind signals, ay hindi pa rin po pinapayagan ang paglalayag sa maraming mga regyon.
04:3826 na barangay ang nananatiling lubog sa baha hanggang sa mga oras na ito.
04:44Pero naka-deploy pa rin po ang mga kawarin ng Philippine National Police, ang AFP, ang Philippine Coast Guard at maging ng Bureau of Fire Protection.
04:53Ang land, air at sea assets po ng pamahalaan patuloy na nakantabay para magbigay ng tulong sa mga nangailangan.
05:01Dito po sa ating kinatatayuan, makikita nyo, dito sa live update board ng lokasyon ng Bagyo, ay makikita natin papalayo na nga po ang Bagyong Nando mula sa Philippine Area of Responsibility.
05:15At wala na tayo masyadong nararano mga malalakas sa hangin o ulan, pero ngayon pong pagsikat ng araw ay naasahang tatambad pa ang pinsalang iniwan ng Bagyong Nando.
05:27Naasahan nga po, mamaya ang Situation Briefing dito sa NDRMC.
05:33Mamaya po, makakapanayam natin ang tagapagsalita ng NDRMC na si Ginong Juni Castillo para sa karagdagang update sa naging pinsala ng Super Typhoon Nando.
05:44May po muna ang latest mga NDRMC. Balik muna tayo sa studio.
05:49May mga residenteng inilikas sa Iba, Sambales, Kagabi sa gitna ng masamang panahon.
05:53May una balita live si Marisol Abdraman.
05:57Marisol!
06:01Igan, patuloy pa rin tayo nakakaranas ng pag-ambon dito.
06:04Kaya kung nakikita ninyo, napakadilim pa rin dito kahit pasado alas sa isa ng umaga.
06:09Although malayo ito sa naranasan natin kanina madaling araw.
06:17Ganito kalakas ang hangin at ulan ang naranasan dakong alas 3 sa madaling araw kanina rito sa Iba, Sambales.
06:23Malayo ito sa naranasan nating panahon sa buong araw kahapon.
06:26May mga inilikas kagabi sa Bayan ng Santa Cruz, particular na sa Bayan ng Bulitok.
06:31As of 9.20pm ayon sa kanilang barangay, Captain, nasa 166 ang bilang ng pamilya o katumbas ito, Igan,
06:38ng 328 na tao na inilikas doon sa barangay.
06:42Meron din namang inilikas sa barangay Gama na nasa 22 pamilya.
06:46Ito ang mga barangay na nasa tabing dagat sa Bayan ng Santa Cruz.
06:49Muti na lamang Igan at maagang naghanda ang mga residente,
06:52gayon din ang mga otoridad na nagpatupan ng preemptive evacuation bagamat gamina nang nagkaroon ng paglikas ang mga residente.
07:00Bawal pa rin pumalaot kaya ang mga bangka na naabutan natin kahapon Igan sa ilang mga baybayin sa Bayan ng Santa Cruz
07:06ay pansamantalang ikinubli ng mga manging isda sa ilalim ng puno.
07:10Igan, bagamat hindi nga ganun kalakas ang ulan na naranasan dito sa buong probinsya kahapon
07:17and hopefully sana ngayong araw din ay nananatiling naka-alerto ang PDRRMO
07:22dahil nagkakaroon ng mga history ng lands day dito pagkatapos ng mga malalakas sa pagulan.
07:27Igan.
07:28Maraming salamat at ingat, Marisol Abduraman.
07:31Baygit 6 na pong turista ang stranded sa Batanes dahil sa super typhoon Nando
07:42kasilado ang flights kahapon dahil sa masugit na panahon.
07:45Ang malakas na ulan, sinabayan din ng malakas na hangin.
07:49Malalakirin ng alon sa dagat at tila sumasayo ang mga puno sa mga kalsada.
07:54Halos zero visibility sa ilang lugar.
07:57Ayon sa Provisional Disaster Risk Reduction and Management Office,
07:59Baygit 500 residente ang nilikas sa evacuation centers.
08:04Walang kuryente sa Batanes ngayon at mahina ang signal ng mga telco.
08:13Inulaan at binaha ang ilang probinsya sa Calabarzon kahapon dahil sa hangin habagat
08:17na pinalakas ng super typhoon Nando.
08:20Sa kuha niyo, scooper Aris Balba kagabi, umapaw na ang tubig mula sa Taal Lake
08:24kaya binaha ang isang kalsada sa Tanawan.
08:27Nahirapan naman bumiyahe ang ilang commuters sa Lipa City
08:29dahil sa lakas ng hangin at ulan.
08:32Binaharin ang Star Tollway sa bahagi ng ibaan.
08:36Sa Antipolo Rizal, nahirapan dumaan sa kalsada ang ilang motorcycle rider
08:40dahil sa malalaking tipak ng bato na galing sa mundok.
08:43Ang isang rider sa bayan ng Baras na sira ng motorsiklo dahil sa baha.
08:47Malakas din ang hangin at ulan sa ilang lugar sa Cavite kahapon.
Be the first to comment