Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:00May 18 billion pisong pondo raw ang Kongreso para sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE.
00:14At sa ilalim yan ng 2026 National Budget, ayon kay Batangas First District Representative Leandro Leviste.
00:20Sabi niya, mas sikreto ito at mayigit 7 billion pisong mas mataas kumpara noong 2025.
00:26May unang balita si Mag Gonzalez.
00:30Pinosti Batangas First District Representative Leandro Leviste sa social media ang mahigit 2 milyong pisong halaga ng mga tseke.
00:39Inisyo-an niya ang mga ito sa opisina niya hanggang Oktubre 2025 para aniya sa sahod at MOOE o Maintenance and Other Operating Expenses ng Kongreso.
00:50Sabi ni Leviste, bahagi ito ng aniya ay masikretong 18 billion pesos na MOOE.
00:5518.58 billion pesos yung MOOE fund ng kompleto sa 2026. Mas malaki pa nga sa 2025.
01:02At walang breakdown saan ito napupunta.
01:05Kumininga po ako at kinausap ako na huwag nang magtanong tungkol dito.
01:09Wala pong debate bakit natin itinaas pa ang MOOE fund.
01:13I-divide po natin ito sa 318 congressman.
01:17Baka mga 58 million pesos per congressman ang lumalabas.
01:21Kada taon?
01:22Kada taon po.
01:23Sabi ni Leviste, hindi kailangang resibuhan ng MOOE.
01:27Kaya pwede raw magdesisyon ng kongresista kung paano ito gagastusin.
01:31Kasali po dito yung kuryente, yung tubig, yung bad paper ng house.
01:35Pero sa 2026 budget, initially, mga 10 plus billion siya tapos naging 18 billion.
01:41Itinaas po ng 7.8 billion.
01:43Ibig sabihin, yung itinaas na 7.8 billion, mga 24 million per congressman ba yan?
01:49Yun po, pwede natin sabihin, yung discretionary o yung hindi naman utilities and expenses ng kongreso.
01:57Ayon kay Leviste, makukumpirma niyang may natatanggap na nasa 1 milyong pisong MOOE kada kongresista buwan-buwan.
02:04Bukod pa raw ito sa isa't kalahating milyon pag Oktubre, pagkapasa ng national budget,
02:09at sa 2 milyon pag Disyembre.
02:12Ito naman po ay siguro hindi pa nga sapat para sa mga gastusin ng mga congressman para sa ating mga distrito.
02:17May mga district office commandant din po.
02:19Kaya in fairness po, kailangan talaga ang budget na ito.
02:22Pero ang panawagin ko lang, maging transparent tayo saan ito napupunta.
02:26Kasi kumpara sa budget ng mga ahensya, yung sarili naming budget sa kongreso,
02:30parang ito po ang pinaka-closely guarded secret ng buong budget.
02:34May mga tumawag na raw sa nanay niyang si Sen. Loren Legarda para pigilan si Leviste na magtanong ukol sa pondong ito.
02:42Paglilino naman ni Leviste, hindi lang kongreso ang may MOOE, kundi pati ibang ahensya ng gobyerno.
02:48Pero sabi ni BICAM Committee Member at Palawan 2nd District Representative Jose Alvarez,
02:53walang irregularidad sa mga checking in issue kay Leviste at hindi ito Christmas bonus.
02:58Alinsunod daw ito sa batas, naka-audit at dokumentadong disbursements na natatanggap ng kada miyembro ng Kamara
03:05para bayaran ang mga sweldo nila at para masigurong tumatakbo at nakakapagservisyon ng maayos ang mga district offices nila.
03:13Bumaba rin ani ang budget ng Kamara sa P27.7 billion para sa 2026.
03:19Doon pa lang daw, malino nang hindi tinaasan ng Kamara ang sarili nitong budget.
03:24Wala raw itinatago ang Kamara dahil dumadaan sa matinding pagbusisi ang budget nila tulad ng ibang ahensya ng gobyerno.
03:31Ito rin daw ang pinakabukas na budget sa kasaysayan na nasubaybayan ng publiko.
03:36Dapat daw katotohanan ng basihan kung may aligasyon ng maling paggamit ng pondo at hindi walang basihang spekulasyon.
03:43Nauna nang sinabi ni Leviste na may 2 milyong pisong Christmas bonus ang mga kongresista.
03:48Pero sinalag ito ni House Committee on Public Accounts Chair at Bicol Saro Partylist Representative Terry Ridon.
03:54Parang hindi naman Christmas bonus po yung mga binibigay sa mga kongresista.
03:58Parang lahat po ng mga binibigay po ay para sa mga programa, aktividad at mga gawain.
04:05Noong pong mga kanyang-kanyang mga opisina.
04:08Disbursements po ito, na cheque.
04:10So ibig sabihin meron pong clear paper trail po ito sa mga opisina po ng mga kongresista.
04:15So ibig sabihin, walang itinatago rito, walang magic dito.
04:19At mali yung pong insinuation na binabagot.
04:22And like what I stated, sinagot na ito ng majority at minority.
04:27Dagdag ni Ridon, matagal nang nagbibigay ng ganito ang kongreso.
04:31Wala rin daw natatanggap na bonus ang mga kongresista maliban sa 13th at 14th month pay na nakukuha ng lahat ng kawaninang gobyerno.
04:39Kung may anomalya man daw sa paggamit ng pondo, tsak masisilip ito ng Commission on Audit.
04:44Meron ang annual audit report for Congress.
04:47So ibig sabihin, kung may problema dito po sa mekanismo kung paano ipinapatupad yung pagpupondo at ang paggamit ng pondo,
04:55dapat lumilitaw po yan sa mga audit reports po ng COA.
04:59Ang malinaw, hindi po yung pinepera ng mga kongresista.
05:03Ibig sabihin, hindi yung permitin para sa mga bahay, para sa mga kapritsyo at para sa mga bakasyon.
05:09Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended