Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dilinaw ng Department of Health na hindi kailangan ng guaranteed letter
00:03para makatanggap ng medical assistance to indigent and financially incapacitated patients o MAIFIF.
00:12Tinapag naman yan ang ilang civil groups na bagong pork barrel
00:15na nagagamit umano ng ilang politiko sa patronage system.
00:20May unang balita si Mav Gonzalez.
00:22Nito nagdaang weekend, naging mainit ang talakayan sa Bicameral Conference Committee
00:30para sa panukalang 2026 national budget
00:33ukol sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP.
00:39Mula kasi sa P24.4 billion sa National Expenditure Program ng Pangulo,
00:45naging P51 billion ito sa BICAM.
00:47Ang MAIFIP ay tulong medikal sa mga Pilipinong indigent o financially incapacitated
00:52na hindi kaya magbayad sa ospital.
00:55Pwede itong gamitin sa inpatient at outpatient services,
00:58comprehensive check-up, dialysis, gamot at professional fees ng doktor.
01:03Hawak ng Department of Health ang pondo ng MAIFIP.
01:06Pero sa mga nagdaang taon, lumaganap ang paggamit ng guarantee letters o GL
01:10mula sa mga politiko gaya ng mga senador at kongresista
01:14na nangangakong bibigyan nila ng tulong medikal ang isang pasyente.
01:18Karaniwang susulat o pupunta sa opisina ng politiko
01:21ang nanghihingi ng GL.
01:23Hindi yan pork barrel.
01:26Hindi namin niya alaw magkakaroon.
01:27MAIF pork barrel, medical assistance, diretso.
01:30Magatmaaring alisin namin ni GL-GL.
01:33Pero suma nang magigisistema.
01:35Diretso nila pwede yan.
01:37Ang plano dito sa MAIFIP, i-alaw ito sa mga private hospitals
01:41para pwede mag-private hospital ang mga indigent patients.
01:46Lahat na may hirap, pwede accommodate sa mga private hospitals.
01:50Pero para sa ilang taga-civil sector, walang ibang muka ang MAIFIP, kundi pork barrel.
01:55Sabi ni Cardinal Pablo Vergilio David sa kanyang open letter sa mga senador at kongresista,
02:00gumagana raw kasi ang MAIFIP sa pamamagitan ng guarantee letter system
02:04kung saan makakakuha lang ng tulong kung may endorsement letter mula sa politiko.
02:09Hindi na raw karapatan ang healthcare,
02:12kundi patronage system na ginagawang utang na loob ang karamdaman.
02:16Ang health advocate na si Dr. Tony Liachon,
02:19pinag-iisipan ng ireklamo ang MAIFIP sa Korte Suprema
02:22sakaling palusutin ito ng kongreso.
02:24Niloloko nila tayo eh.
02:25Sinasabi nila, hindi pa daw kompletong healthcare system.
02:28Kailangan daw may MAIFIP.
02:30Eh di tama na ngayon.
02:31Pagka naibigay lahat yun yung bayad sa PhilHealth,
02:34eh systematic na yan.
02:36Sa hospital na lang tayo magkakaintindihan.
02:38Para yung mga pasyente natin,
02:40hindi nagkakalat just to get the guarantee letters.
02:43Namamalimus tayo, nangungutang tayo,
02:45nagmamakaawa tayo.
02:47Hindi dapat ganyan.
02:48Meron tayong anti-patronage special provision doon
02:52na bawal ang politiko sa distribution,
02:55bawal ang politiko sa mga implementation.
02:58In fact, i-amend pa namin yung anti-political patronage special provision,
03:03pati kamag-anak, bawal.
03:06Bawal silang maglagay ng mga tarpaulin.
03:08So mayroon kaming mga safeguards na hindi pwede i-politicize.
03:11Matapos ang matinding debate sa MAIFIP,
03:13nilinaw ng DOH na bawal na talaga ang mga guarantee letter.
03:18Hindi rin daw kailangan ng GL para makakuha ng MAIFIP.
03:21E sabi nung Supreme Court decision,
03:23dapat ang budget execution sa DOH lamang.
03:26Kaya aming ang sinasabi,
03:28kinokorekt namin, dapat hindi na siya GL.
03:31Dapat ituro na lamang ang pasyente
03:33pagpunta sa DOH hospital.
03:35Pagpumunta ho kayo dun sa malalaking level 3 hospitals
03:39ng mga local government unit,
03:41ay hindi nyo na kailangan magpakita ng proof na indigent.
03:44Hindi nyo rin kailangan magmakaawa sa kahit sinong politiko
03:47o kahit sa DOH.
03:48Basta nandun ho kayo sa LGU level 3 hospital,
03:51ward accommodation,
03:52bayad na ang bill mo.
03:54Ito ang unang balita.
03:56MAIF Gonzalez para sa GMA Integrated News.
03:59Igan, mauna ka sa mga balita,
04:01mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
04:04para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments

Recommended