00:00Kumagamit na rin ng Artificial Intelligence ang pag-asa sa kanilang weather forecast.
00:05Posible nang malaman na magiging lagay ng panahon hanggang sa susunod na labing apat na araw.
00:10Maaari na rin mag-forecast ng panahon sa mga particular na lugar.
00:13Yan ang unang balita ni Darlene Cai.
00:20Naranasan nyo na ba ang magkaibang lagay ng panahon sa magkatabing lugar?
00:23Dito guys, nag-ulan. Kusog kaayo. Pwede na sa idwala.
00:28Nangyayari talaga na magkakaibang panahon kahit magkalapit pa.
00:32E paano kung iisa lang ang weather forecast sa mga yan?
00:35Kaya malaking bagay ngayong kaya ng mag-forecast ng panahon sa mas particular na lugar
00:40gamit ang pinakabagong AI weather forecast ng DOST.
00:44Maaakses yan ng libre sa mas pinagandang panahon website at app
00:48na may bagong features para sa weather forecast sa tulong ng AI Artificial Intelligence.
00:53Hindi na pang buong probinsya o bayan ang forecast
00:56dahil kaya nang makita sa mapang lagay ng panahon sa kada dalawang kilometro.
01:01Makikita rin ang kasalukuyan at magiging lagay ng panahon hanggang sa labing apat na araw.
01:07Makikita na kung kailan at saan uulan, gaano karami ang bubuhos, pati lakas at direksyon ng hangin.
01:13Pumunta lang sa panahon.gov.ph o idownload ng libre ang panahon app.
01:18Tapos ay pwede nang piliin sa menu ang gustong makita.
01:22Rain, wind, temperature, heat index at iba pa.
01:25Kung sakaling dumating na yung panahon ng bagyo o tagulan,
01:29lalong-lalo na ngayon na nagpalabas din ng order na localized na yung pagsuspend ng klase,
01:38di ba, o di kaya ay trabaho, kailangan din nila ng mas detalyeng forecast para dun sa kanilang lugar
01:45na dati-rati ay hindi nagagawa.
01:49Sa dating versyon ng panahon website at app, kada tatlong oras ang pagproseso ng impormasyon.
01:54Pero sa tulong ng AI, kaya na yan ng labing limang minuto.
01:58Makikita rin ang kasalukuyang heat index na mahalagang i-monitor sa nakaambang Super El Niño.
02:04Kaya raw kasi ng AI ang mas mabilis sa pagproseso ng malalaking datos at makakita ng weather patterns
02:09na importante para sa pagpaplano at paghahanda ng mga LGU, pribadong sektor, pati simple ang mamamayan
02:16para mas maliit ang tsansa ng pinsala at casualty.
02:20Napakahalaga ito kasi pwede mo nang maplano ang mga gagawin mo.
02:24Pwede rin yan sa hindi lang sa pagpasok sa eskwelahan
02:28o di kaya ay pagbibigay ng guidance o guia sa ating mga nagtatrabaho sa labas,
02:34lalong-lalo ng El Niño, pati rin yung mga aktibidad na gusto nyong gawin
02:38kung gusto nyong mag-outdoor sports o magpakasal sa labas.
02:45188 milyon pesos ang pondo para sa proyektong ito na dalawang taon dinevelop ng DOST
02:50katulong ang US-based tech company na Atmo.
02:53Ito ang unang balita.
02:55Darlene Cai, GMA News.
02:59Darlene Cai, GMA News.