00:006.793 trillion pesos ang panukalang national budget para sa 2026.
00:07Kasama sa mga pinaglalaanan ng pondo ang 20 pesos na bigas program
00:10at mahigit 270 billion pesos para sa flood control project.
00:16May unang balita si Tina Panganiban Perez.
00:22Na-turnover na ng Department of Budget and Management o DBM sa Kamara at Senado
00:27ang National Expenditure Program o hinihingin budget ng Ehekutibo para sa 2026.
00:34Umaabot ito ng 6.793 trillion pesos, mas mataas ng 7.4%
00:40kumpara sa 6.326 trillion pesos ngayong 2025.
00:46Alinsunod sa konstitusyon, pinakamalaki ang para sa Department of Education
00:50na nasa 928.5 billion pesos.
00:54For the first time, the budget for basic and higher education has been increased monumentally
01:01monumentally to meet UNESCO's recommended education spending target of at least 4% of the country's GDP.
01:13Sunod na pinakamataas ang hinihingin budget para sa Department of Public Works and Highways
01:18na nasa 881.3 billion pesos.
01:22Mahigit 270 billion pesos dyan ay para sa flood control projects.
01:27Hiwalay pa ang mahigit 2 billion pesos para naman sa flood control projects ng MMDA.
01:33320 billion pesos naman ang hinihingi para sa Department of Health,
01:38kasama na rito ang para sa PhilHealth.
01:40Halos 300 billion pesos naman ang hinihingin pondo para sa Department of National Defense.
01:47Sa mahigit 10 billion pesos naman na hinihingin confidential at intelligence funds,
01:53pinakamalaki ang mahigit 4 billion piso para sa Office of the President.
01:57Ito po ay bumaba from the GAA ng 1.35 billion pesos or 11.18%.
02:14On the part of the House, we'll assess it.
02:16There are certain agencies and offices that are allowed to have confidential intelligence funds based on necessity.
02:23Walang hinihinging confidential funds para sa Office of the Vice President,
02:27pero mas mataas ang total allocation para sa opisina kumpara sa 2025 budget nito.
02:35Halos 240 billion pesos ang hinihingi para sa agrikultura,
02:39kasama ang 10 billion pesos para sa 20 pesos kada kilong bigas.
02:44Sa 227 billion pesos namang hinihingin budget para sa social welfare,
02:49hindi nakasama ang ACAP o ayuda para sa kapos ang kita.
02:54May natitira pa pong pondo for 2025 and like I mentioned a while ago,
03:02we receive a total of 10 trillion pesos na proposal from agencies.
03:07And given our limited fiscal space, hindi pa po muna natin siya sinama.
03:14We will open the bicameral conference committee on the budget to the public and to the media.
03:21Habang nagkakaroon ng budget briefing, magkakaroon rin tayo ng tawag ko dito,
03:25hearing with budget experts and civil society organizations.
03:31Pwede silang mag-suggest, no?
03:33Para may sapat na panahong suriin ang budget,
03:36inurong ang pag-adjourn ng kongreso mula October 3 patungong October 10.
03:41At kasunod ng utos ng Pangulo na huwag nang baguhin ang hinihingin budget ng Ehekutibo.
03:47That is a mutation of the NEP or that has become too far off from the NEP.
03:52As majority leader, I won't allow it to happen.
03:55In the coming weeks, we will review every page of the Net Expenditure Program guided by one question.
04:02Makakabuti ba ito sa ating mga kababayan?
04:05Nanawagan na rin ang Pangulo na madaliin ang pagpasa sa panukalang budget.
04:09Ito ang unang balita.
04:12Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
Comments