Skip to playerSkip to main content
  • 10 minutes ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 25, 2025


- Mga residente sa Brgy. Cotcot, maagang lumikas dahil sa Bagyong Verbena


- NGCP: 2 transmission line sa Visayas, hindi gumagana


- Mga biyahe pa-Visayas at Mindanao sa Manila Northport, supendido pa rin dahil sa Bagyong Verbena; Nasa 190 pasahero, stranded sa terminal


- Ilang bahagi ng Agusan del Norte, nalubog sa baha dahil sa Bagyong Verbena


- Bahay ni dating Rep. Zaldy Co sa Pasig, pinasok ng mga awtoridad para isilbi an arrest warrat; Mga maleta, vault, at kahon, nakita


- DOTr: 2 opisyal ng LTO sa NCR, tinanggal sa puwesto habang iniimbestigahan ang pagrehistro sa luxury vehicles ng mga Discaya


- PBBM: "The lady that you see talking on TV is not my sister"


- Alcantara, Hernandez, Mendoza at Santos, naghain ng mga kontra-salaysay sa DOJ kaugnay sa mga reklamong malversation, graft at perjury


- Miss Universe 2025 3rd runner up Ahtisa Manalo, balik-bansa na; Nagpasalamat sa supporters


- Black Carpet Premiere ng "KMJS' Gabi ng Lagim the Movie," dinaluhan ng cast, Kapuso stars at ilang personalidad


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:30Igan, nagpatupad nga ng pre-emptive evacuation ng iba't ibang mga LGUs dito sa Cebu bilang paghanda sa posibleng epekto ni Bagyong Verbena.
00:41Kakaunti na lang na tao ang nadatnan namin sa barangay Kotkot, Liloan, Cebu, kagabi.
00:46Naka-evacuate na kasi ang karamihan ng mga residente bilang pag-iingat sa Bagyong Verbena,
00:51ang lugar, isa sa mga matinding binaha noong kasagsagan ng Bagyong Tino, nang umapaw ang Kotkot River.
00:58Hanggang ngayon, maputik pa rin ang paligid. May mga nakatambak na basura ang hindi pa nakokolekta.
01:04Hindi man, pero naan mo gusto ang experience atong unang baha, nga nilihoksad sila.
01:11Mas malalipay sila nga na ay tragedy at baha, makahay mo man sila ga isira kay mga mga tao.
01:17Kay dirigod, na trauma na may atong baha.
01:21Pero ito ako magpabilin lang kangari.
01:22Oo, bilin lang ko.
01:23Ano man siya?
01:23Kay lison, magkaibiyakan akong balay, tapang may mga kuangod, tapang may madagnut.
01:28Sa Danao City naman, aabot sa limang daang pamilya rin ang inilikas kagabi dahil sa banta ni Bagyong Verbena, uaabot sa 2,000 individuals.
01:39Dalawamputlimang evacuation centers ang binuksan sa labing limang apektadong barangay.
01:44Isa na rito ang Danao Central School na ipinagamit ang mga classrooms na nasa mataas na palapag.
01:50Naging mo ni Director, i-restayin sa OCD nga, delayed you ka dapat mo yun ready.
01:56Because when you say ready, ana magsugot ang kumpiyansa.
01:59So all I can say is for them now is, nating huwala na may.
02:03We're doing our best na safe lang itong mga constituents.
02:09Kanina ang madaling araw, naranasan ang pabugso-bugsong hangin dito sa ilang bahagi ng northern Cebu at may panakanaka at minsan may kalakasan na pagulan.
02:21Igan, sa mga oras na ito na natiling makulimlim ang panahon dito sa Danao City, may panakanakang pagulan at medyo may kalakasan din ang bugso ng hangin.
02:35Samantala, patuloy na ina-assess ng mga LGUs at mga disaster officers ang epekto ni Bagyong Verbena sa kanilang mga lugar.
02:44Igan.
02:45Maraming salamat, Nico Sereno, ng GMA Regional TV.
02:48May dalawang transmission line sa Visayas na hindi gumagana ayon sa National Grid Corporation of the Philippines.
02:56Sabi ng NGCP, partial o hindi buo ang power transmission service ng Bohol Electric Cooperative sa ilang bahagi ng Lalawigan tulad sa mga bayan ng Alicia, Candihay, Mabini, Gindulman, Anda, Duero, Hagna at Garcia Hernandez.
03:11Apektado rin ang ilang bahagi ng Eastern Samar tulad sa San Julian, Maydolong, Boronggan, Balangkayan, Llorente, Germani, General MacArthur, Kinapondan, Salcedo, Mercedes, Guiwan at Giporlos.
03:25Hindi pa tinukoy ng NGCP kung kailan maayos ang mga nasabing transmission line.
03:29Hindi pa rin tiyak kung kailan matutuloy ang mga biyahe pa Visayas at Mindanao sa Manila Northport na nakal sila dahil sa Bagyong Verbena.
03:41At layo mula sa Manila Northport, may una balita si James Agusti.
03:45James, maraming stranded.
03:47Ivan, good morning. Nasa 120 pasahero yung stranded dito sa Manila Northport Passenger Terminal dahil nga po sa Bagyong Verbena.
03:58Yung iba kahapon pa dumating sa Pantalan kaya dito na nagpalipas na magdamak.
04:06Kanya-kanyang latag parang may mahigaan ang mga pasahero na stranded sa Northport Passenger Terminal dahil sa Bagyong Verbena.
04:12Gaya ni Geraldo na dito na nagpalipas na magdamak. Alasin ko sana ng umaga ang kanyang biyahe pabuhol.
04:18Ngayon lang siya ulit makakauwi matapos ang halos apat na buwan na pagdatrabaho sa Cavite.
04:22Mahirap talaga eh kasi walang libre pagkain dito. Tapos sa simintulog kami natutulog. Pero okay lang.
04:29Taisin lang namin. Hintayin lang namin para makauwi pagka wala ng bagyo.
04:35Excited na ho kayo na makauwi sa inyo.
04:37Excited na ho talaga kasi namamiss ko na yung pamilya ko.
04:40Alauna ng hapon kahapon naman dumating sa pantalan si Remerlin.
04:45Biyahe siyang usami sa dapat sana ikagabi pa ang schedule. Pero hindi ito natuloy.
04:49Siyam na buwan siya nagtrabaho bilang kasambahe sa Quezon City. At napag-desisyon na na umuwi na sa probinsya.
04:55Mahirap naman pero tinitiis. Kaya wala kasi akong mabalikan po eh.
05:01Oo, nagtrabaho lang po ako dito.
05:05Naghintay lang kung anong schedule talaga.
05:09Tiyaga rin sa paghihintay si Pami na pauwi sa Butuan.
05:12Matapos mag-asikaso ng mga dokumento dito sa Metro Manila.
05:15Ihantay kami sir kasi ngayon papunta dito parang hindi kami ma-late kasi malayo pa kami nakapuntahan sir.
05:25Quezon City pa kami. Hindi masyado nakatulog sir.
05:27Kasi nakaupo lang kami dito.
05:29Ang pasaman ko, iban ko kung nakatulog pa sila kasi ako nandito lang.
05:35Aabot sa sandaan at siyam na pong pasero ang stranded.
05:38Kabilang mga may biyahe sa Siargao o Samis Butuan na alas 6.30 kagabi ang schedule.
05:43Stranded din ang mga pasero pa Cebu Tagbilaran na alas 5 ng umaga ngayong araw ang biyahe.
05:49Hindi pa rin masabi kung kailang matutuloy ang biyahe pa Bacolod, Cagayan, Iloilo na alas 12.30 na tanghali mamaya ang orihinal na schedule.
05:56Kaninang alas 5.30 ng umaga ng papasukin sa departure area ang mga stranded na pasahero.
06:01Pero wala pang kasiguraduan ng schedule ng kanilang biyahe.
06:04May free charging stations din na inilaan para magamit ang mga pasahero.
06:08Samantala Ivan, itong sitwasyon na ito nakikita nyo dito sa concourse area nitong Manila Northport Passenger Terminal.
06:19Ihilan na lamang yung mga pasahero po na nandito dahil karamihan doon sa mga stranded na pasahero pinapasok na doon sa departure area.
06:24Gayunman, wala pang katiyakan yung schedule ng kanilang biyahe.
06:27Yung mga pasahero na nakikita nyo ngayon dito, ito yung patungo sa Bacolod, Cagayan, Iloilo na ang orihinal na schedule ay mamaya pa sana at tanghali.
06:34Pero hindi pa rin masabi sa atin ng shipping company kung anong oras yung susunod na schedule para dito sa mga pasahero na ito.
06:41Yan ang unang balita mula dito sa Manila Northport Passenger Terminal.
06:44Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
06:48Kinailang lumangoy ng ilang residente sa Agusan del Norte para makalikas sa bahang dulot ng Bagyong Verbena.
06:54At live mula sa Butuan City, may unang balita si Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
07:00Cyril.
07:05Ivan, ilang bayan dito nga sa probinsa ng Agusan del Norte ang nalubog sa tubig baha kahapon sa pananalasa ni Bagyong Verbena.
07:16Nalubog sa baha ng mga gamit, bahay at mga pananim.
07:19Yan ang sitwasyon ng manalasa ang Bagyong Verbena sa barangay Bangunay sa lungson ng Habongga, Agusan del Norte.
07:27Sa mga kuhang litrato ni Sherry Ann Erejo, kita ang lawak ng baha na halos bumalot na sa buong puroksingko.
07:35Sa videong kuha ni Anolo Solve, kita ang paglikas ng mga kabataang ito mula sa kanilang mga bahay papunta sa ligtas na lugar.
07:43Lumangoy sila dahil sa taas ng baha na pumasok sa kanilang bahay.
07:47Mabilis naman daw humupa ang baha kinagabihan.
07:50Ngayong umaga, inanunso ng lokal na pamahalaan ng Agusan del Norte.
07:54Nabalik eskwela na sa lahat ng antas at trabaho sa probinsa.
07:57Patuloy ang isinasagawang assessment at clearing operation.
08:00Ivan, narito tayo ngayon sa Butuan City, dito nga sa Agusan del Norte at sa Kabutihang Palad ay gumaganda na ang panahon.
08:09Di katulad kahapon sa pananalasa ni Bagyong Verbena.
08:13Ivan.
08:13Maraming salamat, Cyril Chavez, ng GMA Regional TV.
08:25Patuloy na tinutugis ang walong iba pang akusado kaugnay sa kwestyonabli na road dike project sa Nauhan Oriental Mindoro.
08:33Kabilang si dating congressman, Sal Dico.
08:36Kahapon, pinasok ng mga otoridad ang bahay ni Ko sa Pasig City.
08:39May unang balita si Marisol Abduraman.
08:42Natatakpan ng puting lona ang buong bako ng bahay na ito ni dating congressman, Sal Dico, sa isang exclusive subdivision sa Pasig City.
08:54Sa kalsada naman sa labas lang ng gate, nakalapag ang ilang kahon at bag.
08:58Ipinakita ng abogado ni Ko sa mga pulis ang lamang mangarilo ng isang kahon.
09:04Ang iba, hindi na binuksan.
09:07Nagtungroon ang NBI at PNPC IDG bago magtanghali para isilbi ang arrest warrants laban kay Ko.
09:13We are here to implement a warrant of arrest issued by the Sandigan 5th, 6th, at 7th Division for malversation, violation of Section 3E, Section 3H of RA 1319 against accused Elisaldi Saldi Salcedo Ko.
09:33In your presence, we will enter the premises for you also to witness the proper implementation of the warrant.
09:39We consent only insofar as the warrant of arrest, any search is limited to plain view.
09:45Pinasok at sinek ang loob ng bahay.
09:49Pinasok pati mga kwarto sa basement. May isang kinakalawang na vault pero hindi binuksan.
09:54Ito ay implementation lamang ng kanyang warrant of arrest kaya gaya na naging usapan sa mga abogado ni Zaldico.
10:00Walang search estusion na gagawin kundi ito ay plain view search lamang para matiyak kung nandito nga ang subject ng kalinang warrant.
10:07Marami pang mga kahon ang nasa living room. May mga paintings din, pati mga crates, bags at personal na gamit.
10:14Mga maletang iba't iba ang laki naman ang nasa loob ng mga pinasok na kwarto.
10:19May mga vault din na iba't iba ang laki. Nakabukas ang iba.
10:22At sa isang kwarto pa, makikita rin ang marami pang mga kahon.
10:26Makikita nyo ito, mga cargo boxes. And then maraming cartoon, maraming ano dyan.
10:32But we don't know what she is. And then of course yung vault. Suitcases.
10:37Ang dami na vault, ano nga yan?
10:38Yeah, but we don't know kung anong naman yan.
10:40It seemed the procedure was followed as agreed plain view search.
10:45Wagahan naman pong, wagahan naman untoward incidents.
10:49So we're glad that the authorities respected our client's wishes.
10:54Inukutan din ng mga otoridad ang labas ng bahay pero hindi nakita doon ang dating mambabatas.
10:59Alam naman namin na wala sila rito. But again, this is a process. This is a procedure para doon sa pag-return namin ng warrant.
11:07Yun yung last address na what she's written doon sa warrant of arrest niya.
11:13Tinanong ang abogado ni Ko kung nasaan ang kanyang kliyente.
11:17We do not know. I'm sorry.
11:19Si Atty. Apostol ang tumanggap at pumirma sa warrant of arrest kay Ko.
11:23Did you know that the warrant will be served today?
11:27We were just told to come to the house. Baga kami ngagam na may warrant or anything.
11:32So you knew that there's going to be the serving?
11:35No, hindi naman. We weren't informed. We were just informed na we need you to be there. May emergency lang. That's all we were told.
11:43Nitong Sabado, pinuntahan ng mga pulis sa tagig ang unit ni Ko sa isang luxury condominium pero wala silang inabutan doon.
11:51Nung viernes, inilabas ng Sandigan Bayan 5th, 6th at 7th Division ang warrant of arrest laban kay Ko at labing limang iba pa.
11:59Ko-ugnay sa umano yung substandard na 289 milyon peso road debt projects sa Nowhan, Oriental, Mindoro.
12:08Naaresto sa isang bahay sa Quezon City, ang isa sa mga kusasong si Dennis Abagon o ay si Chief ng DPWH Mimaropa Planning and Design Division.
12:18Hindi pinangalanan ni Abagon kung sino ang may-ari ng bahay.
12:21Pero, kinumpirma ni DILJ Secretary John Becrimulia na pagmamay-ari ito ng Vice Mayor ang Bansud, Oriental, Mindoro.
12:29We have determined that he is the owner of the property.
12:32Ang didetermine na namin kung anong nature ng kanyang stay sa lugar na yan.
12:37He was renting or he was being hidden.
12:40Sa panayam ng GMA Integrated News kay Bansud, Oriental, Mindoro Vice Mayor Alma Merano,
12:46Inamin niyang siya ang may-ari ng bahay kung saan natuntun at naaresto si Abagon.
12:51Pero, anya, pinapaupahan lang niya ang bahay at walang ugnayan kay Abagon.
12:55Nakipagtulungan pa raw siya sa NBI para maaresto si Abagon at nagbigay pahintulot na pasukin ang bahay.
13:03Kasama ni Abagon, iniharap sa sandigan ang pito pang naaresto at sumukong mga opisyal at dating opisyal ng DPWH.
13:11Sinadating DPWH Memoropa Regional Director Gerald Pakanan,
13:15mga assistant at regional director na si Jean Ryan Altea at Ruben Santos,
13:21mga division chief na si Dominic Serrano at Juliet Calvo,
13:25project engineer na si Felizardo Casuno at accountant na si Lerma Caico.
13:31Una silang iniharap sa Sandigan Bayan 5th Division para sa kasong paglabag
13:35sa Anti-Grafts and Corrupt Practices Act Section 3E, isang available offense.
13:40Pero non-available ang kaso nilang malversation of public funds sa Sandigan Bayan 6th Division
13:47dahil sa higit 8.8 million pesos ang diumanoy, ninakaw na pondo ng gobyerno.
13:53Hindi kasama sa kasong malversation si Calvo,
13:56kaya tangin siya lang ang nakapagpiansa ng 90,000 pesos at nakauwi matapos iharap sa korte.
14:03Pinasok sa Quezon City Jail Facility, Sinaabagon, Pakanan, Casuno, Serrano, Santos at Altea.
14:11Sumailalim sila sa pagbuha ng mugshots at personal nilang impormasyon at medical check-up.
14:16Sabi ni Rimulya, sama-sama sa iisang kulungan ang anim at walang special treatment.
14:21Wala ko kami binibuksan ng special wing.
14:24So kung saan yung mga general population ng Quezon City inmates, doon rin sila nakatira ngayon.
14:29Pare-pareho lang po ng kanilang tasking. Pagkain ho nila pare-pareho.
14:34Hindi pa handa ang kulungan para sa mga babae sa QC Jail,
14:38kaya si Kayko ay ideditine sa female dormitory sa loob ng Camp Karingal.
14:42Walong akosado ang hinahanap pa kabilang si Zaldico.
14:45Isang at large na si yung mastermind nila lahat, si Zaldico.
14:50We are waiting for the court's action on cancellation of his passport.
14:55And then yung red notice is in effect. So baka mahanap na natin anytime soon.
15:01Big fish are coming soon. We should expect the diskayas, the senators, the congressman.
15:08Within the next five weeks ay sunod-sunod silang makukulong na.
15:12Sa impormasyon ng DILG at PNP, sa New Zealand ang last known location.
15:18Ni Aderma Anginin Alcazar ang president at chairperson ng board of director ng SunWest.
15:23Nasa New York naman daw si Cesar Buenaventura, ang treasurer ng SunWest.
15:28Sinasabi na sa Jordan naman si Montrexys Tamayo ng DPWH.
15:33Ayon sa DILG, tatlo sa mga akosadong nasa abroad ang nagpahayag sa pawamagitan ng kanilang mga abogado na sila'y susuko.
15:40Binigyan sila na remulya na hanggang Buebes para iharap ang sarili sa mga otoridad.
15:46Alam namin kung nasaan sila. Alam namin kung anong address sila abroad. Nakita na lahat. There's no use hiding.
15:53So how soon will they be deported?
15:55Hopefully within this week.
15:56Ito ang unang balita. Marisol Abduraman para sa GMA Integrated News.
16:02Sinagal sa pwesto, ang dalawang mataas na opisyal ang non-transportation office sa National Capital Region.
16:09Batay sa ulat ng Super Radio DCWB, iniutos ito ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez
16:15para bigindaan ang imbisigasyon sa questionabling pagrehiso sa mga luxury vehicle ng mga diskaya.
16:21Ini-imbisigan si na Regional Director Roque Bersosa III at Assistant Regional Director Dennis Baryon
16:27dahil sa irregularidad umano sa naging proseso ng pagrehisto sa mga sasakyan.
16:34Inaalam din kung may kinalaman ng dalawa sa registration ng dalawang mamahaling sasakyan
16:38na kinumpiska sa Muntinlupa noong 2024 dahil din sa kawalan ng import permit.
16:44Matipid ang sagot ni Pangulong Bongbong Marcos ng tanongin tungkol sa pagkawala sa pwesto ng ilang miembro ng kanyang gabinete.
16:54May buwelta naman ng Pangulo sa kanyang kapatid na si Senadora Aimee Marcos at kay dating Congressman Zaldico.
17:00Narito ang aking unang balita.
17:05The lady that you see talking on TV is not my sister.
17:10Ito ang reaksyon ni Pangulong Bongbong Marcos nang tanongin siya tungkol sa pahayag ng kanyang kapatid na si Senadora Aimee Marcos
17:16sa rally ng Iglesia Ni Cristo noong nakaraang lunes.
17:20Batid ko na na nagdadrug siya!
17:25Bukod sa Pangulo, idinawit din ang Senadora si First Lady Liza Aranata Marcos at kanilang mga anak.
17:31How do you respond to the drug use accusations made by no less than your sister, Senadora Aimee Marcos,
17:39against you and the First Family?
17:42Sir, were you hurt by her accusations and how do you explain these claims to the public?
17:48It's anathema to me to talk about family matters, generally, in public.
18:02I do not like to, we do not like to show our dirty linen in public.
18:13I'll just, but so I'll just say this much.
18:15For a while now, we've been very worried about my sister.
18:21When I say we, I'm talking about friends and family.
18:26And the reason that is, is because the lady that you see talking on TV is not my sister.
18:38And that view is shared by our cousins, our friends.
18:43So, hindi siya yan, ano lang, hindi siya yan.
18:48So, that's why we worry.
18:50So, we are very worried about her.
18:52I hope she feels better soon.
18:54Hindi na nabigyan pa ng pagkakataon ng media na malinaw kung anong ibig sabihin ng Pangulo sa pahayag na ito.
19:02Ilang minuto lang matapos itong sabihin ng Pangulo, agad sumagot si Senadora Aimee sa kanyang social media account.
19:08Sabi niya, siya raw ito, sabay hirit na kung ano-ano na ang nakikita ng kanyang adding o nakababa ng kapatid sa Ilocano.
19:15Sabi pa ng Senadora, patunayang mali siya at gusto raw niyang mali siya.
19:20Nang tanungin kung nagkausap na silang magkapatid, sinabi ng Pangulo na magkaiba na raw sila ng ginagalawang mundo, political man o personal.
19:29May hamo naman ang Pangulo kay dating Congressman Zaldico na nagdawit sa kanya sa anomalya sa flood control projects.
19:35Bago humarap ang Pangulo sa press conference, naglabas ng video si Zaldico na nagdedetalye na mga delivery ng bilyong pisong naging parte umano ng Pangulo sa anomalya.
19:46Mahaba ng naging mga usapan natin tungkol sa fake news.
19:50Anyone can go online and make all kinds of claims and say all kinds of things, paulit-ulit.
19:58But it means nothing.
20:02For it to mean something, umuwi siya rito.
20:05Harapin niya yung mga kaso niya.
20:07Ako hindi ako nagtatago.
20:08Kung meron kang akosesyon sa akin, nandito.
20:11Naging matipid naman ang sagot ng Pangulo ng tanungin kung bakit pinag-resign sa kanyang gabinete,
20:16sina dating Executive Secretary Lucas Bersamin at dating Budget Secretary Amena pangandaman.
20:22Nilimitahan ang mga tanong sa Pangulo at hindi pinayagan ang mga follow-up question.
20:25The question about Chief Luke and myself, wala nag-uusap na kami.
20:33And we understand each other and we decided to keep it between ourselves.
20:38There's no bad blood.
20:40She sent me na because her name was dragged into the whole thing.
20:44We want to be sure that she's not in a position where she might be suspected of influencing all that.
20:51Nagpatawag ng press conference sa Pangulo para ipagmalaki ang transparency portal ng DPWH na kanilang inilunsad.
20:58Sa pamagitan nito, pwedeng hanapin ang alinmang proyekto ng kagawaran.
21:02Makikita rin kung kanino ang proyekto, sinong kontraktor, magkanong halaga, at kung ito ba itapos na.
21:09May mga larawan din ang proyekto makikita.
21:11Kuhan ng satellite imaging.
21:12Hakbang daw ito para sa transparency sa mga proyekto ng gobyerno at bunga ng mga natututunan sa imbisigasyon sa maanumalyang flood control project.
21:21Ito ang unang balita.
21:23Ivan Merina para sa GMA Integrated News.
21:26Nag-high ng counter affidavits sa Department of Justice si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara
21:33at mga dating assistant district engineers na sina Bryce Hernandez at JP Mendoza.
21:39Ito ay para sa mga reklamang malversation, graft, at perjury.
21:43Kaudnay sa limang umanay ghost flood control project sa Bulacan.
21:46Nauna na rin naghahain ng kontra sa Laysay ang may-ari ng Sims Construction na si Sally Santos.
21:53Ang KDOJ spokesperson, Attorney Paulo Martinez.
21:55Ang iba pang respondents ay binigyan na hanggang November 28 para magsumitin ang kanilang kontra sa Laysay.
22:03This is a non-extendable period.
22:07Whether or not they do file on such day, we will then proceed to resolve the case
22:12based on the counter affidavit submitted or if none, diwala, based on the complaints submitted by the NBI.
22:26Showbiz Zika, the queen is home.
22:29Naka-uwi na sa Pilipinas si Miss Universe, 2025 third runner-up at Tisa Manalo.
22:34Inabot ma na madaling araw, mainit pa rin ang pagsalubong ng fans kay Atisa.
22:39May ilang fans na dumayo pa, bit-bit ang mga regalo para kay Pinay Queen.
22:43Kasama rin sa mga nag-abang ang mga opisyal ng Miss Universe Philippines organization,
22:47kabilang ang National Director at Miss Universe 2013 third runner-up na si Ariella Arida.
22:51Looking fabulous as ever naman, si Atisa suot ang Filipiniana dress.
22:56Nagbahagi siya ng ilan sa mga experience niya sa Thailand.
22:58Nagpasalamat din si Atisa sa lahat ng sumuporta sa kanyang Miss Universe journey.
23:05Salamat sa support, sa pagmamahal, sa tiwala, sa lahat.
23:09Kahit hindi na ako nasa pageant, continue pa rin yung support niya sa...
23:12Bago ang level up na takutan sa big screen bukas,
23:17rumampas sa black carpet premiere ang cast ng KMJS gabi ng Lagim the Movie.
23:22Dressed in Shades of Red ang mga bida sa Horror Trilogy.
23:27Si Miguel Tan-Felix para sa kwentong Pocho.
23:31Si Sanya Lopez ng Verbalang.
23:35At para sa Sanib, si Jillian Moore.
23:38Spotted din sa premiere ang ilang cast members gaya ni na Rocco Nasino,
23:42John Lucas, Nikki Ko, Ashley Ortega, Ara San Agustin at veteran stars,
23:49Eva Darin, Lotlot de Leon, at Epikizon.
24:00At siyempre ang award-winning kapuso broadcast journalist na si Jessica Soho.
24:07Napaka-intense. Parang, wow, nakagawa kami ng ganito.
24:13Hindi ako makapaniwala, nakaka-proud.
24:15Kasi, yung storya ang solid eh.
24:20Tapos yung mga effects at saka yung storytelling.
24:23Wow talaga. Manood ho sana kayo.
24:27Kasi talagang nagawa namin to.
24:30More than po kasi nakakatakot po siya.
24:32Kung mapapansin niyo po, meron po siyang mga underlying messages.
24:38Sa Sanib naman po, it talks about how important taking care of your mental health is.
24:45Full support din sa premiere si Nakapuso stars,
24:49Ding Dong Dantes, Barbie Forteza,
24:52Isabel Ortega,
24:54Jack Roberto,
24:55at iba pa ang sparkle artist kabilang newest addition to the fam na si Eman Bacoz sa Pacquiao.
25:01Ang gabi ng lagim, naging gabi ng lambing daw,
25:04sabi ng ilang netizens,
25:06dahil na-meet na ni Eman ang kanyang celebrity crush na si Jillian Ward.
25:09Dumalo rin sa premiere si national artist,
25:11Uy, pag-usapan mamaya yan,
25:13National Artist for Film and Broadcast Arts,
25:16nandyan rin po si Ricky Lee,
25:18ayan,
25:18an icon,
25:20at ang GMA Network Senior Vice President
25:22at GMA Pictures President,
25:24Attorney Annette Gozon Valdez,
25:26GMA Pictures Executive Vice President
25:28at GMA Public Affairs Senior Vice President,
25:31Nessa Valdeleon,
25:32at Sparkle First President,
25:33First Vice President,
25:35Joy Marcelo.
25:36Mga kapuso,
25:36bukas na mapapanood sa mga sinihan
25:39ang KMJS Gabi ng Lagim The Movie.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended