Skip to playerSkip to main content
-Diesel at Kerosene, may dagdag-presyo umpisa bukas


-Driver at may-ari ng mga sasakyang sangkot sa road rage sa Marikina, pinagpapaliwanag ng LTO/P26.36M halaga ng hinihinalang high grade marijuana o kush, natagpuang palutang-lutang sa dagat


-Lalaking lasing na sakay ng motor, bumangga sa railings; nanakawan pa ng motor


-Magkapatid, patay sa pamamaril; naarestong suspek, sinabing gumanti lang siya


-Babae, arestado matapos tangkang dukutin ang isang sanggol


-Mas mahal ang lechon sa La Loma dahil sa malakas na demand at dagdag-gastos sa bagong protocol kontra-ASF, ayon sa ilang nagtitinda


-Rep. Suansing: People-centered ang P6.793T budget na inaprubahan ng BiCam report para sa P6.793T budget sa 2026, ira-ratify ng Senado at Kamara mamaya/Pagkakaroon ng transparency portal para sa proyekto ng mga ahensya, kabilang sa requirements sa 2026 National Budget/Rep. Suansing: Hindi inimpluwensiyahan ng liderato ng Kamara ang pagboto sa BiCam report ng 2026 budget


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Beep beep beep sa motorista, kung diesel ang ginagamit nyo, humabol na sa pagpapakarga mamaya.
00:10Batay kasi sa adunsyo ng ilang kumpanya ng langis, may dagdag na 60 centavos sa kada litro ng diesel simula bukas.
00:17Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina, habang may 60 centavos na dagdag presyo rin sa kada litro ng kerosene.
00:25Ito na ang mabibilis na balita.
00:26Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office sa mga driver ng mga sangkot na sasakyan sa viral road rage sa Marikina nitong besperas ng Pasko.
00:38Ayon sa investigasyon, siningitan umuno ng sasakyan papasok sa parking ang sanhinang road rage.
00:44Sa January 7, pinahaharap sa LTO ang mga sangkot.
00:47Naka-preventive suspension ang lisensya ng mga driver sa loob ng siyamnapung araw at pansamantalang inilagay sa alarm status ang dalawang sasakyan.
00:55Lumabas sa paon ng investigasyon ay expired na ang rehistro ng pickup na sangkot sa insidente.
01:04Na-recover ng pulisya ang mahigit 26 na milyong pisong halaga ng hinihinalang high-grade marijuana o cush sa isang coastal area sa San Vicente, Palawan.
01:13Ayon sa pulisya, isinuko ng isang grupo ng kabataan ng iligal na droga matapos itong matagpuang palutang-lutang sa dagat ng sityo Gawid.
01:21Hawak na ng Palawan Forensic Unit ang iligal na droga.
01:25Nahuli kamang pagsalpok sa railings ng isang lalaki na sakay ng kanyang motorsiklo sa barangay Banilad, Cebu City.
01:36Nahiga siya sa kalsada at nilapitan ng ilang mga residente.
01:39Base sa pulis report, last seeing ang biktima na galing sa isang party.
01:43Nakatulog pa raw ang lalaki matapos mabangga kaya inilipat siya ng mga residente sa bangketa.
01:48Gayun din ang kanyang motor.
01:51Nakita sa CCTV ang paglapit sa biktima ng isang lalaking nakabraw na t-shirt at may kinuha.
01:57Napagalamang susipalayon ng motor.
02:00Nahuli kam din ang aktwal na pagtangay sa motor ng biktima.
02:03Kinaumagahan na yan ay report ng biktima sa mga pulis.
02:07Natunto ng motorsiklo na naibenta na kapalit ng 7,000 pisong halaga ng Shabu.
02:12Reklamang paglabag sa anti-fencing law ang isasampan ng mga pulis sa lalaking tumanggap ng ninakaw na motor.
02:19Iniimbestigahan din ang pagbigay niya ng Shabu sa kawatan kapalit ng motor.
02:31Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
02:35Patay ang magkapatid na lalaki sa Cebu City matapos barilin itong mismong araw ng Pasko.
02:40Cecil, sino yung bumaril sa mga biktima?
02:45Rafi, dalawang kapitbahay nila ang nasa likod ng pamamaril.
02:50Ayon sa investigasyon, biglang pumasok ang mga sospek sa bahay ng mga biktima.
02:55Unang binaril ang mas nakatatanda sa dalawang biktima na kakalaya lang umano mula sa kulungan
03:00at sinasabing target ng mga sospek.
03:03Nang makita ng nakababatang kapatid ang sinapit ng kanyang kuya,
03:07sinubukan niyang tumulong.
03:08Pero siya naman ang pinagbalingan ng mga sospek at binaril din.
03:13Nahuli ang gunman matapos ang ilang oras.
03:16Pag-amin niya, paghihiganti sa mas nakakatanda sa magkapatid
03:19ang dahilan kaya niya nagawa ang krimen.
03:22Sinampahan na siya ng reklamong murder.
03:25Hinahanap pa ang kasabot niya sa krimen.
03:29Arestado ang isang babae sa Surigao City
03:31dahil sa tangkang pagdukot sa isang sanggol.
03:34Ayon sa plisya, hindi magkakilala ang nanay ng sanggol at ang sospek.
03:41Nag-along-umano ang sospek sa nanay ng sanggol na bilhan sila ng damit bilang pamasko
03:46matapos magpakilalang isang vlogger.
03:49Nang nagsusukat na ng damit ang nanay,
03:51kinuha ng sospek ang sanggol at saka tumakas.
03:54Matapos magsumbong ang nanay sa mga pulis sa mall,
03:57agad naglagay ng checkpoint at nireview ang mga CCTV sa mall
04:01para matukoy kung saan nagpunta ang sospek at ang tinangay nitong sanggol.
04:05Kalaunan, naaresto sa pantalan ang sospek na papunta na sana sa Siargao Island.
04:11Pag-amin ang sospek sa pulisya,
04:13nagawa niya ang krimen dahil sa pressure mula sa kanyang kinakasama na gusto ng magkaanak.
04:18Mahaharap sa karampatang reklamo ang sospek.
04:21Sinusubukang kunan ng pahayag ang pamilya ng sanggol.
04:31Sa mga maghahanda ng lechon,
04:33ihanda na ang budget dahil mas mahal na yan habang papalapit ang medianoche.
04:38Sa lechon capital of the Philippines na Lalooma, Quezon City,
04:411,400 pesos ang kada kilo ng lechon.
04:44Ang 4 to 5 kilos ng lechon, 12,000 pesos ang presyo.
04:4813,000 pesos naman kung 6 to 7 kilos.
04:52Ang malalaking lechon na 14 hanggang 21 kilos,
04:55nasa 19 hanggang 23,000 pesos.
04:59Sabi ng ilang nagtitinda,
05:00mas mahal ang lechon ngayon dahil mataas ang demand sa karneng baboy.
05:04Lumaki rin daw ang kanilang gastos
05:06para tiyaking walang African swine fever ang mga panindan nilang baboy.
05:10Magkahihwilay na nararatipikahan ngayong araw ng Kamara at Senado
05:17ang Bicam Report sa P6.793 Trillion Peso 2026 National Budget.
05:23At para walang duda sa paggastos,
05:25magkakaroon din daw ng transparency portal para sa proyekto ng mga ahensya.
05:29Balitang hati din Jonathan Andal.
05:31People-centered budget ang tawag ng mga senador at kongresista
05:40sa pinirmahan nila kahapon na Bicameral Conference Committee Report
05:44para sa P6.793 Trillion Peso 2026 National Budget.
05:49Ang gusto po namin itawag dito sa budget na ito
05:52ay isang people-centered budget.
05:54Ito pong budget na ito ay talagang pinaghirapan na buuin ng Kongreso at ng Senado
06:01at ginawa po namin ang lahat para ito po ay maging transparent, accountable.
06:07This is a product of the very first open Bicam in history.
06:13Ito naman po ay ginawa po natin dahil gusto po natin
06:16maibalik ang tiwala ng taong bayan sa ating pamalaan.
06:20Mamaya ng hapon, raratipikahan na ng hiwalay ng Kamara at Senado
06:24ang Bicam Report ng budget para maging General Appropriations Bill
06:28na ipapadala rin daw agad mamaya kay Pangulong Bongbong Marcos
06:31para pirmahan o di kaya i-veto kung may hindi a-aprubahan.
06:35Confident naman kami na walang mabiveto dito
06:37dahil very close yung aming coordination sa executive
06:40at very close yung coordination namin sa mga ahensya.
06:44Wala pong pork barrel sa 2026 budget.
06:46Dati nang sinabi ng Malacanang na pag-aaralan muna ng Pangulo
06:49ang 2026 budget kaya sa unang linggo na ito ng Enero mapipirmahan.
06:53Isa sa mga pagbabago sa 2026 budget ay ang pagbabawal na sa mga politiko
06:58na makialam sa pamimigay ng ayuda ng gobyerno.
07:01Lahat po ng types, AX, MAIP, TUPAD, covered na po yun.
07:06Mayroon pong prohibisyon sa political involvement.
07:08Hindi rin sila pwedeng maglagay ng mga tarpaulin or paraphernalia
07:14during the distribution.
07:16Para iwas korupsyon naman at para madaling bantayan
07:19ang paggasto sa kaban ng bayan,
07:21iniutos na ngayon sa 2026 budget
07:23na magkaroon ng mga ahensya ng Transparency Portal.
07:26So meron po doon project monitoring, project status,
07:29nandun na po kung na-bid, magkano na-bid,
07:32sino yung contractor, ano yung actual status
07:35na implementasyon ng mga proyekto.
07:37So yun po talaga yung main safeguards natin
07:40para siguraduhin na lahat mo ng mga proyekto
07:42ay nai-implement ng tama.
07:44Sa 23 senador at kongresistang miyembro ng BICAM,
07:48labing isa lang ang humarap kahapon at personal na pumirma.
07:51Higit kalahati ang wala.
07:53Yung mga hindi nakapunta,
07:54nagpadala ng authorization for their e-signatures.
07:57All 11 BICAM members will vote in favor of the ratification
08:01of the BICAM RAL conference committee report.
08:03Naka-official business po sila sa ngayon.
08:07Nilinaw naman ni Swan Singh na hindi ni-implementyahan
08:09ng liderato ng Kamara ang mga kongresista
08:11para bumoto sa 2026 budget.
08:13Yan yung matapos sabihin ni Batangas Rep. Leandro Leviste
08:16na inalok daw siya ng incentive
08:18na P151M na alokasyon sa 2026 budget
08:23ng isang abogadong nagpakilalang galing daw sa opisina ni Swan Singh.
08:27Hindi po ini-implementyahan ng House leadership
08:30ang sino mang individual na miyembro ng kongreso,
08:34ng Kamara na bumoto kung paano mang paraan.
08:39Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended