Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pino na ni Sen. Sherwin Gatchalian sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na may ilang contractor na nakakuha ng bilong-bilong pisong halaga ng flood control projects kahit mababa lamang ang kapital.
00:12At kag-unay niyan, makakapanayan po natin si Sen. Gatchalian. Magandang tanghali po at welcome sa Balitang Hali.
00:18Magandang tanghali at magandang tanghali sa ating mga tagapakonun.
00:22Opo. Sa nakaraang hearing nga po, sabi niyo, lima sa top 15 contractors ang mababa yung kapital. Pero ang dami hong kontrata at bilyon-bilyon pa. Ano po bang implikasyon niyan at bakit kaya dapat ma-alarma na tayo dyan?
00:37In fact, nakita namin dito sa labing-limang listahan, tatlo doon ay single proprietor.
00:43At nakakapagtaka dahil ang single proprietor normally sa mga maliliit na negosyo yan tulad ng grocery, hair salon, sari-sari store.
00:53Pero itong pinatawag namin sa Senado, yung QM Builders, single proprietor siya pero ang kanyang kontrata ay limang bilyon.
01:02Kaya kakaiba ang nakikita namin. At para sa akin, red flags ito. Dapat mapag-aralan ng mabuti.
01:10Ang implikasyon nito, kung mababa ang kapitalisasyon ng isang kumpanya, kung marami siya kontrata, madi-delay yung proyekto at magkukulang siya ng kapital.
01:22At yan din yung mga nakikita namin na maraming proyekto ang delay, marami ang PAO dahil nga kulang sa kapitalisasyon yung kumpanya.
01:32Pero di ba, hindi na ito ang unang beses na napag-uusapan, yung maliit po yung kapital ng isang kumpanya.
01:39Nangyari na rin ito sa Farmally, if I remember it correctly.
01:43Ano na ho, batay po doon sa mga napag-usapan, doon sa mga previews na ganito hong klase ng problema,
01:50ang nagawa na ho natin ng batas para hindi ho naman nauulit pa ito ulit?
01:55Itong kaso ng DPWH, meron silang mga regulasyon na tinitignan yung kumpanya.
02:04Kung yung kumpanya may kakayahan, yung kumpanya kaya kumuha ng maraming proyekto,
02:10ina-accredit rin ito ng PCAB, yung Construction Regulator.
02:14So, titignan namin lahat ito at sisiguraduhin natin na dapat lang yung mga kumpanyang mayroong kakayahan
02:22ang sumali dito sa mga malalaking proyekto.
02:27Ang nangyayari kasi, ito nakikita naman natin, na yung mga proyekto substandard, hindi maganda yung quality.
02:33At pangalawa, maraming delay ang nangyayari.
02:37So, ibig sabihin itong mga kumpanya na ito ay nagtitipid.
02:40Nagtitipid sila dahil kulang sa kapital, o nagtitipid sila dahil gusto nila mas malaki yung kanilang kita.
02:46At hindi ganitong mga kumpanya o contractor ang gusto natin pumasok sa gobyerno.
02:52Obviously, meron hong mga kasabwat. Hindi ho ba kung ganyan?
02:55Ama, sigurado yan. Lumabas na yan sa privilege speech ni Senator Lacson
03:00sa pag-imbestiga ng ating Pangulo.
03:06Pumunta siya sa iba't ibang lugar. Nakikita natin may ghost projects.
03:11Yung mga ghost projects, hindi mangyayari yan kung walang sindikato.
03:14Dahil sa pag-award pa lang ng kontrak hanggang pang-inspect ng kontrak,
03:19kausap na nila ang lahat. Hanggang pang bayad.
03:22Pagbayad ng kontrata, may kausap na sila sa loob.
03:26Kaya nakikita namin na mayroong sindikato.
03:29Ang kagandahan dito may mga pangalan na.
03:31So, yun ang aming uunahin patawag at sisiguraduhin natin may mananagot dito.
03:35Okay, pero yung pagdating ho sa tagal siguro,
03:38nung paglilitis nitong mga sinasabi natin, mga kakakasuhan,
03:44sabi nila masyado mabilis daw makalimot ang mga Pilipino
03:47sa tagal din ng mga desisyon minsan sa ating mga korte.
03:51Ano ho ang sinasuggest ninyong paraan para makita right away
03:55na talagang masusolusyonan at mabibigyan ng karampatang mga kaparusahan,
03:59lalo na yung mga sinasabi kung may mga kumupit o nag-insert kaya sa ating budget.
04:07Totoo yan, Connie.
04:08Isa sa mga hinaing ng ating mga kababayan,
04:10mga frustrations ng ating kababayan,
04:12kasama na ako,
04:14yung mabagal na pag-usad ng mga kaso
04:16sa prosecution level or sa korte,
04:21sa ombudsman level,
04:22mabagal talaga yung pag-usad.
04:27Kaya kailangan natin dito yung tinatawag natin
04:29whole of government approach.
04:30Lahat dapat ng sangay ng gobyerno gumagana at mabilis.
04:34Kahit na ang Senado mag-imbestiga,
04:36mag-recommend kami mag-file ng kaso sa ombudsman,
04:39pero kung mabagal naman yung takbo,
04:42walang mangyayari rin.
04:43Kaya kailangan rin namin yung kooperasyon ng iba't-ibang ahensya
04:47at iba't-ibang mga constitutional bodies
04:49para malabanan itong korupsyon.
04:52At sangayon kayo na dapat bumuuho ng third party
04:56na mag-iimbestiga po?
04:59Ako sa aking committee,
05:02meron kaming kinuha ng mga engineering firms
05:04para tumulong sa amin.
05:08Admittedly, very complicated at technical ito.
05:10Pag binasa natin yung libro,
05:13ano siya, puro coordinates.
05:15At kung hindi ka engineer,
05:17mahirapan ka talaga at sundan.
05:19At dapat rin lumabas ng opisina.
05:21Tulad ng ginagawa ng ating Pangulo,
05:23gumagawa ng inspeksyon,
05:25para makita talaga kung ano yung nangyayari sa labas,
05:28hindi lang sa libro.
05:29So, gagamit kayo ng mga independent at third party
05:33engineering firms para matulungan tayo.
05:36Sana ko hindi miyembro ng DPWH din.
05:39Actually, tama ka dyan, Connie.
05:42Napakaganda yung punto mo.
05:43In fact, mayroon kami isang organisasyon
05:45na gusto sanang itap.
05:47Pero nalaman namin,
05:48yung presidente ay taga DPWH pala.
05:51At yung mga membro, taga DPWH.
05:53Kaya hindi na namin tinawagan yun
05:55dahil walang saysay lang.
05:57Kasi kung sila gagawa at investigan yung sarili nila,
06:01wala rin mangyayari.
06:02Meron pa ho ba tayong nakikita
06:04ang iba pang mga ghost projects?
06:06Kasi ang pinag-uusapan pa lang ho natin dito
06:08yung sa flood control.
06:09Wala pa yung infra ng DPWH.
06:12Ano ho ang mahaba-habang usapin ho ito
06:15at pag-iimbestiga talaga?
06:17Tama ka dyan.
06:18Wala pa yung tulay,
06:19wala pang kale,
06:20wala pang buildings,
06:21wala pang classroom.
06:23Marami pa.
06:24Pero sa tingin ko kasi
06:26dahil itong mga flood control
06:27nakita natin sa mga letrato at video,
06:30nasa liblib na lugar.
06:31Hindi mo siya makikita talaga.
06:34Hindi tulad ng classroom
06:35na ginagamit araw-araw
06:36at nakikita ng mga magulang.
06:39Ang kalya naman,
06:40araw-araw dinadaanan din.
06:42Pero itong flood control,
06:43hindi dinadaanan.
06:44Pag tag-ulan,
06:45pag summer season,
06:47hindi mo maramdaman.
06:48At nakita ko na nasa malalayang lugar.
06:51Kaya kung hindi mo talaga sasadyain,
06:53hindi mo makikita.
06:55So tingin ko na yan ang isang dahilan
06:57kaya paborito ng mga tiwaling contractor
07:00at sindikato
07:00ang mga flood control projects.
07:02At sumagot na ho ba
07:03yung pinasupina na walong iba pang contractors
07:06na hindi ho dumalo sa nakaraang hearing?
07:09Hindi pa ako nakakakuha ng update,
07:13Connie, pero
07:14kung hindi sila
07:17sisipot sa supina,
07:21ang next niyan ay contempt.
07:22Makukulong na sila.
07:24Alright.
07:24At kailan ho ang ating susunod na hearing?
07:27Kausap po si Senator Mark Coleta,
07:29ang aming chairman.
07:30At tinitignan namin sa susunod na linggo
07:33ay magkakaroonan ng hearing.
07:34At makaasap po ang taong bayan
07:36na mayroong mananagot dito
07:38at mayroong tayong sasampahan ng kaso
07:40at dapat may makulong.
07:41Maraming pong salamat
07:42sa inyo pong binigay sa aming oras
07:44dito sa Balitang Hali, Senator.
07:45Maraming salamat, Connie.
07:47Yan po naman si Sen. Sherwin Gatchalian.
07:49Samantala,
07:50susubukan po namin kunan
07:51ng pahayag
07:52ang QM Builders.
07:53Sous-titrage Société Radio-Canada
Comments

Recommended