Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00So, nice investigation ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga anomalya sa flood control projects.
00:05Kausapin natin sa Senate Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta.
00:09Magandang hali po at welcome po sa Balitang Hali.
00:12Magandang hali, Raffi.
00:14Apo, ano pong assessment nyo sa unang araw ng pagdinig ng inyong komite dito sa anomalya sa flood control projects?
00:20Kasi yung inilatag namin mga premises sa aking palagi naman ay matagumpay namin naipaalam sa publiko kung saan ang direksyon ng aming unang mga pagdinig.
00:39Unang-una, napatunayan namin na talagang walang coordination ang mga hensya ng gobyerno na napapanukala ng mga flood control projects.
00:52Kung ang pag-uusapan ay yung comprehensive master plan.
00:57Nagtataka ko kahapon, kahit na yung ating Secretary of DPWH,
01:01hindi niya kabisado na ang may mandato pala ng comprehensive flood control planning ay yung tinatawag nating River Basin Control Office.
01:17Isang maliit na opisina na nandyan sa ating DNR.
01:21Ngayon, kung yung mandato na yun na ginagawa ng maliit na opisina na yun ay patuloy na na-overlook ng DPWH na siya yung pinakamalaking ahensya na nagsasagawa ng ganitong klaseng proyekto,
01:38talagang walang coordination.
01:40Kaya doon pa lang, napatunayan na namin, hindi talaga integrated ang mga flood control projects na kanilang ipinupundar.
01:50Pero Senador, na-establish din namin na sa umpisa pa lang ay inamin na nila na talagang mayroong mga ghost projects ng ating mga flood control na kanilang nailatang.
02:07Yan ang gusto naming unahin dahil kinakailangang mailista na natin habang ginagawa nila yung sinasabi nilang maalakihang pag-uusisa, pag-iimbestiga dyan.
02:20Importante na mapatunayan natin kahit na magtagal tayo ng konti, sapagkat yan naman ang inihintay ng ating mga mamayan na sa lahat ng pagdinig na gagawin natin, may mangyayari.
02:32Palagi kasi nasuya ng mamayan na puro na lang pagdinig, puro pagdinig na lang.
02:37Wala namang naipapakita na mananagot, lalong-lalong na yung mapaparusahan, sapagkat pera ng bayan ang pinag-uusapan.
02:46Yan ang gusto nating makita.
02:48Yun nga po sa naitatanong ko, ngayon lang po ba nabunyag?
02:51Una, yung sinabi nyo na may USPC na pala na nagko-coordinate dapat nitong mga proyektong ito.
02:56Pero largely, ngayon lang po ba nabunyag na may ganito talagang kalaking anomalya?
03:00O alam na at napabayaan lamang? O pinabayaan?
03:02Alam naman natin na talagang may anomalya sapagkat sa dami ng mga flood control projects na nilalatak,
03:13ay bakit naman taon-taon ay palagi na lang tayong binabahas.
03:18Ibig sabihin, talagang hindi coordinated, hindi integrated, lalong-lalo na hindi tama ang pagsasagawa ng mga flood control projects.
03:26Lalong-lalo na kapag nabusisi na namin, sino-sino yung sa procurement pa lang, pagkatapos sino-sino yung nakakakuha ng mga kontrata,
03:36of course, na-identify na ng Pangulo na may favorito lang kayong labing-limang contractors na imposible naman sa lahat ng regions.
03:46Halos nandun sila lahat.
03:50Mahigit na 2,400 ang ating mga accredited contractors, pagkatapos labing-lima lang.
03:56Ang palaging nakakakuha ng mga projects, mayroong talagang problema dito.
04:03Mayroong nagkukutsabahan dito. Yan ang gusto nating matukoy.
04:08Ano ang gagawin nyo kapag hindi pa rin sumipot itong inyong mga pinasabpina ng mga contractors at hindi tumugon sa inyong sabpina?
04:14Ano ang gagawin ng inyong komite?
04:17Ayaw kong isipin na hindi sila susunod.
04:19Kasi ang nangyari, 7 out of 15 contractors na pinatawag namin ang nakarating naman.
04:27Yung iba ay nagpadala ng representatives.
04:30Ngunit yung walo ay nagsabi namin, sakit, pinagbigyan na yan.
04:37Kaya lang, sinubpina na sa susunod na pagdinig, kinakailangan dumalo sila.
04:43Kung hindi, mapipilitan tayong gamitin natin ang puwersa ng komite na mapadalo natin sila.
04:51In aid of legislation po itong mga pagdinig ng Senado, ano mga batas na po nakikita nyo yung kailangang baguhin o buuhin sa ngayon?
05:00Napakarami. Unang-una, napansin na lang namin dito sa alam.
05:04Bakit yung isa na dumalo kahapon, assault proprietorship lang siya.
05:11Nagpataka ko, paano siya nabigyan ng quadruple A?
05:16Ang pinag-uusapan natin dito yung Philippine Construction Appreditation Board.
05:19Doon pala ang problematic na.
05:21Pagkatapos kung yung lima, doon sa labing lima, ay halos nag-ooperate sa labing walong regions ng ating bangsa.
05:31May problema doon sapagkat makikita mo na nagpapalitan na lang sila, nagkakahiraman na lang sila ng lisensya.
05:38Kasi ang isang proyekto, merong dedicated na technical equipment at saka technical personnel.
05:44Kapag meron kang project sa isang lugar, at na-dedicate mo na yung technical mo roon, hindi mo na pwedeng gamitin sa ibang lugar.
05:53Ang nangyayari, kung 18 regions tayo, pagpalagay na lang in 15 regions, ay meron silang project simultaneously being undertaken, imposible yun.
06:04Ibig sabihin, meron siyang mahigit na 85 na technical, gagamitin yun ang pool of technical.
06:11Hindi po pwede yun.
06:12So dito sa procurement, nagkakapalitan lang eh.
06:17Nagkakaroon lang ng joint venture, hindi qualified, pagkata sihiramin yung lisensya.
06:22Lahat ng ito, kailangan-kailangan ay masolusyonan natin, makorekt natin.
06:27Senador, paano po pag may lumabas na pangalan ng mga kongresista, ano pong gagawin dito ng inyong komite?
06:33Meron tayong inter-parliamentary courtesy.
06:38Anong inter-parliamentary?
06:39Bakit? Hindi naman namin ipatatawag yung mga congressmen eh.
06:43Ang ipatatawag namin, halimbawa, yung mga congressmen na nakontrakto, di patatawag namin yung kanyang kumpanya.
06:50O eh siyempre, meron naman silang mga board of directors doon, meron silang chairman, baka may presidente.
06:58So ang tatawagin namin ay yung mga ofisyalist noong kanilang construction company.
07:04O eh di doon lang, magkakaalaman na kami, sino ba yung nasa likod mong congressman?
07:09Eh malalaman na natin doon.
07:11Eh paano mapapanagot itong mga public officials na sangkot sa mga ganitong anomalya?
07:16So paano mapapanagot? Maraming tayong batas para sila'y panagutin.
07:22Mm-hmm.
07:24Okay. Well, sige, aabangan po natin yung inyong pagpapatuloy ng pagdinig at kung may mga lubabas pang pangalan dito sa inyong session.
07:32Maraming salamat po sa oras na binahagin nyo po sa binitang halik.
07:34Salamat din, Raffi. Sana ay makapagtyaga kayo na sundan ninyo ang development ng mga pagdinig na ito.
07:41Makakaasa po kayo si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta.
07:46Mga pagdinig na ito.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended