00:00Inabot na ng Pasko ang paghanap sa isang pari ng Archdiocese of Palo sa Tacloban City na nawala nitong Martes.
00:09Ayon sa polisya, December 23, huling nakita ang pari na si Father Edwin Coutts Caintoy, Cura Paroco, ng San Jose del Malibago Parish.
00:20Inihatid pa umano siya ng kanyang sakristan gamit ang motorsiklo bago sumakay ng isang bus at bumaba sa kanto ng isang simbahan sa naturang lungsod.
00:31Nagip din siya ng CCTV habang naglalakad sa isang mall sa lugar pero hindi pa rin siya nakikita hanggang ngayon.
00:39Kaya panawagan ng mga otoridad sa sino bang may impormasyon sa kinaruroonan ng pari makipagugnayan sa Archdiocese o sa Babatgon Police Station.
00:50Nasa screen po ninyo ang kanilang mga numero.
Comments