Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naamataan ang isang buhawi sa gitna ng masamang panahon sa Negros Oriental.
00:04Ulan at baha naman ang naranasan sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga probinsya.
00:09Nakatutok si Ian Cruz.
00:15Unang araw pa lang ng taon pero na perwisyo na agad ng baha
00:18ang ilang bahagi ng Metro Manila kasunod ng malakas na pagulan kagabi.
00:22Sa Valenzuela City, marami ang stranded nang nagmistulang ilog ang kalsada
00:27pasado alas 7 kagabi.
00:30Sa isang gasolinahan naman sa karuhatan, Animo ay naging swimming pool.
00:35Sa ibang lugar, umabot pa na hanggang dibdib ang baha.
00:41Sa Navotas, bumaha rin sa ilang kalye kasabay ng buhus ng ulan.
00:49May mga binaharing kalsada sa Quezon City tulad sa Commonwealth na halos
00:53wala nang maaninag ang mga motorista dahil sa lakas ng ulan.
00:57Nakaranas din ang masamang panahon sa iba pang bahagi ng lungsod.
01:02Kanina umaga, kulay putik na baha naman ang naranasan sa mga bayan ng Victoria
01:06at nauhan sa Oriental Mindoro kasunod ng pagulan.
01:10Ayon sa pag-asa, shear line o ang pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin
01:16ang nagpaulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.
01:21Rumagasari ng baha sa ilang pangunahing kalsada sa bayan ng Valle Hermoso sa Negros Oriental kasunod ng ulan.
01:28May mga motorsiklong tumirik dahil sa hanggang binti na lalim ng tubig.
01:33Easterlies naman at localized thunderstorms ang umiiral sa Negros Island region ayon sa pag-asa.
01:40Bukod sa baha,
01:43may buhawi ring namataan sa barangay Ulay sa Valle Hermoso, Negros Oriental.
01:51Kinumpirma yan ang pag-asa.
01:52Paliwanag nito, nabubuo ang buhawi kapag may thunderstorm pero di rin ito nagtatagal.
01:58Sa Tagaytay, Cavite,
02:03halos zero visibility naman ang mga kalsada sa kapal ng fog sa barangay Daptap West kaninang umaga.
02:09Maraming sakyan ang nagbukas na ng hazard at fog lights para iwas aksidente.
02:15Nagpaalala rin ang mautoridad sa mga motorista na magingat sa pagumaneho
02:20dahil sa madulas ang kalsada, bunsod ng ambon at moisture na mula sa hamog.
02:25Ayon sa mga residente, karaniwa nilang nararanasan ang makapal na fog tuwing unang bahagi ng taon dahil sa amihan.
02:34Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended