Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Super Typhoon Pepito
00:30Sa barangay Cobo sa bayan ng Pandan sa Catanduanes, kalunos-lunos ang sinapit ng mga manging izda.
00:40Dalamang bangka na lang kasi ang naiwan matapos wasake ng mga bangka ng storm surge dulot ng bagyong uwan.
00:48Doble ang sakit na nararamdaman ng manging izdang si Fernando.
00:52So, bukod sa nawalan ng kabuhayan, nasira rin ang bangka na nabili niya sa halagang 60,000 piso.
01:00Ano pa lang yun? Apat na buwan? Kaya wala pa akong ano ninyo. Hindi ko pa mabawi yung binili ko dun.
01:13Sabi ko nga, baka may gobyernong tumulong.
01:18Pangingisda ang pangunahing kabuhayan sa lugar, kaya ang panawagan ni Fernando.
01:25Namihingi po kami ng tulong sa panghanap buhay sa dagat.
01:33Kasi yun lang kinabubuhay namin dito.
01:37Ang kanyang kapitbahay na si Elizabeth naman, na anod ang bahay ng malakas na alon.
01:43Kaya pansamantala siya nakatira sa bahay ng kanyang tiyahin na winasak naman ang pader ng storm surge.
01:52Dito po naman lang kami ang titira muna kahit na walang bubong.
01:55Pag umungulan, lilipat na lang kami diyan kahit saan na tabi-tabi.
01:58Nung nakaraang taon, nang humagupit din sa barangay Kobo ang super typhoon Pepito.
02:03At ngayon naman, pinadapa ng bagyong uwan ang kanilang pier at ilang kalsada.
02:08Para maibsan ang kanilang kalbaryo, hatid ng GMA Kapuso Foundation ang food packs
02:14para sa mahigit labing 6,000 individual sa bayan ng pandan, bagamanok, birak, panganiban at karamoran.
02:23Sa gitna ng unos na dinulot ng nagdaang bagyong tino,
02:27kanya-kanyang paraan ang bawat pamilyang apektado para manatiling ligtas.
02:32At hanggang ngayon, ramdam pa rin ang marami sa ating mga kababayan
02:37ang bigat ng iniwang dagok ng bagyo.
02:40Kaya tuloy-tuloy pa rin po ang pamamahagi natin ng tulong
02:44sa Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation sa mga nasalantang lugar.
02:54Bubungan at kisabi ang naging takbuhan ng marami nating kababayang
02:58sinalantan ng bagyong tino sa bansa nitong buwan.
03:02Ang pamilya ni Edlin mula sa konsolasyon sa Cebu,
03:06kasama sa mga umakyat sa kanilang kisame dahil sa mabilis na pagtaas ng baha.
03:11Sinira po namin yung isang, parang isang ganun po, para lang makaakyat kami.
03:16But delikado din po kasi, hindi po kasi, hindi po kasi matiba yung kisame.
03:22Pwede kami malaglag sa baba.
03:24Nang humupa ang baha, makapal na putik ang tumambad sa kanila.
03:29At hanggang ngayon, pahirapan pa rin daw sa paglilinis.
03:33Limitado lang daw kasi sa apat na oras ang supply nila ng tubig kada araw at wala pa rin kuryente.
03:42Kisame rin ang naging takbuhan ng pamilya ni Efren sa hinunangan Southern Leite.
03:47Hindi naman kami pwedeng lumabas kasi malakas na ang tubig sa labas.
03:52First time namin nangyari ito kasi yung unang bagyo udit, wala namang baha.
03:57Hangin lang yun at saka ulan.
04:00Ngayon lang itong baha at saka may dala pang putik.
04:04Sa ilalim ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation,
04:10namahagi tayo ng food packs sa 24,000 individual sa Cebu at Southern Leite na nasalanta ng Bagyong Tino.
04:19We are very much thankful po kasi po our people, most especially Barangay Danglag and the other affected po,
04:26really needs food and water po.
04:28And one of the instrument po na pumunta is kayo po para matulungan po sila.
04:34At tayo sa lawak ng pinsalang iniwan ang bagyo,
04:38patuloy pa tayong namamahagi ng tulong sa Cebu, Negros Occidental at Palawan.
04:44Sa kabila ng malakas na hangin at naluyong na dala ng Super Bagyong Uwan,
04:49nanatiling matatagang ating ipinatayong school building sa Katanduanes.
04:53Bukod sa dito hinuhubog ang kinabukasan ng mga mag-aaral,
04:59naging silungan din ito ng ilang residente sa panahon ng kalamidad.
05:08Kakulangan sa mga silid-aralan ang isa sa kinakaharap ng mga guro sa Bakak Elementary School sa Bagamanok, Katanduanes.
05:17Noong nakaraang taong kasi, isa ang eskwelahan sa sinalanta ng Bagyong Pepito.
05:24Lubhang na pinsala ang mga silid-aralan na tuluyan ang hindi mapapakinabangan sa paghagupit naman ng Super Typhoon Uwan.
05:34Simula po ng Pipito, Typhoon Pipito, hanggang ngayon po, dumating na naman si Typhoon Uwan, hindi pa po na-repair.
05:41Yung mga yero po, natanggal. Yung mga traces na mga bakal, na ano din, nasira po.
05:47Mahalagan na matibay, maayos, at higit sa lahat, komportable ang mga mag-aaral sa kanilang silid-aralan.
05:56Nalayunin ang Kapuso School Development Project ng GMA Kapuso Foundation.
06:01Ang pinatayo nating tatlong Kapuso Classroom at Handwashing Facility sa Mabini Elementary School sa Bayan ng Panganiban
06:11at ang pitong Kapuso Classrooms sa Palta Elementary School sa Virac, hindi natinag.
06:20Naging sandalan nga ito ng pamilya ni Clarita.
06:22May tiwala po sa pagkakagawaan nito ng GMA. At totoo naman po talaga, hindi naman po na ano. Wala namang kahit anong labaklas.
06:30Si Gary Saksirao kung paano'y pinatayo ang mga silid-aralan.
06:35Nakita ko yung trabaho talagang matibay. Karamihan sa kanila, pumupunta sila dito. Tapos pag may mga sakonang darating,
06:43sinigurado natin na matibay yung ating mga classroom pagdating sa lindol, especially sa typhoon.
06:52Dahil nga yung katandoan, situated siya sa daanan talaga siya ng mga bagyo.
06:57Sa mga nais tumulong, maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Loilier.
07:05Pwede ring online via Gcash, Shopee, Lazada, Globe Rewards at Metrobank Credit Card.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended