00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:06Pinagpapaliwanag ng LTO ang isang babaeng naglabas ng baril habang nagmamaneho sa gitna ng traffic.
00:12Sinusuri pa kung nasangkot sa road rage ang driver, pero pinatawa na ng siyam na pong araw na suspensyon ang mismong may-ari ng sasakyan.
00:21Sa informasyong nakalap ng polisya, may mga tinatakot umano ang driver, bagay na hindi makatwiran ayon sa LTO.
00:28Kung sino-sino ang target niyang takutin umano sa pagtutok ni James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
00:39Kumakalat online ang letrato ng isang babaeng naglabas ng baril habang nagmamaneho ng pickup truck.
00:45Kuha ito sa Captain Vicente Roa Street, Corner Hay Street sa Cagayan de Oro City noong December 29.
00:52Ayon sa Cagayan de Oro Police, naipit sa traffic ang driver na tukoy na nila ang pagkakakilanlan.
01:00Pero hindi pa malinaw kung nasangkot siya sa road rage.
01:03Ayon sa Land Transportation Northern Mindanao, natuntun na din nila ang may-ari ng sasakyan.
01:22Sinilbihan na rin ng show cost order ang mismong may-ari ng pickup truck na hindi anila residente ng Cagayan de Oro City.
01:28Yung sa driver, we required the vehicle owner to produce a driver on January 5.
01:36During the investigation sa initial show cost order, they have to appear in my office on January 5.
01:45Ayon sa regional office ng LTO, hindi makatwiran ang ginawa ng babaeng driver.
01:50Pusibleng suspindihin o tuluyang mawalang visa ang kanyang driver's license.
01:54Hindi ka dapat maglabas ng baril. Anong gusto mo ipakita? Manakot ka?
01:59Ay pag-road rage, pag-road rage, sorry, remocation agad ng penalty niyan eh.
02:04Nanawagan ngayon ang LTO Region 10 sa nakaalitan ng driver na makipag-ugnayan sa kanila para sa dagdag reklamo laban sa driver.
02:12Nag-request na din ang PNP ng firearm verification sa Regional Civil Security Unit upang malaman kung totoo ang baril.
02:20Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, James Paulo Yap, Nakatutok, 24 Horas.
Comments