Skip to playerSkip to main content
-Suntukan ng 2 grupo ng nagkagitgitang motorista, nagdulot ng abala sa trapiko sa Brgy. Marulas

-Mga balikbayan, inaabangan ng kanilang mga pamilya at kaibigan sa NAIA

-Ilang kabataan, nahuli-cam na nagpapaputok ng boga

-Gabbi Garcia, hindi inaasahang magbabalik ang karakter sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre"

-Libo-libong turista, sa Boracay sasalubungin ang Pasko; mahigpit na seguridad, ipinatutupad sa Caticlan at Cagban Jetty Ports

-2 Chinese national kabilang ang isang wanted sa kasong kidnapping sa China, arestado

-Libo-libong turista, dagsa sa iba't ibang atraksyon sa Baguio City para magdiwang ng Pasko

-Mabigat na trapiko, naranasan sa ilang bahagi ng NLEX kagabi

-Bentahan ng lechon baboy sa Brgy. Biasong, matumal dahil sa mahal na presyo ng buhay na baboy

-Mga namamasyal sa bisperas ng Pasko, dagsa na sa Rizal Park Luneta

-DILG Sec. Remulla: Si dating Rep. Arnie Teves ang binisita ni VP Duterte sa BJMP-Taguig at hindi si Ramil Madriaga

-Mga namimili para sa Noche Buena, siksikan sa mga palengke at grocery

-CCTV video ng mga huling sandali ni dating DPWH Usec. Cabral sa tinuluyang hotel, hawak ng mga imbestigador

-Binatilyong naligo sa Butuanon River, patay matapos malunod

-Malalaking tipak ng bato, humambalang sa kalsada sa Brgy. Anabel kasunod ng rockslide na dulot ng pag-ulan

-Julie Anne San Jose at Jamantes, may outreach activity sa Aeta community

-Video ng pag-alis ni Santa Claus para mamigay ng regalo, inilabas ng sinasabing official hometown niya sa Finland

-#AnsabeMo ngayong bisperas ng Pasko?



Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Naka-ghost signal ng traffic lights sa kalsadang iyan pero hindi makausad ang mga sasakyan dahil sa mga motoristang nagsusuntukan.
00:10Nangyari yan sa MacArthur Highway sa Barangay Marulas, Valenzuela, alas 6 ng umaga kahapon.
00:15Base sa investigasyon, git-gitan ang ugat ng rumble.
00:19Sangkot sa away ang tatlong lalaki na sakay ng isang SUV at tatlong rider na magkakaangkas sa motorsiklo.
00:26Ayon sa pulisya, nakainom ang dalawang grupo nang mangyari ang insidente.
00:30Nagkaareglo ang dalawang grupo nang magharap sila sa estasyon ng pulis.
00:34Pero sasampahan pa rin sila ng pulisya ng reklamong alarm and scandal dahil sa abalang idinulot nila sa mga motorista.
00:41Aminado ang mga sakay ng SUV na bahagyang nakainom sila.
00:44Ang mga delivery rider naman tumangging magbigay ng pahayag.
00:48Samantala inaasa ang aabot sa dalawat kalahating milyon ng pasero sa Naiya ngayong holiday season.
00:56Update tayo sa ulat on the spot ni Ian Cruz.
01:00Ian?
01:00Yes, Rafi, dito nga sa arrival area ng Naiya Terminal 3.
01:07Talagang napakasaya ng paligid dahil ang napapansin natin dito, Rafi, ay magpapamilya, magbabarkada,
01:13yung mga naghihintay para nga masalubong yung kanilang mga mahal sa buhay.
01:17Napaparating mula sa iba't ibang mga destinasyon.
01:20Yung mga iba ay magagaling sa Middle East, yung iba magagaling sa Europa,
01:24at yung iba naman ay sa kalapit lamang natin na mga bansa dito sa Asia.
01:29Doon naman, Rafi, sa departure area ay mas kakalmado yung paligid,
01:35kung saan marami rin nangahabol sa kanilang mga flight isang araw bago nga yung Pasko,
01:40yung check-in kiosk, malaking tulong para hindi nga humaba ang pila sa mga check-in counters.
01:44Ang napapansin din natin ay nagkakaroon ng pila doon sa mga counter para sa pagbabayad ng travel tax
01:50para nga sa mga kababayan natin na mga ibang bansa.
01:53Para iwas pila, may opsyon din po na magbayad ng online para sa inyong mga travel tax.
01:58At sa projection nga ng NNIC, haabot sa 2.5 million passengers ang taraan dito sa Naiya
02:04mula December 20 hanggang January 5.
02:07Pinakamaraming pasehero syempre dito sa Naiya Terminal 3.
02:11At Rafi, kahapon nga ay nasa 169,000 ang mga pasaherong dumaan dito sa Naiya
02:17o kulang 10% na mas mataas sa mga pasaherong dumaan dito sa Naiya noong nakaraang taon.
02:24Rafi, nakausap natin yung ilan sa mga pasahero na lumabas kanina-kanina lamang.
02:29Yung isa galing sa New Zealand.
02:30Tinanong natin kung kumusta yung pila doon sa immigration papasok ng ating bansa.
02:36Ang sabi nila, mabilis daw doon sa immigration counters.
02:40Pero ang nagiging imbudo pa rin doon daw sa bandang baggage claim area
02:45dahil ang sabi sa atin o ating kababayan ay umaabot ng mga 30 minutes
02:50bago nila nakuha yung kanilang bagahe at makalabas dito sa arrival hall ng Naiya Terminal 3.
02:57Pero Rafi, parang para sa kanila, maiksim panahon lamang yun dahil ang mahalaga naman
03:01ay makakasama na nila ngayon ang kanilang mga mahal sa buhay
03:04pauwi na doon sa kanilang mga tahanan para nga dito magdiwang ng Pasko sa Pilipinas.
03:10Rafi?
03:11Maraming salamat, Ian Cruz.
03:15Ito ang GMA Regional TV News.
03:21May init na balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
03:25May mga kabataang nahulikam sa Bacolod City na gumagamit ng ipinagbabawal na BOGA.
03:30Cecil, nakausap na ba sila ng mga otoridad?
03:34Rafi, tinutukoy pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga sangkot.
03:39Nakipagugnayan na raw sila sa barangay officials.
03:42Paalala po, ipinagbabawal sa batas ang paggawa, pagbenta o paggamit ng BOGA
03:48dahil lubha po itong delikado.
03:50Pwedeng makulong o pagmultahin ang mga makuhulig.
03:53Sa Pasi Inuilo, isang limang taong gulang na batang lalaki
03:56ang hindi na makakita sa kanang mata matapos maputukan ng BOGA.
04:01Aksidente raw itong natutok sa kanya ng nakatatandang kapatid.
04:06Naoperahan na at nagpapagaling ang biktima.
04:09Ayon pa sa Inuilo Provincial Health Office,
04:11isang siyam na taong gulang na batang babae sa kabatuan
04:14ang nasabugan din ng BOGA sa kanang mata.
04:17Nabigyan na rin siya ng karampatang gamot.
04:23Avisala!
04:26Expect the unexpected sa mga bagong eksena sa Encantadda Chronicles Sangre
04:32ayon kina 2016 Alena Gabi Garcia at Pirena Glaiza De Castro
04:36na nagbabalik sa series.
04:39Tila kasi nagkaroon sila ng mini reunion
04:41at napamit and greet pa sa present at bagong characters sa Encantadda Universe.
04:47Ang latest hatid ni Nelson Canlas.
04:53Kung nagugulat ka sa plot twist ng Encantadda Chronicles Sangre,
04:58hindi ka nag-iisa.
05:00Dahil maging ang mga nagsisiganap sa top-rating telepantasya,
05:04shook din sa evolusyon ng kanilang roles.
05:07Si Gabi Garcia na gumaganap bilang Alena.
05:11Hindi na winasahan ang pagbabalik niya sa serye.
05:14Maraming nga ang humanga sa inabangang fight scene ni Alena.
05:21Nang makaharap si Hagorn na nagbalat kayong si Pirena.
05:25There's this new gen Sangres na may bago silang ginagawa sa mundo ng mga tao.
05:31Tapos meron naman kami na iba rin yung ginagawa namin sa Encantadda.
05:34Magkakausap nga kami palagi, kami nila Glaiza na parang grabe nakakagulat yung mga happenings.
05:40Ayos lang kay Pirena Glaiza De Castro,
05:42lalot nagiging posible ang mga reunion ng OG cast dahil sa plot twist.
05:48Siguro naman narinig nila na magkikita-kita ulit ang mga mag-aapoy,
05:53ang mga magkakapatid, sila Mihan, Danaya at Alena.
05:58So abangan niyo po yan.
06:00Narinig din ang awit ni Lira na mula sa OG Encantadda,
06:04isang madamdaming kanta na puno ng pangarap
06:07at pagsusumamo ang inawit ni Mikey Quintos.
06:11Mas marami pang matitinding magaganap
06:14sa mas umiinit na kwento ng Encantadda Chronicle Sangre.
06:19Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:26Libu-libong turista ang magpapasko sa Isla ng Boracay sa Aklan
06:29at mayulat ang the spot si John Sala ng GMA Regional TV.
06:33John?
06:34Rafi, ramdam na ang holiday season dito sa Isla ng Boracay
06:42at kita ito sa saya ng mga turistang pumapasok dito sa isla.
06:46Pero kasabay din ito ay ang mas pinaigting pang siguridad
06:49mula pa lang sa Katiklan Jetty Port.
06:52Dahil libo-libong ang Rafi'ng magpapasko dito sa Isla ng Boracay,
06:56mahigpit na ipinapatupad ang siguridad sa Katiklan at Kagban Jetty Port.
07:00Ito'y upang matiyak ang safety ng local at foreign tourists.
07:04Sa tala ng Katiklan Jetty Port Management,
07:06umabot sa mayigit 10,000 na turista
07:08ang pumasok sa isla ng Boracay noon palang Sabado.
07:11At mula linggo naman hanggang kahapon,
07:13ay tinatayang nasa 7,000 mga turista
07:16ang tumawid papunta dito sa isla ng Boracay.
07:18Siyempre, pagpasok pa lang sa Kagban Jetty Port,
07:21ay ramdam na ramdam na ang Pasko
07:23at mapapahinda ka pa sa tugtog ng lyre at drums na sumasalubong.
07:27May mga makukulay pang banderitas sa paligid
07:30para mag-add pa dun sa festive feels.
07:33Kung ang iba naman ay pabalik-balik na sa isla ng Boracay,
07:36meron namang mga first-timers na excited
07:38sa iba't ibang water sport activity sa isla.
07:42Dumating din kanina sa isla ng Boracay
07:44ang isang cruise ship sakay ang foreign tourists.
07:47Nakabantay naman sa iba't ibang bahagi ng isla
07:49ang PNP, PCG at force multipliers
07:52lalo na at inaasang dadagsapa
07:54ang mga turista mamayang hapon.
07:56Narito ang pahayag ng head ng Katiklan Jetty Port
08:01at ng isang turista.
08:02The influx started last Saturday.
08:08So the port naman po as is naman siya
08:10for maintaining the security.
08:12Partner po namin dito yung mga Philippine National Police,
08:15mga Philippine Army
08:16and with the sea naman po na related
08:19is the Philippine Coast Guard.
08:20Sabi nila mas masarap daw dito.
08:23Tsaka talagang yung vacation namin dito eh
08:28baka kakaiba naman.
08:36Rafi, inaabisuhan naman ng otoridad
08:39ang mga turista na bantayan
08:40ang kanilang mga gamit
08:41lalo na sa mga matataong lugar
08:43kagaya na lang ng beachfront at mga ports
08:46upang maiwasang manakawan.
08:48Yan ang latest mula dito sa isla ng Boracay.
08:50Balik sa inyo, Jan Rafi.
08:52Maraming salamat, Jan Sala
08:53ng GMA Regional TV.
08:57Sa iba pang balita,
08:58arestado sa Taytay Rizal
09:00ang isang Chinese na wanted
09:01dahil sa kidnapping sa China.
09:03Blacklisted na siya sa Pilipinas
09:05pati ang kasama niyang Chinese
09:06na nahuli rin.
09:08Balitang hatid ni John Konsulta.
09:15Pagkakuha ng senya sa asset.
09:17Sumalakay na mga operatiba
09:19ng BI Efficientive Search Unit.
09:21Una nilang pinusasan
09:25ang Chinese national
09:26na inabutan sa labas ng bahay.
09:31Inabutan namang natutulog sa sala
09:33ang Chinese ding
09:34pangunahing target ng operasyon.
09:36Meron po siyang kinakaharap na kaso
09:38sa kanilang bansa.
09:40Ayon po sa kanila,
09:41ito pong si Xi
09:42ay wanted ng Chinese police for kidnapping
09:45at meron pong standing warrant of arrest
09:48issued po ng Public Security Bureau
09:50of Jinjang City
09:51noong 2024.
09:53Mga kapuso,
09:53ito yung isa sa mga kwarto
09:55ng bahay na pinasok
09:57ng Bureau of Immigration and Infusionive Search Unit.
10:00Pero,
10:01ang isa sa mga nakaagaw pansin
10:04ay itong
10:05weighing scale.
10:07Electronic weighing scale
10:08na nandito.
10:10Merong mga maleta.
10:11at ito medyo highlight mga kapuso.
10:17Merong tatlong volt
10:18na nandito sa sulok.
10:21Merong small,
10:24medium,
10:25at large.
10:26So,
10:29hindi pa natin to koy
10:30kung ano naman
10:31yan ay nakuha
10:33sa pag-iingat
10:35nitong
10:36na-arrestong
10:38Chinese fugitive
10:40dito sa bahagi
10:41ng Taytay Rizal.
10:42Bukod sa mga gadgets,
10:43wifi radios,
10:44at cellphones,
10:45nakumpis ka rin
10:46ng reading team
10:47ang LTO driver's license
10:49ng isa sa mga
10:49Chinese fugitive
10:50na merong litrato niya
10:52pero Pilipino
10:53ang nakalagay
10:54na pangalan.
10:55Tuluyan nang
10:55naipadeport pabalit
10:56ang China
10:57ang primary target
10:58na Chinese fugitive
10:59habang ang kapwa niya
11:00Chino
11:01na unang inaresto
11:02nakapila na rin
11:03for deportation.
11:04Blacklisted na rin
11:05ang dalawa rito
11:06sa Pilipinas.
11:08John Consulta
11:09nagbabalita
11:10para sa GMA
11:11Integrated News.
11:14Tagsa ulit ang mga turista
11:15sa malamig na lungsod
11:16ng Baguio.
11:18Kumusahin natin
11:18ang sitwasyon doon
11:19sa ulat on the spot
11:20ni Sandy Salvasio
11:21ng GMA Regional TV.
11:24Sandy?
11:29Raffi,
11:29sa lamig ng simoy
11:30ng hangin
11:31ramdam ng Christmas
11:32is in the air
11:33dito sa City of Pines
11:35sa Baguio City.
11:36Hindi na nakapagtataka
11:37dahil kung inyo
11:38namang makikita
11:39mapapansin din natin
11:40na dinadag sana ito
11:41ng mga turista
11:42dahil dito rin
11:43matatagpuan
11:44ang ilan
11:45sa mga
11:45natanyag
11:46at kilalang mga
11:47tourist destination
11:48dito sa Region Cordillera.
11:52First stop
11:52ng mga bisita
11:53ang Lion's Head
11:54sa Kenan Road
11:55Cab 7, Baguio City.
11:57Daang-daang mga turista
11:58ang naisipang
11:59huminto muna rito
12:00para makapag-picture
12:01sa tanyag
12:01na landmark.
12:02Habang ang ilan
12:03sinadya naman
12:04ang baratilyo
12:04para makabili
12:05ng mga souvenir,
12:06panregalo
12:07at pampasalubo
12:08ngayong Pasko.
12:09Isa rin
12:09sa mga paboritong
12:10pasyalan
12:10ang Burnham Park.
12:12Alas 8 pa lang
12:13ng umaga
12:13may mga nakaset-up
12:14na para sa kanilang
12:15picnic.
12:16Maliban sa picnic,
12:17biking date naman
12:18ang bet ng ilan.
12:19Samantala,
12:20puspusan
12:21ang pag-renovate
12:22sa Burnham Lake
12:22na isa rin
12:23sa mga din
12:24na rayo rito.
12:25Gayun din
12:25ang Sunshine Park,
12:26ilang bahagi
12:27ng Igorot Park
12:28at Ibaloy Park.
12:29At dahil maraming turista,
12:31marami ring motorista.
12:32Ganinang alas 7 pa lang
12:33ng umaga,
12:34naranasan na
12:35ang mabigat na daloy
12:36ng trapiko
12:37sa inbound lane
12:38ng Camp 1 to Babenguet
12:39maging sa outbound lane
12:41ng Camp 7, Baguio City.
12:43Ipinatutupad na rin
12:44ng Baguio City Police
12:46ang kanilang
12:46off-land
12:47bantay trapiko
12:47ngayong Pasko
12:48para maanduhin
12:50ang volume
12:50ng mga sasakyan.
12:53Rafi,
12:54ayon sa
12:54Baguio City Police Office,
12:56pagpasok pa lang
12:57ng Baguio City
12:57ay makikita na
12:58ang mga itinalagang
12:59vacation lane
13:00sa mga kalsada
13:01na maaring daana
13:02ng mga motorista
13:03na walang sadya
13:04sa Central Business District
13:06ng syudad.
13:07Dito naman sa Burnham Park
13:08ay patuloy pa rin
13:09ang pagdagsa
13:09ng mga bisita
13:10at may mga nag-iikot rin
13:12na PNP personnel
13:13para siguraduhin
13:14ang kaayusan
13:15at kaligtasan
13:16dito sa nasabing pasyalan.
13:18Yan muna
13:18ang mga latest
13:19mula rito sa Baguio City.
13:20Balik sa Iyo Rafi.
13:22Maraming salamat.
13:23Sandy Salvasio
13:24ng GMA Regional TV.
13:28Nagkahebigat na traffic
13:29sa ilang bagay
13:30ng NX kagabi
13:31hanggang kaninang
13:32madaling araw.
13:33Ilang oras bumagal
13:34ang biyahe
13:34ng mga motoristang
13:35biyahing paprobinsya
13:36sa Norte.
13:38Balitang hatid
13:38ni James Agustin.
13:43Pasado alas 10
13:43nakagabi
13:44mabagal ang usad
13:45ng mga sasakyan
13:45sa northbound lane
13:46ng North Zone
13:47Expresswayo
13:48NLEX
13:48paglampas
13:49ng Balintawak
13:50Toll Plaza.
13:51Ganyan ang sitwasyon
13:52ng trapiko
13:53hanggang makarating
13:53sa NLEX
13:54Harbor Link
13:54Interchange.
13:56Mabagal din ang usad
13:57pagating sa may kawayan
13:58hanggang Marilaw
13:58sa Bulacan.
14:00Nagpatuloy yan
14:00hanggang pasado
14:01hating gabi.
14:02Pasado alauna
14:03ng madaling araw
14:04mabigat din
14:04ang traffic
14:05mula sa Marilaw
14:06to may kawayan
14:06exit sa southbound
14:07ng NLEX.
14:08Bumper to bumper
14:09din ang sitwasyon
14:10palabas ng NLEX
14:11Balintawa.
14:12Ang pamilya ni Oliver
14:13alas 2 sa madaling araw
14:14na pagdesisyon
14:15ng bumiyahe.
14:16Galing pa silang
14:17Santo Tomas, Batangas.
14:19Patungo silang
14:19kabanatuan city
14:20sa Nueva Ecija
14:21para doon
14:21ipagdiwang ang Pasko.
14:22Para makaiwas
14:24sa traffic
14:25may ano
14:27kasi pagkana
14:28matraffic
14:28matagal ang biyahe
14:30kaya po madaling araw
14:324 days
14:35hanggang 27
14:36Galing naman sa Taguig
14:38maaga rin bumiyahe
14:39si Carl
14:39kasama ang kanyang
14:41mga kaanak
14:41patungo sa Tarla
14:42Isasabay na raw nilang
14:44family reunion
14:44sa Christmas celebration
14:45Para makaiwas
14:47pa sa traffic
14:48dahil yun nga
14:49kagabi kasi
14:50mahaba ang traffic
14:51tayang yung gasini
14:52at yung oras
14:54kaya
14:54Sino po po
14:56punta niyo sa Tarla?
14:57Mga pamilya lang po
14:58relatives po
14:59Limang araw naman
15:01magbabakasyon
15:01sa Pangasinan
15:02ng pamilya ni Alma
15:03nakasama pa
15:04ang fur baby
15:05sa Sinamalshi at Choco
15:06Baligaling kami
15:08ng Antipolo
15:08tapos
15:09ganito kami
15:10yung oras bumiyahe
15:11kasi mayroos kami
15:11sa inits
15:12at sa traffic po
15:13Kapag maaga na
15:13kasi minyuan
15:14matraffic na po
15:15Sa Balintawag
15:16Tall Plaza
15:17mabilis ang biyahe
15:18ng mga motorista
15:19bandang alas 4
15:19ng umaga
15:20Bagyalang nagkakaroon
15:22ng pila sa mga
15:22nagbabayad ng cash
15:23James Agustin
15:25nagbabalita
15:25para sa GMA
15:26Integrated News
15:28Ito ang
15:30GMA Regional
15:31TV News
15:33Sa kabila
15:34ng kaliwat ka
15:35ng selebrasyon
15:36ngayong holiday season
15:37matumal
15:38ang bentahan
15:39ng lechon
15:40sa talisay
15:40dito sa Cebu
15:41Ayon sa mga
15:42lechonero
15:43ng barangay
15:43Biasong
15:44mahina ang benta
15:45dahil sa mahal
15:46na presyo
15:47ng buhay na baboy
15:48kaya ang dating
15:497,000 pisong
15:50lechon baboy
15:51siyam na libong
15:52piso na ngayon
15:53Nakaapekto rin
15:54sa kanilang negosyo
15:55ang iniwang pinsala
15:57ng nagdaang
15:57bagyong tino
15:58sa probinsya
15:59May ilang nasiraan
16:00ng mga gamit
16:01sa paglechon
16:02kaya nalamitahan
16:03muna
16:03ang tinatanggap
16:05na order
16:05Nasa siyam na raan
16:07hanggang
16:07100,000 piso
16:08ang kanakilo
16:09ng lechong baboy
16:10roon
16:10Sa Davao City
16:11naman
16:12lagsa
16:13ang mga mamimili
16:14ng Pang-Noche Buena
16:15sa Bankirohan
16:16Public Market
16:17Batay sa ulat
16:18ng Super Radio Davao
16:19tumaas ang presyo
16:21ng manok
16:21at ilang isda
16:23sa palengke
16:23kabilang
16:24ang pampano
16:25lapo-lapo
16:26talakitok
16:27at bangus
16:28Ayon sa ilang vendor
16:29posibli pang
16:30magpatuloy
16:30ang pagtaas
16:31ng presyo
16:32hanggang sa
16:32pagsalubog
16:33ng bagong taon
16:34Kung maraming
16:38team bahay
16:38mamayang
16:39Noche Buena
16:39ay may mga
16:40team Rizal Park
16:41Luneta rin
16:41ngayong
16:41besperas
16:42ng Pasko
16:43May ulat
16:43on the spot
16:44si Oscar Oida
16:45Oscar
16:47Ay nakuo Rafi
16:50maaga pa lang
16:52pero mga mag-anak
16:53dito sa Rizal
16:54Park Luneta
16:54eh
16:55kanya-kanyang
16:56pwesto na
16:57para sa kanilang
16:58salo-salo
16:59con Noche Buena
17:00Eh bakit nga naman
17:02hindi Rafi
17:02eh dito sa
17:03Rizal Park
17:04Luneta
17:04eh musika pa lang
17:06eh Paskong Pasko na
17:07Samahan mo pa
17:08ng samod
17:09saring palamuti
17:10eh deck the halls
17:11with bows of
17:12holly talaga
17:13ang dating
17:14Kung pamasko naman
17:15ang hanap
17:16sa Rizal Park
17:16Luneta
17:17Visitor Center
17:18mabibili
17:19ang mga produktong
17:20proudly
17:20Philippine made
17:22Para sa mga
17:23nakausap namin
17:23okay na okay
17:24daw talaga
17:25magpasko dito
17:26dala ng
17:27konti pagkain
17:28na sinamahan pa
17:29ng pananabik
17:30ng mga mahal
17:31sa buhay
17:32eh talagang
17:32ayos na ayos na
17:33Kung sa bagay dito
17:34sa Rizal Park
17:35Luneta
17:35di mo kailangan
17:36daw ng sobra-sobra
17:38kung walang baon
17:39may mga affordable
17:40na pagkain
17:40paninda
17:41at may simpleng
17:42laruan
17:42at makukulay
17:43na lobo
17:43na mabibili
17:44sa abot
17:45kayang halaga
17:46at malaya
17:47pang makakapaglaro
17:48ang mga bata
17:49at syempre
17:50pagkagat ng dilim
17:51ang pinakaabangang
17:53fountain and light
17:54display
17:54matutungayan
17:56e yan pa lang daw
17:57Rafi
17:57e Paskong Pasko na
17:59Rafi
18:00Maraming salamat
18:02Oscar Oida
18:03Sa ibang balita
18:05kinumpirma ni Interior
18:06and Local Government
18:07Secretary John de Cremulla
18:08na hindi si Ramil Madriaga
18:10ang binisita
18:11ni Vice President
18:12Sara Duterte
18:13sa kulungan
18:14Batay sa report ng Warden
18:35ang BGMP facility
18:36sa Camp Bagong Diwa
18:37sa Taguig
18:38ang binisita ni Vice
18:39noong October 19
18:40ay si dating Congressman
18:41Arnie Tevez
18:42na nakakulong doon
18:43taliwas ito
18:45sa sinabi
18:45ni Kaanang Kampo
18:46ni Madriaga
18:46na dalawang beses
18:48daw siyang binisita
18:49ng Vice
18:49Kamakailan
18:51ay lumutang
18:52si Madriaga
18:52para sabihin
18:53naghahatid umagos siya
18:54noon ng milyong-milyong piso
18:55para kay Duterte
18:56Itinanggi na
18:58ni Duterte
18:58ang aligasyon
18:59at sinabing
18:59wala siyang iniuutos
19:01kailanman
19:01kay Madriaga
19:02Hindi niya binisita
19:04sa kulungan
19:04at hindi ron niya
19:06nakausap
19:06tungkol sa kahit
19:07anong bagay
19:08Marami pa rin
19:14ang nagla-last-minute
19:14shopping
19:15ng Pang-Noche Buena
19:16sa mga palengke
19:17at grocery
19:17at may ulat
19:18on the spot
19:19si Bernadette Reyes
19:20Bernadette
19:21Rafi, bisperas na
19:27ng Pasko
19:27pero marami pa rin
19:28humahabol
19:29na mamili
19:30ng mga panghanda
19:30sa Noche Buena
19:31Pila sa supermarket
19:36na ito
19:37sa Cason City
19:38Ngayon palang
19:39kasi nagkaroon
19:40ng oras mamili
19:41o di naman kaya
19:41katatanggap pala
19:43ng Christmas bonus
19:44ng ilan
19:44Nauna nang
19:45inanunsyo ng DTI
19:46noong Nobyembre
19:47na may mahigit
19:48siyam na pong
19:49mga produkto
19:50sa Noche Buena
19:50Price Guide
19:51ang bahagyang
19:52tumaasang presyo
19:53pero sa mga palengke
19:55ilang araw
19:55bago magpasko
19:56nagtaasan ang presyo
19:58tulad ng baboy
19:59sa Litex Market
20:00na 330 pesos
20:02ang kilo ngayon
20:03380 pesos
20:04naman
20:04ang liyempo
20:05ang mga gulay
20:06naman
20:06tumaas rin
20:07tulad ng Repolyo
20:08at Petsay
20:08na tumaas
20:09ng 20 hanggang
20:1040 pesos
20:11kada kilo
20:12ang Siling Labuyo
20:14at Bell Pepper
20:14nga umaabot na
20:15ng 700 pesos
20:16kada kilo
20:17sa mahal
20:18ng mga bilihin
20:19malabor ang mga pagkasa
20:20ang 500 pesos
20:21na dati
20:22nang sinabi
20:22ng DTI
20:23na cash ang panghanda
20:24sa pamilyang
20:25may dalawa
20:26hanggang apat
20:26na miyembro
20:27magkano budget
20:30natin sa Noche Buena
20:31sa libo lang po
20:33nakasya po ba yun
20:34hindi
20:34ano pong gagawin
20:36yung discounted
20:36discounted na lang po
20:37konti-konti
20:38hanggang sa magkaroon
20:39lang po
20:39sa pagkainan
20:41pagsalusaluhan
20:42ng apat na persona
20:43hindi ma'am
20:44kasha ba 500
20:45panghanda
20:45hindi
20:46magkano po
20:47panghanda nyo
20:48siguro sa mga
20:50talking
20:51at saka
20:52may ano pa
20:53gusto pa nila
20:54ng salad
20:55siguro mga
20:56traky
20:56at saka yung
20:58giniling
20:59gagawin na lang
21:01lumpia
21:01para marami
21:02Rafi
21:07paalala
21:08sa mga
21:08mamimili
21:09mas maagang
21:09magsasara
21:10ang mga
21:11groceries
21:11at supermarket
21:12ngayong araw
21:13kaya naman
21:13maagang pumunta
21:14sa mga
21:15pamilihan
21:15para umabot
21:16sa Noche Buena
21:17Merry Christmas
21:18Rafi
21:18Merry Christmas
21:19maraming salamat
21:20Bernadette Reyes
21:21Hawak ngayon
21:23ng motoridad
21:24ang CCTV
21:25video ng hotel
21:25sa Baguio City
21:26kung saan tumuloy
21:27si dating DPWH
21:29Undersecretary
21:29Maria Catalina Cabral
21:31ilang oras
21:32bago siya matagpuan
21:33patay
21:33Nagpositibo rin si Cabral
21:35sa isang uri ng
21:36antidepressant
21:37base sa lab test
21:38Balita nga
21:39tinijun
21:39Benarasyon
21:40Mag-aalauna ng hapon
21:45noong Webes
21:46makikita sa kuhan
21:47ng CCTV
21:48si dating DPWH
21:49Undersecretary
21:50Maria Catalina Cabral
21:51na naglalakad
21:52papasok ng driveway
21:54ng Ayon Hotel
21:54sa Baguio City
21:55Makalipas ang limang minuto
21:57dumating ang kanyang SUV
21:59na minamaneho
22:00ng kanyang driver
22:01Nakuna ng CCTV
22:02ang pag-check-in nila
22:03sa hotel
22:04Bandang 1-10
22:05ng hapon
22:06inihatid ng driver
22:07si Cabral
22:07sa suite nito
22:08sa 4th floor
22:091-20 ng hapon
22:10pumasok ang driver
22:12sa kanyang kwarto
22:12Sa susunod na video
22:14nakuha 2-47 ng hapon
22:16Kumatok
22:17saka pumasok si Cabral
22:18sa kwarto ng driver
22:19saka sila makukuna
22:20ng magkasunod na lalabas
22:22Makalipas ang ilang minuto
22:24Ubalis ang SUV
22:25na pinaniniwala
22:26ang dubiretso noon
22:27sa Cannon Road
22:28bago mag-alas 3 ng hapon
22:29Ang makuhang ito
22:31ng CCTV
22:31Hawak na ng mga
22:32investigador
22:33matapos isilbi
22:34ng PNP at NBI
22:35ang sub-Pina sa hotel
22:37Eksklusibo itong
22:38nakuna ng
22:39GMA Integrated News
22:40Pero hindi na pinakita
22:42ang ibang nilalaman
22:43ng mga CCTV
22:44dahil kasama
22:45ang mga ito
22:45sa malalimang
22:47investigasyon
22:47ng NBI
22:48at PNP
22:48Naudan ang hinalughog
22:50ng mga otoridad
22:50ang hotel room
22:51ni Cabral
22:52kung saan may
22:53nakuhang kutsilyo
22:54at gamot
22:54sa kanyang bag
22:55If we're talking
22:56about the knife
22:56or the items
22:57that were recovered
22:58yung knife
22:59or self-protection
23:00while the medications
23:01we secure that
23:04we also took
23:05tissues
23:07so that we can
23:09study
23:11if these
23:13medications
23:15were used
23:16Ayon sa PNP
23:17lupa pa sa laboratory test
23:19na positibo si Cabral
23:20sa isang uri
23:21ng antidepressant drug
23:22Sabi ni Interior Secretary
23:24John Vick Rimulia
23:25Pwede nang alisin
23:26ang ang gulong foul play
23:27base sa mga ebidensya
23:28The post-mortem examination
23:30showed extensive facial injuries
23:32on the right side
23:33of her face
23:33extensive injuries
23:35on the rear
23:36of her skull
23:37extensive injuries
23:39to her
23:40the right side
23:42of her ribcage
23:44and
23:45her hands
23:47It shows a
23:48forward motion
23:50drop
23:51from the
23:53from the
23:54tip
23:55Gayunman
23:55kailangan isa ilalim
23:57sa digital forensics
23:58ang cellphone ni Cabral
23:59Kaya nag-apply na
24:00ng search warrant
24:01ang PNP sa korte
24:02para makuha ito
24:04What we have to determine
24:05is whether
24:06number one
24:07there were threats
24:08to her life
24:08number two
24:10if there were
24:11any
24:12conversations
24:13she had prior
24:14to the event
24:15number three
24:17if
24:18there were still
24:19transactions pending
24:20and number four
24:22who
24:22was she
24:23conversing with
24:24in the week
24:25before
24:25the event
24:26Absuelto
24:28na rin daw
24:28sa ngayon
24:29ang driver
24:29ni Cabral
24:30To our
24:30investigation
24:31so far
24:32we see
24:32no conclusive
24:33links
24:33with him
24:34and the
24:34fall of
24:35Yusek Cabral
24:36Dumabas din daw
24:37sa pagsusuri
24:38sa biometric features
24:39si Cabral
24:39nakatawan niya
24:40talaga
24:40ang natagpuan
24:41sa bangin
24:42sa Cannon Road
24:42Ayon kay Rimulya
24:44malapit ito
24:45sa isang
24:45overpriced
24:46rocknetting project
24:47na base sa
24:48investigasyon
24:48ay sasabit din
24:49ang dating
24:50DPWH official
24:51The fingerprints
24:52match
24:52then her
24:54pictures match
24:55all the
24:56biometric features
24:57show that
24:58it is her
25:00with great
25:01degree of certainty
25:02Naibigay na
25:03ng DPWH
25:04sa Office
25:04of the Ombudsman
25:05ang mga
25:05computer
25:06at files
25:06ng yumaong
25:07si Cabral
25:08Ayon sa DPWH
25:10galing ang mga ito
25:11sa tanggapan
25:12dati ni Cabral
25:12sa kagawaran
25:13Kasama sa mga
25:14binigay ng dokumento
25:15ang mga request
25:16ng mga opisyal
25:17habang inihahanda
25:18ang National
25:19Expenditure Program
25:20sa nakalipas
25:22na sampung taon
25:23Ayon ka Assistant
25:23Ombudsman
25:24Nico Clavano
25:25mananatiling
25:26selyado ang CPU
25:27at mga file ni Cabral
25:28hanggat di na isasagawa
25:30ang Digital Forensic
25:31Examination
25:32June Veneration
25:34nagbabalita
25:34para sa GMA
25:35Integrated News
25:36Ito ang GMA
25:39Regional TV News
25:41Patay ang isang binatilyo
25:44matapos malunod
25:45sa Butuanon River
25:46sa Mandawe
25:47dito sa Cebu
25:47Ayon sa pulisya
25:49naligo sa ilog
25:50ang 12 anos
25:51na biktima
25:51kasama ang kanyang
25:53mga kaibigan
25:53noong linggo ng hapon
25:55Bigla na lang daw
25:56nawala ang binatilyo
25:57Inakala ng tatlo niyang kasama
25:59na nauna na siyang umuwi
26:01Kalaunan
26:02hinanap sa kanila
26:03ng ina
26:03ang biktima
26:04Doon na sila
26:05nag-report
26:05sa mga otoridad
26:06na agad
26:07nagsagawa
26:08ng search and rescue
26:09operations
26:09Natagpuan
26:11kinabukasan
26:12ang bangkay
26:12ng binatilyo
26:13malapit kung saan
26:14sila naligo
26:15Sinusubukan pang
26:16makuhanan
26:17ng pahayag
26:18ang pamilya
26:18ng diktima
26:19Sarado sa mga motorista
26:23ang isang kalsada
26:24ang isang kalsada
26:24sa Sadanga Mountain
26:25province
26:25dahil sa rock slide
26:26Malalaking tipak
26:28ng bato
26:28ang humambalang
26:29sa kalsadang yan
26:30sa barangay Annabel
26:31Ay sa pulisan
26:32nangyari yan
26:33kasunod ng naranasang
26:34pagulan
26:35Tinutulungan
26:36makatawid
26:37ng mga otoridad
26:37ang ilang motoristang
26:38stranded
26:39kabilang na
26:40ang kabaong
26:41ng isang yumao
26:42Hinihintay pa
26:43ang equipment
26:43para sa isasagawang
26:44clearing operations
26:46Walang naitalang
26:47sugatan
26:47sa landslide
26:48Ayon sa pag-asa
26:49hanging-amihan
26:50ang dahilan
26:51ng naranasang
26:52pagulan
26:52sa Cordillera
26:54Administrative Region
26:55Pinangunahan
27:01ni Asia's
27:01Limitless star
27:02Julian San Jose
27:03ang isang
27:04outreach activity
27:05sa Camias High School
27:06sa Porac, Pampanga
27:08Katuwang
27:09ang fans club niya
27:10ng Diamantes
27:11na magay sila
27:12ng mga regalo
27:13at pagkain
27:13sa mga kababayan
27:15nating ay taroon
27:16Nagipag-meet and greet
27:17din si Julie roon
27:18at Gabe
27:19sa picture taking
27:21with them
27:21Say ni Julie sa IG
27:23with love
27:24ang activity na ito
27:25Warm welcome
27:26and smiles naman
27:27ang isinukli
27:28ng Aita community
27:29kina Julie
27:30at Diamantes
27:31May bonus pang
27:32dance performance
27:34para sa kanila
27:34Bago ang bisperas
27:41ng Pasko
27:41nag-ready
27:42get set
27:43at ho-ho-ho
27:44na si Santa Claus
27:46or at least
27:47yung sinasabing
27:48Santa Claus
27:49na nakatira
27:49malapit sa North Pole
27:51Sa video na inilabas
27:52ng official hometown
27:53daw ni Santa
27:54sa Finland
27:55kitang getting ready
27:57na siya
27:57na umalis
27:57mula sa Santa Village
27:59sa Finland
28:00Inihanta rin
28:01ang Christmas elves
28:02ang ipamimigay rao
28:03ng mga regalo
28:04tapos sumakay na
28:05si Santa Claus
28:06sa kanyang sleigh
28:07at umalis
28:08kasama ang reindeer
28:09So kids
28:11have you been
28:12naughty
28:12or nice
28:13this year?
28:24Isang tulog na lang
28:25abay Pasko na
28:26kung matutulog ka pa
28:27Matutulog pa siguro
28:29E handa na pa kayo
28:30para sa Noche Buena
28:31E syempre naman
28:32matutulog pa
28:33kuya
28:33Pero pwedeng hindi na
28:35bispiras na
28:36So tinanong namin
28:37ng netizens
28:38ano ang pinakahihintay nyo
28:39sa pagsalubong
28:41sa Pasko
28:42Si Easy Muyano
28:43ay pinakahihintay niyang
28:44karbonara
28:45at ampaw
28:45na galing sa kuya
28:46niyang may 13th month pay
28:48Hinihintay naman
28:49ni Ricky Luage
28:50ang mga handa
28:51tulad ng spaghetti
28:52fruit salad
28:53at lumpia
28:54Ang sarap
28:55Hindi rin syempre
28:55mawawala
28:56ang gift giving
28:57Hirit naman
28:58ni Richie Arganosa
28:59Eh handa na bang
29:00lahat sa spaghetti
29:01ngayon?
29:02Bukas
29:03at magpakailanman
29:05Ulit-ulit yan
29:06spaghetti na yan
29:07Filipino style spaghetti
29:09Correct
29:10Mga kapuso
29:10makisali sa aming
29:11online talakayan
29:12sa iba't-ibang issue
29:14Kung may nais
29:14din kayo maibalita
29:15sa inyong lugar
29:16mag-PM na sa
29:16Facebook page
29:17ng Balitang Halit
29:25sa innan
29:25hunting
29:26sa innan
29:27citoyna
29:27ha
29:28sa innan
29:28D,'
29:28ha
29:29m Eva
29:29sa innan
29:30m Eva
29:30ng
29:32wal
29:32sa innan
29:33si
29:34Il
29:35si
29:35ele
29:36sa
29:37as
Be the first to comment
Add your comment

Recommended