- 38 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Mga lalaking nagpanggap na magpapagasolina, tinangay ang kita ng gasolinahan at cellhone ng mga gas attendant
-SUV, bumangga sa concrete barriers at mga paso; driver, nakaidlip umano
-2 bus driver at 1 konduktor sa isang terminal, nagpositibo sa surprise drug test
-INTERVIEW: ASEC. ALBERT DOMINGO, SPOKESPERSON, DOH
-Mga pasahero, patuloy ang dagsa sa PITX; ilang ipinagbabawal na gamit, nakumpiska
-Maximum SRP sa karneng baboy, patuloy na ipinatutupad ng Dept. of Agriculture
-Sample ng mga ipinagbabawal na paputok, ipinakita ng PNP
-Christmas Bonus umano para sa 4Ps beneficiaries, pinabulaanan ng DSWD
-Giant Christmas Tree at ilan pang pamaskong display at paandar, tampok sa ilang panig ng bansa
-Mga namimili ng ham sa Quiapo, dagsa 3 araw bago ang Pasko
-MMDA: Provincial buses, pansamantalang pinapayagang dumaan sa EDSA ngayong holiday season
-Watawat sa Kamara, naka-half staff bilang pagluluksa sa pagpanaw ni Antipolo 2nd Dist. Rep. Romeo Acop; ipinagdasal din ng kanyang mga kapwa-kongresista
-Jak Roberto, masayang ipinagdiwang ang birthday kasama ang fans
-Libo-libong naka-costume ng Santa Claus, lumahok sa charity run
-Mga mamimili, dagsa na sa Divisoria para humabol sa pagbili ng panregalo
-Pedestrian, patay matapos masalpok ng motorsiklo sa Brgy. Sulvec; rider, nasawi rin
-Entry ng isang section sa decoration contest sa kanilang paaralan, patok online
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-SUV, bumangga sa concrete barriers at mga paso; driver, nakaidlip umano
-2 bus driver at 1 konduktor sa isang terminal, nagpositibo sa surprise drug test
-INTERVIEW: ASEC. ALBERT DOMINGO, SPOKESPERSON, DOH
-Mga pasahero, patuloy ang dagsa sa PITX; ilang ipinagbabawal na gamit, nakumpiska
-Maximum SRP sa karneng baboy, patuloy na ipinatutupad ng Dept. of Agriculture
-Sample ng mga ipinagbabawal na paputok, ipinakita ng PNP
-Christmas Bonus umano para sa 4Ps beneficiaries, pinabulaanan ng DSWD
-Giant Christmas Tree at ilan pang pamaskong display at paandar, tampok sa ilang panig ng bansa
-Mga namimili ng ham sa Quiapo, dagsa 3 araw bago ang Pasko
-MMDA: Provincial buses, pansamantalang pinapayagang dumaan sa EDSA ngayong holiday season
-Watawat sa Kamara, naka-half staff bilang pagluluksa sa pagpanaw ni Antipolo 2nd Dist. Rep. Romeo Acop; ipinagdasal din ng kanyang mga kapwa-kongresista
-Jak Roberto, masayang ipinagdiwang ang birthday kasama ang fans
-Libo-libong naka-costume ng Santa Claus, lumahok sa charity run
-Mga mamimili, dagsa na sa Divisoria para humabol sa pagbili ng panregalo
-Pedestrian, patay matapos masalpok ng motorsiklo sa Brgy. Sulvec; rider, nasawi rin
-Entry ng isang section sa decoration contest sa kanilang paaralan, patok online
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Huli ka mga pang-hold up sa isang gasolinahan sa Kalumpit, Bulacan.
00:04Arestado kalauna ng mga suspect na nahulihan pa ng iligal na droga.
00:09Balit ang hatid ni Marisol Abduraman.
00:14Nakatakip ng mukha at nakasuot ng jacket ang mga lalaking ito
00:18nang pumasok sa cashier's booth sa isang gasolinahan sa Kalumpit, Bulacan.
00:21Hinalughog at nilimas sa mga suspects ang kita ng gasolinahan,
00:30tinangay pati cellphone ng mga gas attendant.
00:33Kahit anong iyak at pagmamakaawan ng mga ito, hindi natinag ang mga salarin.
00:44Mabilis na tumakas ang mga suspects, tangay ang mga ninakaw.
00:47Ang krimen, umabot lang ng limang minuto.
00:50Agad namang nakahingi ng tulong sa mga pulis ang mga biktima.
00:53Huli sa hot versus operation ang mga salarin.
00:56Na-identify po namin kung saan pumunta.
01:00Dahil doon sa cellphone na nakuha at natangay doon sa biktima,
01:03natuntun po namin kung saan yung exact location, kung anong barangay.
01:08Ayon sa Kalumpit Police, nagpanggap ng mga nagpapagasulina ang mga suspects.
01:12Ang grupo nila ay 6 po sila.
01:16So lahat yan na nandito sa bayan ng Kalumpit ay na-aristo natin.
01:22At kaagad namin pinatawag yung mga biktima.
01:27At positibo kung pinuturo sila.
01:29Sila po talaga yung nanguhold up po doon.
01:32Ayon sa pulis siya, na-recover sa kanilang cash na tinangay sa gas station,
01:37mga cellphone, kalibre 45 baril, ice peak at isang toy gun na sinasabing ginamit sa panguhold up.
01:44Nakuhana din sila ng mga sachet ng hinihinalang shabu.
01:50Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:55Ito ang GMA Regional TV News.
02:02May iinit na balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
02:06Bumanga ang isang SUV sa mga concrete barrier sa Haro District sa Iloilo City.
02:11Cecil, anong naging pahayag ng driver?
02:14Rafi, naka-inlip daw ang driver nang mangyari ang insidente.
02:18Base sa imbisigasyon, madaling araw nitong biyernes papuntang barangay Tabuksuba ang driver mula sa bayan ng Liganis.
02:26Tumama ang sasakyan sa limang concrete barrier at ilang paso.
02:30Ligtas naman ang 45 anyos na driver.
02:34Ayon sa Traffic and Transportation Management Office ng Lungsod,
02:37ikaanim na itong insidente sa Lungsod kung saan may bumanggang sasakyan sa mga barrier.
02:42Madilim daw kasi sa lugar.
02:44May inilalatag na raw na bagong traffic scheme sa lugar para maiwasan ang mga disgrasya.
02:52Nagpositibo sa iligal na droga ang dalawang bus driver at isang kunduktor sa surprise drug test sa isang terminal sa Davao City.
03:00Ayon sa Land Transportation Office Davao Region,
03:03nagsagawa na ng profiling sa tatlo ang Philippine Drug Enforcement Agency.
03:07Kung piskado muna ang kanilang lisensya at kopyan ng registration at prangkisan ng sasakyan.
03:14May pagkakataon pa silang magpaliwanag habang hinihintay ang risulta ng confirmatory test.
03:20Ang surprise drug test ay bahagi ng OPLAN, biyahing ayos para sa Pasko.
03:24Ngayong holiday season, kabi-kabila ang mga handaan na pinupuntahan ng mga Pinoy,
03:31pero dapat pa rin mag-ingat para sa ating kalusugan.
03:34At kaugnay niyan, makakausap natin si DOH spokesperson, Assistant Secretary Albert Domingo.
03:40Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
03:43Magandang umaga, P. at magandang umaga sa lahat ng mga kaputo na nanonood at nakikilig sa ating ngayon.
03:48Opo, hindi po mawiwasan na tuwing Pasko, maraming handaan at kainan na dinadalohan ng mga Pinoy.
03:54E paano pa rin ba matitiyak na maging healthy kapag ganitong panahon?
03:59Nako, Rafi, naalala ko lang ang aking personal experience.
04:01Sigurado ako, maraming mga kapuso ang nararamdaman ngayon.
04:05Galing tayo sa mga party, imiimbitahan tayo.
04:08Hindi po natin kailangang tunggabas at kainin ka agad ng sunod-sunod ang lahat na nakikita natin na mataba, maalat, matamis at mamantika.
04:17Ang part po ng Department of Health ay hinahinay lang po, tikim-tikim, at huwag natin kalimutan yung pinggang Pinoy.
04:24Yung plato po natin, kapag ating hinati, yung sa kalangan pinon, dapat ay frutas at gulay.
04:30Tapos yung fruit salad, hindi kaunti din, Rafi, matamis yun.
04:33Pag sinabi yung frutas at gulay, yung mga salad, yan, yung mga pako salad, o kaya mga boiled and steamed vegetables, kaya rin yan.
04:40Pwede rin tayong kumain ng lechon at iba pang mga mantika, pero dapat one-fourth lang ng plato natin.
04:46Tapos yung carbohydrates, yung mga patatas, yung mga makaroni at mga kanin, dapat one-fourth lang rin ng plato natin.
04:53Yung siguro ang keyword dun, tikim-tikim lang dahil sunod-sunod nga yung mga party na pupuntahan.
04:59Tikim-tikim lang para matikman lahat ng mga inihanda ng host, hindi ba?
05:04Mismo, tama. At ang mahalaga dito is para sa mental health rin natin, yung magkakasama tayo ng ating mga kapuso.
05:10Pero yung pagkain, tikim-tikim lang.
05:12Opo. Gano'ng kalaki yung ini-increase ng mga dinadala sa ospital na may kinalaman sa alta presyon, sa stroke, kapag ganitong panahon?
05:20Overall, Rafi, napapansin natin na pag ganitong panahon, nagkakaroon tayo ng trend.
05:27Nagsimula na kami magbilang kahapon, December 21, para dito sa ating panahon na holiday season.
05:33Pero hindi pa natin mako-compare.
05:35Pero masasabi namin na throughout the years, talagang dumadami ang mga pasyente na may heart attack, may stroke sa ER.
05:42Kaya importante talaga yung ating paghihinay-hinay doon sa mga mataba, matamisa at maalat at mamandika.
05:48Dahil po ba dito, mas naghahanda na mga ospital sa mga ganitong kaso?
05:53Opo. Naghahanda po ang ospital dyan, saka ihabol ko lang rin, yung alak.
05:58Ano mo, pinakamaganda talaga, huwag na tayong uminom.
06:01Pero kung hindi matigilat, dapat iwasan natin yung tinatawag na binge drinking,
06:05yung talagang nagpapakalasing na dire-diretsyo.
06:08Kasi hindi lamang yung problema sa tayin natin at pati sa utak, baka mas trope up pag ikaw ay masyado maraming na alcohol.
06:14But at the same time, yung ating road traffic injuries, yung mga banggaan sa kalye dahil nalalasing.
06:20Of course, yung designated driver na scheme, dapat ganun pa rin po ipinapatupad, hindi ho ba?
06:26Tama po yan, designated driver.
06:28Alam niyo, sa mga barkadas, mga pamilya, merong usually na hindi talaga uminom,
06:33or mahina uminom, or may allergy sa alcohol.
06:35O kaya magpo-volunteer na talaga nga ayaw nang maminom, very good yun.
06:40Siya na po dapat ang ipagmaneho natin.
06:42Kung walang magmamaneho, kayaan po natin na matulog niya lang muna tayo, sleepover niya lang muna.
06:47E pagkatapos po ng Pasko, bagong taon naman yung inaabangan,
06:50naghahanda na po ba yung mga ospital para sa mga posibleng maputokan?
06:54Ako rapi, nagsimula na kami magtala.
06:56This early, meron na kami nakita na apat na fireworks-related injuries.
07:01Ang pinakamatanda, 23 years old.
07:03No, ibig sabihin bata, dalawa sa kanila, 9 years old, yung isa 11.
07:07Ang pakiusap po ng DOH,
07:10huwag buong hayaan ang bata na humawak ng kahit na ang paputok, legal o illegal man.
07:16Mas mataso ba o mas mababa ito kumpara sa mga nakarangtaon?
07:20So maaga pa ka, kasi wala pa lang natin maktala.
07:24Malalaman natin yan, mga bandang towards the end of the year,
07:27o pag malapit na ang January 6.
07:29Ang monitoring period kasi natin, rapi, ay December 21 to January 6.
07:33Maaga pa, may pagkakataon tayo na panatilihing mababa ito.
07:37Ayan, nasa inyo pong pagkakataon para muling magpalala sa ating mga kababayan,
07:41lalo na at may mga paputok na mga bago, yung mga hinahagis lang, hindi na sinisindihan eh.
07:45Ano pong paalala ng DOH?
07:46Yes, rapi, no? Sa panahon ngayon, una po, abati po ang DOH na maligayang pasto sa lahat.
07:53Nag-ating gawin na ligtas ang Christmas natin.
07:55Iwag pa-top na huwtario, mapanligal man o illegal, mas maganda yung community fireworks na gagawin natin.
08:01Ikalawa yung tamang pagkain, yung ating healthy diet na segurado tayo natitungkin lamang,
08:07huwag pong tokahan yung maalat, matamis, mataba at mamandika.
08:10At pinakahuli, siya healthy. Mag-helmet po, dahil ang mga helmet at seatbelt sa mga nakakotse ay nakakaprotekta
08:18habang tayo ay pupunta na sa ating mga probinsya.
08:22Okay, maraming salamat po sa oras na ibinahagin nyo sa Balitang Hali.
08:26Maraming salamat natin at magandang umaga and Merry Christmas!
08:29Merry Christmas po. Yan po si DOH spokesperson na si San Secretary Albert Domingo.
08:35Tuloy-tuloy ang pagdating sa ilang pantalan at bus terminal na mga pasaherong uuwi sa mga probinsya ngayong magpapasko.
08:41Tulad na lang sa Paranaque Integrator Terminal Exchange para sa mga biyaheng Pasadong Luzon, Visayas at Mindanao.
08:47Mailang nakumpiskang bawal na gamit tulad ng gunting, lighter at posporo.
08:52Ayon kay PITS Senior Corporate Affairs Officer, Colleen Calbasa,
08:57mahigit 200,000 ang mga biyahero sa naturang terminal kahapon at noong December 20.
09:02Inasahan nilang dadami pa ang mga pasahero sa mga susunod na araw.
09:06Sa Manila Northport naman, mahigit 3,000 pasahero ang bibyahe.
09:10Ngayong araw, papunta sila sa Uzame City, Butuan, Siargao at sa Zamboanga.
09:17Ngayong holiday season, isang apong karning baboy sa mga hindi mawawalang ingredients sa handaan.
09:22Kaya patuloy ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price dyan ayon sa Department of Agriculture.
09:27Ayon sa kagawaran, 370 pesos ang MSRP sa kada kilo ng liyampo,
09:34habang 330 pesos sa Kasim at Pigue.
09:37Sa Marikina Public Market, mas mataas ng 20 pesos hanggang 30 pesos ang presyo
09:41kesa sa MSRP dahil mahal daw ang kuha ng mga retailer sa supplier.
09:46Ang kada kilo ng liyampo ay binibenta sa 380 pesos hanggang 400 pesos.
09:52Ang Kasim, 340 pesos hanggang 350 pesos.
09:57Nananatili ring mataas ang pata at ribs na 330 pesos ang pinakamababang presyo kada kilo.
10:03Mahigit isang linggo na lang, sasalubungin na natin ang bagong taon.
10:09Nag-inspeksyon na ngayong umaga ang Philippine National Police sa mga tindahan ng paputok sa Bukawi, Bulacan.
10:15May ulat on the spot si June Veneracion.
10:19June!
10:19Raffi, pinangunahan nga ni PNP Chief Jose Melencio Nartates Jr. at Bulacan Governor Daniel Fernando
10:30ang ocular inspection dito sa mga tindahan sa Bukawi, Bulacan.
10:35Kasabay niyan ay inilabas din ang PNP ang sample ng mga 31 bawal na paputok.
10:42Ipinakita rin ang mga legal na paputok para maging guide ng mga gustong mamili.
10:47Ang inspeksyon ay para matiyak ang kaligtasan ng lahat.
10:51Mahigpit na ipinatutupad ng PNP ang patakaran na hindi dapat nalampas sa 0.2 grams o 130 sp. ang pulbura ng paputok.
10:59Dahil naman sa madalas na pagulan at mahal na presyo ng mga gamit sa paggawa ng paputok ay nagtaas ang presyo ng mga ito sa mga tindahan.
11:08Pag umulan kasi, tigil ang production ng mga paputok.
11:11Halimbawa na lang ang ordinary critis na nasa 5 pesos lang.
11:14Noong Oktubre ay naglalaro na ngayon sa pagitan ng 9 pesos and 10 pesos kada isa.
11:21Problema pa rin ng mga lihitimong nagbebenta ang patuloy na bentahan ng mga iligal na paputok sa online at mga bangketa.
11:31Binalaan naman ni General Artates ang mga chief of police tungkol sa zero tolerance policy.
11:38Kapag nabigo sila na ipatupad ang mga patakaran sa pagbebenta ng paputok at pailaw.
11:44At yan ang latest mula rito sa Bukaway, Bulacan.
11:46Balag si Raffi.
11:48Maraming salamat, June Veneracion.
11:50Sa mga nakakita ng social media posts na may Christmas bonus daw ang DSWD para sa beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Peace,
12:02hindi po yan totoo.
12:04Itinagin ang kagawaran ng mga kumakalat na online posts tungkol dito.
12:09Posible raw na ginagamit niya ng scammers para makuha ang mga pribadong impormasyon ng 4Peace beneficiaries.
12:14Huwag daw basta-basta mag-click ng link na makikita sa mga ganitong klaseng posts.
12:20Kung makakita lang ng ganitong posts, huwag na itong ipakalat at i-report ito sa mga otoridad.
12:28Marami pang lugar sa bansa ang nagpailaw na ng kanilang naglalakihang Christmas tree.
12:33May ilan ding nagbida ng iba pa nilang pamaskong display at paandal.
12:37Balitang hati ni Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
12:43Magical Christmas ang pwedeng maranasan sa Tayog Pangasinan.
12:47Tampok ang kastilyong puno ng makukulay na ilaw at flower designs.
12:52Mayroon ding panda at polar bear.
12:55Enjoy ang mga turista at residente sa performances, fireworks display at dancing fountain.
13:01Sa Alaminos City, Pangasinan, bida ang Christmas tree topper nilang isang clam na may lamang perlas.
13:11Simbola raw ito ng pagbabago at kagandahan.
13:14Pinailawan na rin ang 40-meter giant Christmas tree sa lawal ng Locos Norte.
13:21Mayroon ding giant chair at balikbayan box sa tabi ng Christmas tree na patok sa mga bata.
13:31Bukod sa kumukutikotitap, umiikot ang higanting Christmas tree sa Bae City, Negros Oriental.
13:38May taas itong 80 talampakan na gawa sa recyclable materials.
13:42Binuksan na rin ang dancing Christmas tree fountain ng Manduyud, Negros Oriental.
13:49Namangha ang mga residente sa pagsayaw ng magukulay na tubig na ipinubuga ng fountain.
13:57Sa Zamboanga del Sur, ang Alapaap, nagliwanag ng pailawin ang halos isandaang drone na gumawa ng hugis ng snowman, snowflakes, Christmas ball at Santa hat.
14:10Sandy Salvasio ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:18Kahit tumasang presyo, dagsap pa rin ang mga namimili ng hams sa Quiapo sa Maynila.
14:22May ulat on the spot si Maki Pulido.
14:25Maki?
14:25Alam mo, Raffi, maaga pa lang, siksikan na sa bentahan ng hams sa Quiapo, Manila.
14:32Sabi ng management ng tindahan na nakausap natin, kung ikukumpara, yung dami ng mga namimili, mas marami pa rin daw noong nakaraang taon.
14:41Tumaas ng 20 hanggang 40 pesos yung ibinibenta nilang hams, one-fourth ng isang kilo ang pinakakonting pwedeng bilhin.
14:48Kaya yung scrap ham, halimbawa, papatak pa rin ng 450 pesos yung one-fourth kilo.
14:55Ang sliced ham nasa 1,880 hanggang 2,000 pesos per kilo yan ha.
15:01Ang kailangang bilhin ng buo ay yung mga bone-in ham na nasa 1,900 pesos.
15:07Ilang sa mga nakausap namin, nag-budget na raw para makabili ng isang kilo at tinagsasagaan ng kilo dahil bahagi na ng kanilang tradisyon.
15:15Pero syempre, may mga nakausap pa rin tayo, nag-gitit naman sa budget,
15:19taso talagang pinaglaanan pa rin yung pagbili nila ng ham,
15:22kaya kahit na one-fourth lang ng isang kilo ay kanilang bibili para daw sa Nochebuena.
15:28Gafi?
15:29Maraming salamat, Maki Pulido.
15:33Samantala, pinapayagan ang muling dumaan sa EDSA mga provincial bus ngayong holiday season.
15:37Papayagan sila tuwing off-peak hours o alas gis ng gabi hanggang alas 5 kinaumagahan ayon sa MMDA.
15:46Simula naman sa bisperas ng Pasko hanggang January 2, 2026, 24 oras na silang pwedeng dumaan sa EDSA.
15:53Ang mga galing Northern Luzon hanggang sa mga terminal sa Cubao, Quezon City, pwedeng magbaba ng pasahero.
15:58Ang mga galing Southern Luzon naman, hanggang Paranaque Integrated Terminal Exchange at sa Pasay Terminals pwede mag-drop off ng pasahero.
16:07Ayon sa MMDA, layo nitong mapabilis ang pagdating at pag-alis ng mga bus sa mga terminal na bibiyahe ngayong holiday season.
16:16Sa iba pang balita, inalala ng kamara si Antipolo City 2nd District Representative Romeo Acop na pumanaw sa edad na 78 nitong Sabado ng gabi.
16:25Naka half-staff ang watawat sa kamara bilang pagluluksa sa pagpano ni Acop.
16:30Ipinagdasal din si Acop na kapwa kongresista bago magsimulang sesyon ngayong araw.
16:35Batay sa report ng Rizal Provincial Police, natagpuan ng bunsong anak ng kongresista na si Dr. Carla Marie Acop ang ama sa sahig ng kanyang kwarto.
16:45Si Acop ay isang abugado at retiradong police general na nagsilbing Antipolo 2nd District Representative mula 2010 hanggang 2019 at 2022 hanggang sa kanyang pagpano.
16:56Siya ay naging vice chairman ng House Squad Committee na nag-iimbestigan noon sa mga iligal na pogo sa bansa, pati sa war on drugs ng Administrasyong Duterte.
17:05Bilang dating vice chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability,
17:09isa rin siya sa mga bumusisi sa confidential funds ng Office of the Vice President at DepEd.
17:16Kasama rin siya sa prosecution team sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
17:26Extra special ang naging birthday celebration ni kapuso actor Jack Roberto.
17:32Kasama niya kasi sa selebrasyon ng kanyang fans.
17:35Mahalag raw sa kanya ang mga taong walang patid ang suporta sa kanya mula ng mag-umpisa siya sa showbiz.
17:42For his birthday, good health at consistent sources of income, ang wishes ni Jack.
17:47Thankful din siya sa blessings na natatanggap this year.
17:51Libo-libong tao ang nag-alas Santa Claus at tumakbo sa Madrid, Spain.
18:07Ready, get set, ho ho ho!
18:09Yan ang annual charity run ng humanitarian organization na Red Crocs.
18:15Imbis na sakay ng sleigh, sama-sama nilang pinuno ang kalsadang yan papunta sa finish line.
18:21Nag-ala little helpers naman ang kids suot ang kanilang elf costume.
18:28Tatlong araw bago ang Pasko, may mga humahabol pa sa pagbili ng panregalo sa Divisoria sa Maynila.
18:34Kumustahin natin ang sitwasyon dyan at may ulat on the spot si Dano Tingkungko.
18:38Gano?
18:41O, Rafi, yun yung kwento sa atin nung ilang mga namimili dito kanina.
18:45Pagdating daw nila mga bandang alas 9, alas 10, eh halos maaliwalas pa daw dito sa paligid at wala pa raw gaano karaming tao.
18:53Yun yung inasahan nila dahil lunes ngayon, karaniwang araw ng trabaho, hindi naman talaga araw ng pasyal.
18:59Pero pagsampa daw ng mga alas 11, bigla daw silang nagulat dahil bigla daw buhos yung dami ng mga tao.
19:04Kung sanggaling, eh hindi raw nila malaman kung saan at bigla buhos daw dito.
19:09At sabay-sabay, ayan na, namimili at naghahabol na mga pangregalo ngayong magpapasko.
19:14Sinek natin yung kanilang mga bayong, sabihin na lang natin mga 20-30 peraso na mga dami at laruan yung kanila mga nabili.
19:22At yung budget daw nila dyan, eh tig-1,000 piso lang daw.
19:27Yun, ang sinasabi nila, ang isa sa mga dahilan kung bakit dito sila sa divisorya namimili,
19:32dahil sigurado sila at garantizado daw na mura yung kanila mga pinamimili
19:36at nakikita daw nila mismo, nasasalat daw nila mismo yung produkto bago nila ito mabili.
19:41Bagamat yung iba, aminado, mas mura nga naman sa online shopping.
19:45At yung online shopping kasi, yun yung inerereklamo nung karamihan sa mga nagtitinda dito.
19:50Kaya nagre-reklamo sila na itong mga nakaraang linggo, eh medyo naging matumal daw talaga yung bentahan
19:55dahil marami daw yung mas pinili na yung online shopping.
19:59Pero, ang sinasabi nila, ang bentahe daw kung dito nabibili, eh quote-unquote, sabi nung isa, isang paguran na lang.
20:07At hindi na raw kailangan magsugal pa ng bibilhin dahil mismo makikita mo na in-person kung okay yung bibilhin mo
20:14at kung hindi mo naman gusto, pwede mong palitan ng iba on the spot.
20:17Hindi katulad ng online na kailangan mo munang hintayin, tapos kailangan medyo magdasal ka ng konti
20:23kung tama ba yung darating sa'yo na in-order mo.
20:27Sa mga oras na ito, kung Rafi, para dun sa mga kapuso natin na may planong mamili dito sa Divisory,
20:33kung makikita ninyo sa akin likuran, handa-handa na kayo ng konting pasensya
20:38dahil medyo siksika na dito, simula dito sa may bandang ilaya, dire-diretsyo na yan,
20:43hanggang doon sa mga tiyanggian doon sa loob.
20:45Sa mga gusali naman dito, medyo maluwag-luwag yan, partidang, pero ngayon yan.
20:49Mamayang hapon, ninaasahan, gaya nung kwento sa amin ng mga ilang nandito,
20:54karamihan daw kasi doon sa mga namimili, medyo hapon daw dumarating
20:57dahil gusto na nilang sagarin hanggang gabi yung kanilang pamimili.
21:00Kaya asahan daw na habang lumalaon ang maghapon,
21:05mas lalong darami yung mga maghahabol na mga bibili ng pangregalo ngayong Pasko
21:10dito sa bahagi ng Divisorya, Rafi.
21:12Maraming salamat sa iyo, Dano Tingkungko.
21:16Ito ang GMA Regional TV News.
21:22Patay ang isang pedestrian at nakabangga sa kanyang motorcycle rider sa Narvacan, Ilocosur.
21:27Base sa investigasyon, binabaybay ng rider ang National Highway sa barangay Solvec
21:32nang masalpok ang 65 taong gulang na pedestrian.
21:36Walang malapit na pedestrian lane sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.
21:41Sa lakas ng impact, tumila po ng dalawa at nagtamo ng sugad sa iba't ibang bahagi ng katawan.
21:46Dinila sila sa ospital pero hindi na umabot ng buhay.
21:49Wala pang pahayag ang kaanak ng mga nasawi.
21:51Sa Banta Ilocosur naman, nagkarambola ang isang kotse, tricycle at motorsiklo
21:56sa National Highway sa barangay Puspus.
21:59Ayon sa investigasyon, papalabas sa National Highway ang tricycle
22:02nang masalpok ito ng paparating na kotse.
22:04Na damay ang motorsiklo na kasunod ng kotse.
22:08Sugatan ang rider ng motorsiklo at tricycle driver.
22:11Ligtas naman ang driver ng kotse.
22:13Wala pang pahayag ang mga sangkot sa insidente.
22:20Hindi nagpatalo sa paganda ng dekorasyon ng isang classroom sa Anilaw, Iloilo.
22:25Kaya ang kanilang palabar na spirit naging hit online.
22:29Over sa design, tila naging gingerbread house ang silid-aralan na yan sa Anilaw National High School.
22:39Ayon sa uploader na si Michaela Nicole Hardin,
22:42ginawa nila yan matapos i-announce ng assistant principal na gagawing pa-contest
22:46ang pag-decorate ng classrooms para sa Pasko.
22:49Hindi siyempre yan inatrasa ng kanilang seksyon.
22:52Gamit ang recycled materials na nanggaling sa kanilang mga sinalihang school activity,
22:57nagtulong-tulong sila para ma-achieve ang bonggang design.
23:02Eh, hindi pa in-announce kung sino ang mananalo,
23:04pero wagin na online ang entry na yan at may 2.4 million views.
23:09Trending!
23:12Ganda effort.
23:12Oo nga naman.
23:14Bida-bida siguro yung mga estudyante sa class na yan.
23:17Tsaka Pasko naman talaga.
23:18Kailangan bonggahan.
Be the first to comment