00:00Ngayong umagang ito, nais kong magbigay ng taus-pusong pagbati at pasasalamat sa ating House Bicameral Panel sa matagumpay na pagtatapos ng isang makasaysayang Bicameral Conference.
00:20This was the first open Bicam in our history.
00:24Isang mahalagang hakbang tungo sa mas bukas, mas malinaw at mas mapagkakatiwala ang proseso sa paggawa ng pambansang budget.
00:38So, binabatay ko po si Chairperson Mika Swan Singh ng House Committee on Appropriations at ng buong Bicameral Panel kasama ang ating Majority Floor Leader,
00:56Kagalang-galang Sandro Marcos, at ang lahat ng kinatawan ng 20th Congress, sa inyong pamumuno at tsaga,
01:11nakapagtapos tayo ng budget na maaaring pagkatiwalaan ng taong bayang.
01:17Isang budget na walang insertions na hindi itinago, hindi minadali, kundi bukas sa mata ng publiko.
01:29This budget is historic, not only because the process was transparent, but because the priorities were very clear.
01:47It is a budget shaped by love for the country, a deep understanding of our people's realities, and genuine compassion for our kababayan.
02:00Base po sa ating House General Appropriation Bill, ang edukasyon, ang pinakapundasyon ng ating kinabukasan.
02:14Itinakda natin ang pinakamalaking educational budget sa kaisasaysayan ng ating bansa,
02:21katumbas ng 4.1 ng ating GDP.
02:27Nalampasan po natin ang international benchmark.
02:34Ngunit higit sa mga numero, ang mahalaga ay ang kahulugan nito.
02:42Mas maraming kabataang Pilipino ang magkakaroon ng maayos na silid-aralan,
02:49mas maraming guro ang masusuportahan, at mas maraming pangarap ang magkakaroon ng pagkakataong matupag.
02:59May higit 25,000 na silid-aralan, ang may papatayo at mare-rehabilitate.
03:08At matatapos na ang mahigit 6 na taon na ating pong paghihintay,
03:14fully funded na ang Universal Access to Quality Tertiary Education
03:19na magbibigay na pag-asa sa mahigit 2.1 million na estudyante.
03:25This is not just an investment in education.
03:37This is an investment in the future of the Filipino nation.
03:42Sa kalusugan, pinili natin bigyan ng prioridad ang buhay at dignidad ng ating mga kababayang.
03:57Pinalakas natin ang PhilHealth, a MyFIP, upang may sakatuparan ang Zero Balance Billing
04:07para sa may hirap na pasyente sa ating pong mga publikong ospital.
04:14Sa larangan ng agrikultura, pinakinggan natin ang matagal ng panawagan ng ating pong mga magsasaka at mangingisda.
04:24Pinalakas natin ang suporta sa mahigit 1.4 million na magsasaka at mangingisda
04:33mula farm-to-market roads at mga irigasyon at hanggang makinarya, crop insurance at modernization.
04:42Ipinaglaman natin ang 10 bilyong subsidiya dahil batid natin kapag may sapat na suporta ang ating pong mga magsasaka,
04:54may sapat na pagkain ang bawat pamilyang Pilipino.
04:58Ginawa natin ito dahil ang transparency ay hindi lamang ipinangako.
05:10Ito ay isinasagawa at isinasabuhay.
05:14Alam natin na ang tiwala ng taong bayan ay hindi basta ibinibigay.
05:21Ito po ay pinaghihirapan, pinapanday at pinangangalagaan araw-araw.
05:31At ngayon kapaskuhan, hayaan nyo ako mag-iwan ng isang mensahe ng pag-asa.
05:42Christmas reminds us that public service is an act of love.
05:48It teaches us to nurture a culture of kindness.
05:52Ang tunay na kagalakan sa paglilingkod bayan ay hindi nagmumula sa posisyon, titulo o kapangyarihan.
06:03Ito ay nagmumula na sa kaalaman natin na may isang batang makakapag-aral at makakapagtapos.
06:12May isang pasyenteng gumaling.
06:15May isang pamilyang muling umasa.
06:17Dahil pinili po natin maglilingkod ng totoo at tapat.
06:24Sa gitna ng pagod, maraming ingay at maraming hamon sa politika.
06:33Ang Pasko, ang paalala na may saisay sa ating mga ginagawa.
06:38Na ang bawat tamang disisyon, bawat matapang na paninindigan, at bawat tahimik na sakripisyo ay binhi ng pag-asa para sa ating bayan.
06:52Naway, dalin natin ang diwa ng Pasko, ang pag-asa at malalim na kagalakan, hindi lamang sa ating mga tahanan, hindi sa bawat araw ng ating paglilingkod.
07:10Sa aking kapwa mababatas, sa ating masisipag na kawani, at sa sambayan ng Pilipino, na patuloyin natin silang paglilingkuran.
07:26Maraming maraming salamat po.
07:28Maligayang Pasko sa ating lahat at naway sa biyaya at paggabay ng puong may kapal.
07:44Magpatuloy ang ating sama-samang paglalakbay tungo sa isang mas makatarungan, mas maunlad, at mas mapagmalasakit na bagong Pilipinas.
07:56Mabuhay po tayo lahat at Merry Christmas.