00:00Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Department of Budget and Management at si DPWH Secretary Vince Dizon
00:06na magsagawa ng malalimang pag-usisi sa panukalang 2026 budget ng DPWH.
00:12Ang detali sa report ni Kenneth Pasyente.
00:16Para masilip ang posibleng duplication o pagkakaulit ng mga flood control projects,
00:21iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Budget and Management
00:25at kay Department of Public Works and Highway Secretary Vince Dizon ang malawakang pagsusuri
00:30sa panukalang budget ng DPWH sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program o NEP.
00:36Binigyang diin ng Pangulo na dapat humantong ang pagsusuri sa mga kinakailangang pagbabago
00:40upang matiyak ang transparency, accountability at wastong paggamit ng pondo ng bayan.
00:45Ayon sa kanya, kailangang matiyak na ang mga pondong inilaan ay mapupunta sa mga proyektong pang-imprastruktura
00:51na tunay na pakikinabangan ng mga Pilipino.
00:53Nasabi po natin noong nakaraang press briefing na ito ay nabanggit ni Rep. Marcy at Rep. Puno.
01:01So doon lamang po kumuha pansamantalan ng informasyon ng Pangulo at ang DBM
01:07at ito po ay pag-aaralan mabuti kaya po ang DBM pati po ang DPWH ay bubosisiin po ito talaga.
01:16Dagdag pa ni Castro, dahil hindi na maaaring ibalik sa DBM ang NEP,
01:20maaaring magkaroon lamang ng pagtatama sa budget ng DPWH.
01:24Kung totoo ba ang nagkaroon ng mga duplication, nagkaroon ng insertion,
01:29dapat po kasi matanggal ito sa true errata.
01:34Kung halimbawa anyang makitang may mga proyektong tapos na pero nakalagay pa rin sa NEP,
01:38ay dapat anya itong matanggal.
01:40Kaya posiblian niyang mabawasan ang panukalang budget ng DPWH sa susunod na taon
01:44depende sa makikitang resulta ng gagawing pagre-review.
01:48Kaya nga po may mga pagre-review, kaya po rin nagkakaroon ng budget hearing
01:52para maitama kung ano yung maitama dapat.
01:55So if ever there will be a reduction in the proposed NEP sa DPWH lang po?
02:00Depende po kasi kung meron pa pong iba.
02:02So I re-review po nila.
02:03Pero sa ngayon po, dahil yun po yung nakikita ng mga senador natin
02:06at ng mga kongresista, DPWH.
02:11Okay, salamat.
02:13Tiwala naman ang palasyo na mabilis itong maisasagawa at matatapos
02:16para maiwasan ang anumang delay sa budget deliberation.
02:19Sa bilis po ng pagtatrabaho ni Sec Vince at sa kanya Sec Mina pangandaman,
02:24mabilisan po ito.
02:25At yun ang pinag-utos talaga ng pungulo.
02:27So hindi pwedeng pang matagalan yung gagawin na pagre-review.
02:31Mabilisan po ito.
02:32Ang ilang kongresista, supportado ang direktiba ng presidente
02:35sa ngalan ng maayos na budget.
02:37Well, siguro bago na-submit dapat yung budget dito,
02:42na double-check, triple-check din po siguro nila.
02:46Pero that's good that they'll do a sweep
02:50para makita po natin kung may irregularities nga
02:53or may na-miss out tayo dun sa budget ng DPWH.
02:58Si DS Puno, may talaga siyang nakita,
03:01si na-congresista Doro,
03:03may nakita silang nag-uulit eh,
03:04hindi ba, na mga line items.
03:06And ang totoo,
03:08the burden of this particular review
03:10is on DPWH and on the DBM.
03:13So, okay, pag-aralan nila, walang problema.
03:16Yun din naman yung gusto talaga natin makita.
03:18Kenneth, pasyente.
03:19Para sa Pambansang TV,
03:21sa Bagong Pilipinas.