00:00Sa detaly ng ating mga balita, posibleng makasama sa bansa ang pagkakaroon ng re-enacted budget para sa susunod na taon
00:07dahil umano yan sa napakaraming insertions at ghost flood control projects.
00:12Kaya naman mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hindi papayagang maulit ang 2025 national budget.
00:20Ang detaly sa reporting Clay Salpardilla.
00:23Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-aaral at pagtalakay sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
00:35Ay bilis na ang trabaho. Dapat bilis na na pag-aaral.
00:386.793 trillion pesos ang proposed 2026 national budget na nasa period of amendments ng Senado.
00:47Ito ang pagbabago sa mga alokasyon na ibubuo sa mga nakaambang proyekto at programa ng pamahalaan para sa susunod na taon.
00:56Target maipasa ang 2026 national budget bago mag-December 31.
01:02Kung mabigo, iiral ang 2025 re-enacted budget o paggamit ng lumang pondo na sinasabing pinakamanumalia
01:10at pugat ng mga palpak at guni-guning flood control project at posibleng makapigil sa pagtupad ng mga bago at napapanahong programa ng administrasyon.
01:22Ayaw po ng Pangulong ng re-enacted budget. Alam po natin yan.
01:25So hanggat maaari, bilis-bilisan natin. Although kahit tapos na yung kapwas ang panahon, sana po mas mapabilis natin.
01:31Para matiyak ang pagkakaroon ng sapat na pondo at maayos na operasyon ang tanggapan ng Pangulo,
01:39sinisikap ng Office of the President na singilin ang mga ahensya ng gobyerno
01:44na hindi pa nababayaran ang ilang gastusin sa foreign travel noong 2024 na una ng sinita ng Commission on Audit.
01:53Collection letters were already issued in April and May 2025. Of the said amount,
02:007,887,555.64 or 55% were already collected to date.
02:09The OP consistently monitors the outstanding bills through monthly aging report and sending of collection demand letters.
02:16Pinalaga ng Malacanang ang paninisi ni Cavite Representative Kiko Barzaga kay Pangulong Marcos
02:22na siya umanong dahilan kung bakit mayorya ng mga mambabatas ay nagkaisa na isuspindi siya ng 60 araw.
02:31Sinasabit niya ang pangalan po ni Pangulo dahil sa kanyang pagkakasuspindi.
02:37Unang-una po yung mga load photos na kanyang pinos. Hindi naman po kasama ang Pangulo noong ito ay kanyang ginawa.
02:45Hindi naman kasama ang Pangulo noong ito ay pinos.
02:47At yung mga sinasabi niya mga di umanong disinformation laban sa AFP,
02:53hindi rin po yata kasama ang Pangulo sa kanyang mga di umanong disinformation.
02:58So sa atin na nakikita rito, ginagamit lamang ang pangalan ni Pangulong Marcos Jr.
03:03para ma-justify ang kanyang mga ginagawang disinformation.
03:06Nag-ugat ang suspensyon ni Barzaga dahil sa unethical behavior umano
03:11matapos ang kanyang sunod-sunod na atake sa gobyerno at pagbabalandra ng malalaswang larawan.
03:19Kaleizal Pordilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas!
Comments