Skip to playerSkip to main content
Iniikutan ng pulisya ang pamayanan sa Santo Tomas, Batangas kung saan ginahasa at pinatay ang isang batang nangangaroling. Galit na nagluluksa ngayon ang mga nag-alaga sa bata na matagal na palang ulila.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ineikutan ng polisya ang pamayanan sa Santo Tomas, Batangas,
00:03kung saan ginahasa at pinatay ang isang batang nangangaruling.
00:07Galit na nagluloksa ngayon ang mga nag-alaga sa bata.
00:10Na matagal na palang ulila.
00:13Nakatutok si John Consulta.
00:19Hindi siya tao. Hayop siya. Demonyo siya.
00:24Hindi talaga siya tao.
00:25Dahil kung tao siya, hindi niyang gawain.
00:29Ang ganyan tao.
00:30Wala nang mayayakap na Bela, si Marivic Caspe ngayong Pasko.
00:35Ang limang taong gulang na batang inalagaan nila magkakamitbahay
00:39mula ng maulila ito sa kanyang single parent na ina
00:42nung siyam na buwang gulang palang.
00:45Sabi niya sa akin,
00:46Mami, nasa tindahan ako.
00:48Mami kasi tawag niya sa akin.
00:49Babila ako po ito. Sabi ko saan galing ang pera mo.
00:52Kay Papa lo.
00:53Ayaw ko siya nangangaruling.
00:55Pero gusto niya kasi may kasama naman siyang anang-ate niya.
00:58Pero sabi ko,
00:59Huwag kasi baka kagatin ka ng aso.
01:01Makagat ka ng aso.
01:03Sabi ko ako nalang bibigay sa'yo.
01:05Pero higit pa sa agat ng aso
01:07ang sinabit ni Bela
01:08ng mangaruling sa isang bahay
01:10sa kanilang lugar sa Satatamas, Batangas,
01:12itong biyernes.
01:14Kinabukasan,
01:15natagpuan siyang nakasilit sa sako
01:16at wala ng buhay.
01:18Lumabas sa pagsusuri
01:19na ginahasa si Bela
01:21ng dalawang lalaking caretaker ng bahay
01:23na umaming nakadroga noon.
01:26Parehong arestado na ang dalawa.
01:28Inamin ang isa sa mga suspect
01:30ang ginawang pangahalay.
01:32Ang ginawa mo?
01:33Gumagamit, sir.
01:34Na?
01:35Nagbabawal na gamot.
01:36Tapos, ano na nangyari?
01:37Sa dumating na po,
01:39ang punto na doon na po
01:40sa taas yung bata,
01:41iba na po yung takbo ng utak po namin.
01:45Lumalabas na pinagplanuan
01:46ng mga suspect ang bata
01:47na dati na raw
01:49nangangaruling sa kanila.
01:50Ilang beses na po bang
01:52nangaruling sa inyo yung bata?
01:54Limang beses po, sir.
01:56Bago po dumating yung paka
01:58pang limang beses na nangaruling
02:01doon na namin po na pagplanuan
02:04na ipasok yung bata
02:05doon sa loob ng barak.
02:06Pagkakanta po,
02:08pinapasok ko na po sa loob.
02:09Pagpasok po ng bata,
02:11yung bibigyan ko po ng pera.
02:12Ay nakita po ni...
02:15Yung pangalawa kong kasama po?
02:17Yung pangalawa kong kasama na
02:18nagamit ito kami.
02:21Gusto na pong umalis.
02:22Yung bata?
02:22Opo, sir.
02:23Sumisigawa at umiiyak po, sir.
02:25Yung bata po, sir.
02:26Anong sabi niya?
02:28Uuwi na po daw po siya.
02:30Sa sariling kwento ng suspect,
02:32inuntog ng kanyang kasama ang bata
02:33bago nila ito hinalay.
02:36Pagkatapos ay sinakal ang bata
02:38gamit ang cord ng charger ng cellphone
02:40na kanya raw ikinamatay.
02:42Pero kahit patay na,
02:44hinalay para ulit
02:45ng kanyang kasama ang bata.
02:47Kapit mo po nagawa yun?
02:49Dahil hindi na po namin makakaya
02:51yung kuwan ng droga.
02:56Hindi po namin kaya ng kontrolin.
03:00Kung baga po kami sarili,
03:01wala na po kami sa sarili.
03:03Atin pong bibigyan ng instruction,
03:05yung hebe ng Santotopas,
03:08lahat ng ebidensya ay kanilang masusing titignan
03:13para hindi na talaga makakawala
03:15itong mga suspects na ito.
03:18And of course,
03:19tinitigpan pa natin,
03:20baka may mga witnesses pa tayong makuha.
03:23Mariin namang kinundina
03:24ng Santotomas City Hall
03:26ang brutal na ginawa sa bata
03:28at nagpabot na
03:29ng tulong
03:30para sa pagpapalibing.
03:31Ang mga tauan naman
03:32ng PNP PRO 4A
03:34nag-ikot sa komunidad
03:35na pinangyarihan ang krimen
03:37para paalalahanan
03:38ang mga magulang
03:39kung paano may lalayo
03:41ang mga anak
03:41sa mga insidente
03:42ng pang-abuso.
03:43Kalaro din po yun
03:44ng aking anak eh.
03:45Dito rin,
03:46upo,
03:46minsan po nandito rin po
03:47yung bata na yun
03:48dito sa bahay.
03:48Hindi na muna sila
03:49mangangaruling.
03:50Dito na lang sila sa bahay,
03:51bibigyan ko na lang sila
03:52ng pera.
03:54Hindi kaya pagkain,
03:55gano'n nalaang.
03:56Bakit mo?
03:57Eh syempre,
03:57nakakatakot din yun.
03:58Maging alerto po sila
03:59at ingatan po nila
04:01ang kanilang mga anak.
04:02Huwag pong ipagkatiwala
04:04kahit kanino
04:04at lagi pong yung gabay
04:06ng mga magulang
04:07ang isa sa pinakamahalaga.
04:10Para sa GMA Integrated News,
04:12John Consulta,
04:13Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended