00:00Na-recover ng militar ang ilan sa matataas na kalibre ng armas ng New People's Army sa iba't-ibang operasyon.
00:06Iginiit ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila kinikilala ang idineklarang ceasefire ng NPA ngayong holiday season.
00:13Yan ang ulit ni Patrick De Jesus.
00:17Simula noong nakaraang taon, aabot na sa 65 matataas na kalibre ng armas ng New People's Army
00:24ang nasabat sa Southern Luzon na bunga ng pinaiting na anti-insurgency operations ng Armed Forces of the Philippines.
00:35Kabilang narito ang nadiskubreng imbakan sa bahagi ng kagubatan sa Labo, Cabarines Norte
00:42matapos ang joint operation ng mga operatiba ng Philippine Army at Philippine National Police noong December 16 at December 17.
00:51Higit sa 40 M16A1 rifle, M15, M653 at shotgun ang narecover,
00:59kung saan nakatago rin ang nasa 2,000 bala, mga magazine at ilang improvised explosive device.
01:07Kasunod nito ay ang pag-recover noong December 21 sa caliber .50 machine gun sa Lopez, Quezon.
01:14Pinaniniwala ang ito rin ang kaparehong armas na ginamit ng NPA nang atakihin ang Philippine Coast Guard Station
01:21at barko ng Philippine Navy sa Real Quezon noon pang 2003.
01:26These guns are now silenced.
01:28Hindi na siya magagamit sa kahit anumang kaharasan.
01:32Napaka-importante na narecover natin ito because these weapons can be used again.
01:36This recovery prevents any more violence.
01:39Malaking tulong naman sa pagkakadiskubre ng mga armas ang ibinigay na TIP ng ilang residente.
01:46Ang mabilis at mapapagkatiwala ang impormasyon mula sa komunidad ay patunay lamang na ang tiwala sa ating mga sundalo ay mas lalo pang tumitibay.
02:00This accomplishment once again shows the value of intelligence-driven operation and close coordination between PNP and AFP.
02:10When information is shared and act upon properly, threats can be addressed before they escalate.
02:17Una ng iginiit ng AFP na hindi nila kinikilala ang deklarasyon na ceasefire ng New People's Army ngayong holiday season
02:25kaya't ipagpapatuloy ng 2nd Infantry Division ang operasyon laban sa mga miyembro ng communist terrorist groups.
02:34All units are to be alert for any eventuality.
02:40This Christmas season, we will continue our operations to safeguard the community.
02:46Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments